Kuya Justine :) ----->
Kuya John :) ----->
Inlalayan ako ng aking kuya palabas ng silid at tuluyan na namin nilisan ang eskwela para puntahan si mama. Nang dumating kami sa Hospital nakita kong si Papa nakatayo sa labas ng kwarto ni mama at tuluyan na akong tumakbo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Papa, papa wala na si mama, papa”
“Tahan na Jey andito pa naman ako di ko kayo pababayaan tahan na anak” ang umiiyak na sambit ng aking ama
Nang mailabas ko na ang aking sakit na nadarama ay kinausap ako nila Papa at kuya.
“Jey puntahan mo na mama mo sa loob” si Papa
“Ayoko papa hindi pa ako handa”
“Hindi ka ba magpapaalam kay mama?” umiiyak na tanong ni Kuya John
Niyuko ko lang ang aking ulo at yumakap kay papa
“kung yan ang gusto mo anak alam ko maiintindihan naman ng mama mo”
Habang naka yakap ako kay papa unti unting nakaramdam ako nang panghihina at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
“Jey! Jey! Gumising ka Jey!” Tarantang pagsigaw ni Papa
“Pa! ano nangyari kay Jey!” sila kuya
At sa mga oras na yun ay nagtakbuhan na nga ang mga nurse at doctor para tulungan ako, dinala ako sa emergency room para tignan. Matapos ang dalawampung minuto lumabas na ang doctor mula sa emergency room para kausapin si Papa.
“Stable na po ang condition ng anak nyo dala na din siguro ng matinding emosyon at pagkalipas nya ng gutom kaya nanghina ang kanyang katawan, kailangan nya lang pong magpahinga” ang doctor.
“Salamat po doc” si papa
Nilipat na ako sa isang private room ng hospital ngunit hindi pa rin ako nagigising. Dumating ang aking mga kaklase at mga guro sa hospital kasama na din ang aking mga kaibigan nung mabalitaan nila ang nangyari sa akin. Sinalubong sila nila Papa at Kuya.
“tito kamusta na po si Jey” pag aalalang tanong nila Harvey at Josh
“ok na siya kailangan lang daw ng pahinga sabi ng doktor” si Papa
“pede po ba namin siyang dalawin?” tanong ni Fatima
“Pasensya na pero bilin kasi ng doktor hindi muna daw siya pwedeng tumanggap ng bisita” si kuya John
“Baka pwede kahit masilip man lang namin siya” pagmamakaawa ni Harvey
“mahigpit kasi ang bilin sa amin ng doktor kaya kahit gustuhin man namin para na din yun sa ikabubuti ni Jey” si kuya John.
“Salamat pala sa pagdalaw nyo alam kong nagaalala kayo kay Jey pero mas makakabuti narin siguro kung hahayaan na din muna natin siyang mapag isa” si papa.
At tuluyan na nga nagpaalam ang aking mga kaklase at mga guro kasama nang aking matatalik na mga kaibigan. Dumaan sa parke sila Josh, Harvey at Fatima para makapag usap.
“Fatima matagal mo na diba alam ang nangyayari kay Jey bat di mo sinabi sa amin” galit na tanong ni Josh
“diba kaibigan ka namin bat mo nilihim sa amin ito!” dagdag ni Harvey
“wag nyo ako sisihin! Ang sisihin nyo ang mga sarili nyo! Bakit ilang beses na ba nya kayo nilapitan dati? at ni isa ba sa mga yun sinubukan nyo man lang ba siya pansinin o pakinggan? Tugon ni Fatima
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Novela JuvenilThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)