Heaven Knows
written by dxnxczP R O L O G U E
"When my life is running dry, you pour yourself on me. Thank you Summer. I love you. Thank you for being my world, my everything" sabi ko habang patuloy pa rin na umiiyak. Lalaki ako pero hindi ko kayang hindi umiyak sa ganitong sitwasyon.
"You have a life to live Nexxon. I'm not your world, I'm just a part of it my love" nakangiting sabi ni Summer. No, wag kang ngumiti. Tangina ang hirap neto. Ayoko.
"Baby I can't, hindi ko ito kaya. Stay a little more baby, I want to make memories with you. Diba yun naman yung pangarap natin? Just please stay with me." Nagmamakaawa na talaga ako, at ang pinakamasakit is the fact that I know I can't make her stay.
"Let me go now my love, 'us' was just a false hope. But if ever I have the chance to meet you again, I'll choose you and I'll make sure that 'us' isn't a false hope anymore. Palayain mo na ako mahal, siguro tama tayo para sa isa't isa pero nasa maling pagkakataon tayo. I'm sorry for being the cause of your pain. I love you, Nexxon..." nakangiti habang lumuluhang sabi niya. Lumabas na ako ng kaniyang silid, hindi ko alam kung kaya ko pang marinig ang mga sasabihin niya pa, hindi ko na kaya. Fuck! Lalaki ako pero pagdating sa kaniya kaya kong babaan lahat.
Maybe I am that selfish to not let go of her kahit alam kong nahihirapan na siya sa amin. Pero hindi ko kaya, I love her so much. Kung sana hindi lang ako nagpadala ng galit ko, kung sana naisip ko man lang na baka may rason siya, kung sana... bakit ba ang ilap ng kasiyahan pagdating sa akin? I can't have the woman that I love and that's the worst.
Napahinto ako sa tabi ng kalsada. I don't know how to start my life without her. I'm useless in this situation, gusto kong akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya pero wala akong magawa.
Tumingala ako sa kalangitan, heaven knows how much I love her.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionEveryone wants a happy life, just plain living happy and contented. But the world is pretty unfair, right? Well, we can't really appreciate the true happiness without experiencing the maximum level of sadness. Itong kwento na ito ay hindi naiiba sa...