“Kapangahasan ang iyong ginawa! Ang isang Ginoo ay hindi kailanman hahawak sa isang Binibining hindi mo pa lumubasang kilala. Marahil ay gusto mong matikman ang kapangyarihan ng aking ama, Jaoquin!”,sigaw ni Rasilita na ikinagulat ng lahat.
Napatingin si Rasilita sa dako ng kanyang ama. Agad siyang napayuko, hindi niya hahayaang makita ni Don Hernan ang kanyang naniningkit na mga mata. Naalala niyang may tumulak kay Corazon na lalaki kaya agad siyang napatawag ng guwardiya. Hindi na napansin ng mga taong naroroon ang pagtawag niya sa pangalan ni Jaoquin.
“May ginoong bumangga sa akin kani-kanina lang. Siya rin ang tumulak sa akin upang sandaling mawalan ako nang malay. Bagkus alam kong hindi pa siya nakakalayo sa mga oras na ito.”,wika ni Rasilita at nagulat ng nasa harapan niya na ang ama. Napayuko agad siya at tumalikod ngunit iniharap pa rin siya nito.
Tinitigan lamang siya ni Don Hernan at bumaling sa gobernadorcillo at ng mga kasama nito.
“Maaaring may espiyang nakapasok sa aking hacienda. Kung inyong mararapatin ay umalis na kayo sa aming tahanan nang patago upang hindi..”,nahinto si Don Hernan sa sasabihin.
“Sino pa nga ba ang ating kalaban sa mga oras na ito Hernan, isa lamang ang nasa aking utak kung sino ang may pakana nito.”,wika ni Don Lucio.
“Ang mga de San Antonio!”,napatakip ng bibig si Doña Felita at niyakap ang anak.
“Kami ay aalis na muna. Hayaan mo Hernan tutulungan kita sa pag-iimbestiga.”dagdag ni Don Lucio bago umalis kasama ng iba pang bisita.
Nang maiwan si Don Hernan at Doña Felita maging ang mga katulong sa loob ng mansion ay ipinasarado ng Don ang mga bintana maging ang pintuan.
“Kailan ka pa nagbalik Rasilita?”,biglang tanong ng ama sa katawan ni Corazon. Nanginginig ang mga kamay nitong nakatingin kay Don Hernan. Alam niyang itataboy na naman siya ng kanyang ina na ngayon ay napalayo sa kanya.
Napaluhod si Marites sa harapan ni Don Hernan at Doña Felita. Nabisto na sila. Kilala nga si Rasilita ng kanyang ama. Dahan dahang nag-init ang naniningkit na mga mata ni Rasilita. Bumagsak ang mga luha mula rito.
“Bakit hindi ka magsalita?”,kalmado lamang si Don Hernan.
“Kailan ka pa nagbalik Rasilita?!”sigaw ni Doña Felita at napatago sa likuran ng asawa.
“Kaya ba may espiya dahil nagbalik ka sa mismong kaarawan ni Corazon? O kaya’y ikaw ang nagdala ng espiya?”,sunod sunod na tanong ni Doña Felita subalit napasigaw si Don Hernan.
“Tama na Felita! Hindi ka ba nasisiyahan sa pagbalik ng ating anak? Nagbalik ang matagal mo nang itinaboy Felita! Hindi ka ba masaya?!”sigaw na tanong ni Don Hernan at natahimik ang Doña.
Ibinaling ng Don ang tingin kay Rasilita.
“Masaya akong nagbalik ka sa aming piling Rasilita. Aking pinagsisihang hinayaan ko si Felita na itaboy ka. Bawat gabi ay iniisip ko ang iyong kalagayan.”,patuloy ang pag-iyak ni Rasilita sa mga narinig mula sa ama. Akala niya ay nakalimutan na siya nito kung kaya’t itinago niya sa ama ang lahat.
“Ipagpaumanhin niyo po ang aking sasabihin subalit kung inyong itataboy muli si Señorita Rasilita ay isabay niyo na rin sa pagtaboy ang aking buhay Doña Felita.”,matapang na wika ni Marites.
Kahit wala siyang karapatang magsalita ay pilit niya iyong sinabi.
“Walang kasalanan si Marites ina kaya huwag ninyo siyang parusahan. Maging si Corazon ay wala rin. Ako itong gustong bumalik sa inyong buhay kung kaya’t kung may itataboy man ay ako iyon.”
“Señorita..”,pagmamakaawa ni Marites bagama’t si Corazon at Rasilita lamang ang naging tanging totoo sa kanya sa pamamahay na pinagtatrabahuan.
