Nagising ako at pilit inaalala ang nangyari. Sobrng daming nangyari. Isang araw lang ba talaga lahat yun?.
Napansin ko na nakahiga na ako sa kama. Nasa club pa rin ako. Iba na ang suot ko.
I stood up at dumiretso sa banyo.
Saka ko napansin na may mga bandage ako sa mukha. Itinaas ko ang sleeves ng suot ko saka ko napansin nakabenda ang may siko ko at may mga bandage din ang wrists ko. Naalala ko ng magkasugat ako dito dahil sa higpit ng pagkakatali nung mahostage ako. Sino ang gumamot sakin?.
Nang makalabas ako ng banyo hinanap ko yung uniform na suot ko kanina.
Hindi ako makakalabas na ito lang ang suot ko . Isang panglalaking white long sleeves.
Nang bubuksan ko ang pintuan ng kwarto nakarinig ako ng nagsasalita. Binuksan ko lang ng konti para sumilip. Nakita ko si Ryu na nakaupo sa may counter bar at umiinom. May kausap ito sa cellphone.
"Yeah I know. Medyo marami na rin ang nakakaalam tungkol sa Akai Ryuu mahirap na ipagsawalang bahala"
Nanahimik ito at tila nakikinig sa kausap. Lumagok muli ito ng alak sa baso.
"Wala pa akong plano, hindi imposibleng mahanap nila ako dito. Kapag dumating ang panahon na yun kelangan ko na talagang umalis na sa lugar na to."
Aalis sya? Pero bakit? Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ng malaman kong binabalak nya. Pero gaya ng dati. Misteryo pa rin sakin ang pagkatao ni Ryu. Mas lalong dumami ang tanong sakin.
"Hindi pa pwede marami pa akong kelangan tapusin sa lugar na to. "
Patuloy ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
"Gago! Wala akong babae!!" Napangiti ako bigla.
Hindi ko alam pero kahit papano natuwa ako sa isiping wala syang babae.
"She's nothing. She's just irritating. At dagdag responsibilidad. Lagi na lang pinapahamak ang sarili. I couldn't get her out of this mess. Sigurado akong mas magiging mahirap ang magiging sitwasyon nya sa susunod. "
Sino ba ang tinutukoy nya? Isip ko.
"I...I just feel the urge to protect her."
My heart skip a beat. Nagkakagulo na yata ang mga cells sa utak ko. At nagrarambulan na ang mga internal organs ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Why?
Something feels so wrong.
"Urusei! Hiro!"
"Stop laughing baka! I wouldn't be in this situation because of you" medyo parang frustrated ang boses ni Ryu.
Hiro? San ko ba narinig o nakita ang name na yun.? Sounds familiar. Ah tama! Yung batang lalaking kasama ni Ryu sa picture.
"I know Tamako did that for us to live. Of course I wouldn't forget that."
Tamako. The little girl. Mas lalong dumami ang question mark sa ulo ko. Ang daming tanong na hindi masagot.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na tapos na sya sa pakikipagusap. Natauhan na lang ako ng tumama ang pinto sa noo ko. Napaupo ako sa sahig
*Blag*
"Aray ko!" Napahawak ako sa noo ko.
Bumukas ang pinto at nagtatakang napatingin sakin si Ryu. Bigla akong kinabahan. Alam kaya nyang nakikinig ako sa usapan nila. Sigurado patay ako nito.
"Anong ginagawa mo sa likod ng pinto?"
"Ah.eh ano... kasi" wala syang alam I could make up stories.
BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Подростковая литератураLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...