Nakarinig ako nang sigawan at unti unting lumalabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan na nga ako mawalan ng malay. Nagsisigawan ang aking mga kaklase at kamag aral dali dali nila akong pinuntahan habang si Josh at Harvey ay natulala sa nangyari. Nang matauhan ang dalawa ay agad agad silang tumakbo papunta sa akin.
“Tulong! Kailangan natin siya dalhin sa hospital ” tarantang sambit nang isa sa aking mga kamag aral
“tol andami nang nawawalang dugo kay Jey” kabadong tugon nang isa sa aking mga kaklase
“Jey lumaban ka wag ka susuko dadalhin ka namin sa hospital” habang iyak ng iyak si Fatima
Nang biglang may sumigaw sa likod nang mga nagkakagulong kamag aral at kaklase ko.
“Tumabi kayo diyan!” tarantang sigaw ni Josh
Agad agad ako binuhat ni Josh kasama si Harvey at isinakay sa sasakyan ng eskwela. Habang nasa sasakyan ay walang tigil sa pagtangis ang dalawa kong matalik na kaibigan.
“Jey gumising ka plsss” pagmamakaawa ni Harvey habang wala siyang tigil sa pag iyak
“Jey imulat mo na mga mata mo, sorry talaga nagtatampo lang naman ako sayo eh wag mo naman gawin samin ito Jey” pagsusumamo ni Josh na wala parin tigil sa pag luha
Pagdating namin sa hospital ay agad agad ako ipinasok sa emergency room. Nagpupumilit pumasok si Josh at Harvey sa loob ngunit pinigilan sila ng mga doktor at pinayuhan na maghintay na lamang sa labas. Hindi mapakali si Josh at Harvey sa pag aalala sa aking kalagayan nang dumating ang aking ama. Agad naman siya sinalubong nila Josh at Harvey
“Tito tito si Jey and it’s all our fault” iyak na salubong ni Harvey sa aking ama
“ssshhh tama na alam ko na buong pangyayari wala kayong kasalanan and I know my son kaya nya yan” at niyakap nang aking naluluhang ama si Harvey
“no tito it’s my fault kundi sana ako naging matigas kundi ako nagpadala sa aking pride di sana mangyayari ito” si Josh habang wala paring tigil sa pag tangis.
“no Josh wala kang kasalanan aksidente yun saka magpakatatag kayo para kay Jey” at sa pagkakataong iyon ay si Josh naman ang niyakap nang aking ama.
Makalipas ang isat kalahating oras ay dumating na ang mga kuya ko.
“Pa kamusta si Jey” pag aalalang tanong ni kuya John
“Nasa operating room pa siya” malungkot na tugon nang aking ama
“ano daw sabi ng doktor?” maluhang tanong ni kuya Justin
“wala pa hindi pa namin sila nakakausap” si Papa
nilapitan naman ni Harvey si kuya John
“kuya I’m sorry I know I promised you na I’ll take care of him pero kami pa naging dahilan nang pagkaka aksidente niya” umiiyak na paghingi ng paumanhin ni Harvey
“hindi don’t be sorry aksidente lang yun walang may gusto nun, saka maswerte si Jey sa inyo kahit wala kami may nag aalaga parin sa kanya” naka ngiting tugon ni Kuya John.
Si Josh ay tulala parin at naghihintay na lamang nang balita mula sa mga doktor. Makalipas ang mahabang paghihintay ay lumabas na ang doktor, agad agad naman ito sinalubong ng aking ama, mga kapatid at mga kaibigan.
“doc how’s my son?” pag aalalang tanong nang aking ama
“ligtas na po ang iyong anak pero hindi parin po siya nagigising kailangan pa po nating maghintay kung meron mga naging complications” tugon ng doktor
Nakahinga naman ng maluwag ang aking ama pati ang aking mga kapatid kasama na din ang dalawa kong matalik na kaibigan sa kanilang mga narinig mula sa doktor.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
JugendliteraturThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)