“Walang itataboy anak. Hindi ko hahayaan ang iyong ina na gawin iyon sa iyo ulit. Hanggang nabubuhay ang iyong ama ay mabubuhay ka.”,wika ni Don Hernan na siyang ikinainis ni Doña Felita sapagkat nag-iisip na siya sa kung anong kamalasan ang dala nang pagbabalik ni Rasilita sa buhay nila.
“Ang selebrasiyon sa kaarawan ni Corazon ay magtatagal ng isang linggo!”utos ni Don Hernan sa mga tauhan at nagsitalunan ito sa tuwa sapagkat malilibre sila ng pagkain sa buong isang linggo.
“Ano ang iyong gustong ihanda sa iyong pagbabalik Rasilita?”,tanong ni Don Hernan ngunit nabigla siya ng biglang nahilo si Rasilita. Pumikit ito at nang dumilat ay bilugan na ang mga mata.
Agad niyang niyakap ang nag-iisang anak. Bagama’t ngayon ay dalawa na sila sa iisang katawan.
“Ama.”tawag ni Corazon na walang malay sa mga nangyayari.
“Bakit hindi mo sa amin ipinagtapat na nagbalik na si Rasilita?!”tumaas ang boses ni Doña Felita kung kaya’t tinignan siya ng masama ni Don Hernan.
“Nakausap niyo na po si Rasilita?”,gulat na tanong ni Corazon at nagsimulang matakot para sa tinuturing na kapatid.
“Nakausap ko na si ama ngunit hindi si ina.”,bigkas ni Rasilita gamit ang bibig ni Corazon sa harap ng kanyang mga magulang upang ito ay magulat.
“Nakalimutan mo ba ang bilin ko sayo Raseng na sa tuwing malalaman ni ina ay papaalisin ka na naman niya sa aking katawan? Hindi mo ba iyon naisip?!”sigaw ni Corazon sa pag-aalala.
“Subalit nabisto na ako ni ama. Iyong ipagpatawad Coreng subalit wala akong nagawa. Mawawala rin naman ako kung kaya’t tanggap ko na ang lahat.”,tugon ni Rasilita na siyang si Corazon lang din naman ang bumigkas.
“Subalit maaari kang manatili sa…”,naiyak na nang tuluyan si Corazon at napaupo sa sahig. Walang nagawa ang kanyang ama at ina kundi panoorin ang kanilang anak na parang nababaliw na nakikipagtalo sa kanyang sarili.
Tanging si Marites lang naman din ang nasa salas sapagkat ang mga tauhan ay nasa labas at sarado ang lahat ng bintana maliban sa balkonahe. Nilapitan ni Don Hernan si Corazon at pinatahan.
“Hindi na aalis si Rasilita anak.”,mahina subalit iyon ang nagpatigil sa pag-iyak ni Corazon.
“Tatanggapin niyo na ulit si Rasilita?”balik niyang tanong sa ama.
“Sinabi ni ama na isang linggo ang selebrasyon ng ating kaarawan dahilan ng aking pagbabalik Coreng.”,wika ni Rasilita na siyang bigkas din lang naman ni Corazon.
“Pumayag si ina na manatili si Rasilita?”tanong na naman ni Corazon, bagay na hindi makapagsalita si Don Hernan.
“Kung hindi kamalasan ang dala ni Rasilita ay mamamalagi siya sa katawan mo Corazon.”biglang nagsalita si Doña Felita.
Napatulo na naman ng sunod sunod ang mga luha ni Corazon sa sinabi ng ina. Sa lahat ng nasabi nito sa kanya ay ito ang pinakanasiyahan siya.
“Subalit kung kamalasan ay sisiguraduhin kong hindi na siya makakabalik pa sa katawan mo.”,sunod na banta ni Doña Felita.
“Tatandaan ko po yan ina.”,wika ni Rasilita.
“Magpasalamat ka na rin sa kabutihan at pagkakataong binigay ni ina sa iyo Raseng.”utos ni Corazon sa kanyang sarili.
“Maraming salamat ina.”, nagpasalamat naman agad si Rasilita.
Kung titignan sa malayo ay baliw ang anak nila Don Hernan at Doña Felita. Sino ba naman ang nasa katinuan ang gagawa ng ginagawa ni Corazon?
“Subalit hayaan mo ako Hernan na ipatingin sa doktor ng pag-iisip si Corazon at baka nababaliw lang ang ating anak.”wika ni Doña Felita na ikinaatras ni Corazon.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Ficción históricaDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...