Chapter 11

602 16 0
                                    

"Papa wala po akong makita" ang aking nasambit habang patuloy ako sa pagluha.

Nabigla naman ang aking pamilya at si Fatima sa aking binitiwang salita.

"Jey Jey ano nangyayari sayo?" alalang tanong ni Papa

"John tawagin mo ang doktor bilis!" natatarantang utos ni Kuya Justin kay kuya John

Agad agad naman tumakbo si kuya John palabas para tawagin ang doktor, si Fatima naman ay di makagalaw sa pagkakabigla.

"Jey wag ka matakot andito lang si Papa" sambit ni Papa habang yakap yakap ako

Dumating naman agad ang doktor upang tingnan ako, matapos ang ilang minuto ay kinausap ng doktor si Papa at sila Kuya naiwan naman si Fatima upang samahan ako.

"Jey tahan na maayos din ang lahat" habang yakap yakap ako ni Fatima

Samantala sa labas nang aking silid ay kausap ng doktor ang aking pamilya.

"doc anong nangyari sa anak ko bakit hindi siya makakita?" alalang tanong ni Papa

"well this is due to head trauma gawa na din po nang aksidente niya" paliwanag nang doktor

"eh doc makakakita pa po ba ang kapatid ko?" alalang tanong ni Kuya John

"don't worry this is just temporary, we've encontered cases like this and so far maganda naman ang naging outcome, ipagdasal nalang po natin na bumalik din agad ang paningin nya" paliwanag nang doktor

"alam nyo po ba kung kailan siya ulit makakakita?" tanong ni Kuya Justin

"well hindi natin masabi pwedeng days, weeks or mas matagal pa we can't really tell"

"salamat po doc" paalam ni papa

Pumasok na si papa at sila kuya para puntahan ako.

"Pa ikaw po ba yan?"

"oo anak andito ako" at hinawakan ni Papa ang aking mga kamay

"Pa ano pong sabi ng doktor" alalang tanong ko kay Papa

"anak sabi ng doktor dahil daw sa head injury mo pero temporary lang naman yan" paliwanag ni papa

"pano po kung hindi nako makakita?" naiiyak kong tanong kay papa

"wag mo isipin yun makakakita ka pa" matigas na sambit ni kuya Justin

"oo nga anak may awa ang diyos hindi ka niya pababayaan" habang yakap ako ni Papa

"siya nga naman Jey basta think positive" si Fatima

Medyo nakaluwag na ang aking loob sa aking mga narinig agad ko din naman natanggap ang aking kalagayan gawa na din na masayahin akong tao at saka ayaw ko na iniisip ang mga problema. Hinanap ko ang dalawa kong matalik na kaibigan. Iniwan muna ako nila Papa at kuya kay Fatima upang makabili sila ng dinner.

"kamusta na pala sila Josh at Harvey" tanong ko kay Fatima

"naku yung dalawang yun pa, ni hindi ka nga iniwan ng mga yun" sagot ni Fatima

"eh asan na sila" tanong ko ulit kay Fatima

"as if naman makikita mo sila" natatawang tugon ni Fatima

"gaga I mean bat wala sila dito" natawa kong tugon kay Fatima

"pinauwi muna nang papa mo, ilang araw na din kasi sila nagbabantay sayo halatang wala pa silang masyadong tulog kaya pinagpahinga muna sila ng papa mo" sagot naman ni Fatima

"ahh ganun ba?" tugon ko

"oo noh" si Fatima

"pero Fatima wag mo sabihin yung kalagayan ko ha ayaw ko kasing mag alala pa sila" pakiusap ko kay Fatima

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon