CALHEA'S POV
Madilim na nang magising ako sa isang kwarto kung saan kami naroon , at tanging liwanag na galing sa kalangitan ang nagbibigay sa amin ng liwanag . Hindi ako makagalaw dahil sa nakatali ang mga kamay ko na nasa aking likuran pati na rin ang mga paa ko na pinalilibutan ng kadena na ikinapula at ikinahapdi ng aking balat.
Ilang oras na akong umiiyak at hindi maubos-ubos iyon. Nananakit na rin ang aking katawan dahil sa ilang mga pasa sa aking katawan dahil sa panlalaban ko sa mga kumidnap sa amin.
"Tulungan niyo kami! Pakiusap!. " Nagmamakaawang paghingi ng tulong ni Lex na para bang may nakakarinig sa kaniya sa labas ng bodega na ito. Kaibigan ko siya at tatlo kaming nakuha ng mga kidnappers. Si Vina ay nakahiga sa sahig habang nakatali rin siya at hindi pa rin nagigising hanggang ngayon . Halos mabingi ako sa mga sigaw ni Lex dahil paulit ulit ito at wala naman talagang makakatulong sa amin dahil kung meron man ay kanina pa kaming wala dito.
"Please . Tulungan ninyo kami. " Pahina nang pahina ang boses ni Lex na parang naubusan na ng lakas kakahingi ng tulong. Nabuhayan ako ng loob noong may nagbukas ng pinto na ikinasilaw namin dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa labas dahil baka matutulungan niya kami pero nagkamali ako . Lumapit ang isang matandang lalaki kay Lex na ikinakaba ko ng sobra . Nanlaban si Lex dito at nagsisigaw ito.
"Saan mo siya dadalhin?Bitawan mo siya pakiusap! Please! Please! Please!. "Pagmamakaawa ko nang pilit kunin ng matandang lalaki si Lex.
"Bitawan mo ako!! Ano ba!!?! Saan mo ako dadalhin!?! Ahhhhh!!!. "Pagpupumilit ni Lex dito at bigla siyang sinuntok sa tiyan na ikinatahimik ni Lex dahil sa kirot na naidulot nito.
"Ikaw gusto mo din!?. "Galit na tanong ng matandang lalaki sa akin no'ng tangka akong tatayo para sana tulungan si Lex na namimilipit sa sakit. Napaiyak na lang ako noong mailabas ng matandang lalaki si Lex sa bodega na ito at pabagsak na isinara ang pintuan.
Ilang oras pa ang lumipas at nagising na si Vina na para bang ngayon niya lang na-realize na nasa panganib kami. Umiyak siya nang umiyak at wala na akong lakas para puntahan siya at patahanin. Buong katawan ko ay nanlalambot dahil sa kanina pa naming sitwasyon.
"Where are we? Where's Lex? Are you okay? Gosh! What's happening?, " sunod sunod na tanong ni Vina habang umiiyak na agad ko itong pinatahimik dahil baka ay kunin din siya ng matandang lalaki kapag ito ay nag-ingay katulad ng ginawa ni Lex. Walang ginawa si Vina kung hindi ang umiyak nang umiyak.
Napagod na ang mga mata ko at para bang gusto ko na lang magpahinga. Halos napuno na ng mga pasa at dumi ang aming mga binti .
Hindi ako matapang. Hindi ko kayang ipaglaban ang mga tao na nakapaligid sa akin. Masiyado akong duwag at takot sa nangyayari sa amin. Hinayaan ko si Lex na makuha ng lalaki na iyon. Sobrang duwag ko. Nakatulog ako dahil sa pagod .
' An hours ago '
"Cally! Cally! Gising! Cally!. "Rinig kong tawag ni Vina sa akin at agad akong nagising dahil wala na kami sa bodega at pati mga tali at kadena na nasa kamay at paa namin kanina at halos mamula na ang aming mga balat.
"Nasa'n tayo?, "tanong ko kay Vina . May mga kasama kaming babae na ka-edad din namin na nakatingin sa amin dahil bago kami dito ,puno rin sila ng sugat at mga pasa sa katawan. 'Yung iba ay para bang matagal na nalalagi dito dahil mukha na silang komportable . "Si Lex?, "tanong ko ulit at niyakap ako ni Vina at doon na umiyak. Nasa isa kaming kulungan na nangangalawang na ang mga bakal dito. "Ssshhh! Don't worry , she will be okay ." Pagpapatahan ko kay Vina kahit na hindi ako sigurado kung okay lang ba talaga si Lex kung nasaan man siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Lex .
BINABASA MO ANG
10,000 HOURS
Romance"The best use of life is love. The best expression of love is time. The best time to love is now."