Gianna Luise Emmanuel
Noon gusto ko lang ng simpleng buhay kasama ang pamilya ko, ngunit ngayon na naghirap kami hindi ko na nagugustohan ang ninais ko nuon.
Ang hirap pala maging mahirap kailangan kung kumayod hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko matanda na sila mom and dad ayaw ko naman silang mahirapan kaya gumagawa ako ng paraan ng matustusan ang pangangailangan namin at lalo na ang pag aaral ko Graduating na ako sa isang public school sa Laguna dto na ako nag kolehiyo simula nung nabaon kami sa utang. At ngayon nga ay nangungupahan kami sa maliit na bahay dito malapit sa pinapasukan kong paaralan.
Maraming nagbago simula nung nalaman ng mga kaklase ko na nalugi ang kompanya namin lahat sila tinalikuran ako wala ni isa sa kanila ang dumamay sa akin lalo na ang mga kaibigan ni mommy na nung mayaman pa kami todo kamusta pa sila pero nung naghirap kami ni isa walang nangamusta.
Ganun ba talaga ang mga tao ngayon? Pag meron ka lapit ng lapit at pag nawala yun wala ng lalapit sa inyo. Napatunayan ko talaga na kapag may pera ka marami kang kaibigan pero pag mahirap ka halos walang lumalapit sayo. Kaya ngayon nagpupursigi ako malapit na akong magtapos ilang araw nalang at makakahanap narin ako ng magandang trabaho sa magandang kompanya.
Pero sa ngayon kailangan ko munang pumasok sa part time job ko sa canteen ng isang exclusive school dito sa laguna taga hugas lang nman ako ng pinggan sa umaga at sa gabi naman pumapasok ako sa convenient store para maging kahera.
"Oh Luise andyan kana pala halika't tulongan moko sa kusina". Tumango lang ako sa sinabi ni aleng puring siya ang may ari ng pwesto dto sa canteen pinagtatrabahuan ko
Maghapon nasa kusina lang ako at naghuhugas ng pinggan pero paminsan minsan ay lumalabas ako para tulongan si aleng puring sa mga customer na bumibili wala naman kasi siyang katulong sa pag aasikaso sa mga bumibili sa kanya kaya't tinutulongan ko siya. Sa katunayan ay kaming dalawa lang ang nagtutulangan dahil isanv trabahante lang daw ang kaya niyang bayaran buti nga at naawa siya at pinagtrabaho niya ako sa kanya.
Ala singko ng hapon ang out ko kaya't nagbibihis nako at sa convenient store naman ako pupunta para pumasok.
Hatinggabi na ng makauwi ako sa inuupahan naming bahay at naabutan ko pang gising ang mga magulang ko alam ko nagaalala sila lalo na at anong oras ang uwi ko.
"Mom, Dad bat gising pa po kayo? Sabi ko naman sa inyo wag niyo na ako aantayin diba". Humalik ako sa kanila bago umupo sa mesa kung saan nakahain na yung pagkain ko
"Anak hindi napapanatag ang loob ko lalo na at halos madaling araw na ang uwi mo" alalang sabi ni mommy sakin si dad naman tahimik lang na nakikinig samin ni mommy
"Hayaan mo na mom ilang araw nalang at gagraduate na ako makakahanap na ako ng magandang trabaho at sisiguraduhin ko na makakaahon din tayo sa hirap" maluhang luhang sabi alam ko naman na hanggang ngayon ay nag aadjust parin si mommy at daddy dahil sa nakagisnan na nila ang marangyang buhay mula pagka bata.
Sana nga at makahanap din ako ng magandang trabaho pagtapos ko ng di na kami maghirap.
This is it graduation ko na ito na ang simula ng pagbabago sa buhay namin at sobrang saya nhagulang ko dahil bukod sa nakapagtapos na ko ay ako din ang Cumlaude sa aming Unibersidad at malaki ang tsansa na makakapasok ako agad sa trabaho dahil sa credentials ko. At bukas nga ay sisimulan ko ng maghanap ng trabaho.
Pagtapos ng seremonya ay umuwi kami sa bahay para sa salo salong hinanda nila mommy at daddy kahit na kaunti lang iyon ay masaya na ako roon.
Nakahiga na ako ngayon sa maliit kung kama kailangan kung gumising ng maaga para maghanap ng trabaho bukas sa lungsod nakapagpaalam narin pala ako kay aleng puring na hindi na ako makakapasok sa canteen naging emosyonal ang pagpapaalam ko sa kanya naging pangalawang nanay ko rin kasi si aleng puring kapag kasi kailangan ko ng pera pambayad sa tuition o pambayad sa upa ng bahay namin ay hindi siya nagdadalawang isip na pahiramin ako kaya laking pasasalamat ko sa kanya at napaka buti nya sa akin.
YOU ARE READING
Secretly In Relationship with my Boss (Ongoing)
RomanceWe try so hard to hide everything we're really feeling from those who probably need to know our true feelings the most. People try to bottle up their emotions, as if it's somehow wrong to have natural reactions to life." ...