love under the rain

90 3 2
                                    

LOVE UNDER THE RAIN

Umuulan na naman. Kapag ganitong mga panahon, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Unti unti na namang bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na taon.

***

“im sorry. Hi-hindi na kita mahal.” Sabi niya na Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Pero, ang pinakanakakainis, parang nakisabay pa ang langit sa pag-iyak ko.

Dahil sa nangyari, nagdecide ako na wag nang pumasok. Wala pa naman din akong dalang payong, pero hindi ko na pinansin yun dahil parang namamanhid na ang buong katawan ko, hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan. Sabi nga nila diba, kung gusto mong umiyak, sa ilalim ka daw ng ulan para walang makakita sa mga luha mo.

I was waiting for my ride. Basang basa parin ako ng ulan at higit sa lahat tulala pa.

Nagulat nalang ako ng parang biglang natigil ang patak ng ulan.

Nagulat ako dahil may nagpapayong na pala sa akin. Tinignan ko siya at isang lalaki ang nagpapayong sa akin. Kung hindi lang ako broken hearted ngayon, siguro kinikilig na ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling tumingin sa malayo.

“miss, wag kang magpaulan. Baka magkasakit ka”

Ang ayoko pa naman sa lahat yung may nangengealam sa akin kapag ganitong nag-eemote ako.

“ano bang paki mo? Pwede ba? Umalis ka na.”

 Pagkasabi KO nun, sumakay na ako sa jeep na dumaan.

***

Ilang araw na rin simula ng magbreak kami ni Jake ang aking ex-boyfriend.

ilang araw palang pero, nakikita ko na siyang may kasamang ibang babae. Parang bumabalik na naman ang sakit simula ng nagbreak kami.

I was eating my snack alone. Boyfriend ko kasi si jake simula noong high school kami. Akala ko nga siya na ang para sa akin.

Akala ko siya ang prince charming ko. akala ko, akala ko, puro akala ko pero maraming namamatay sa maling akala.

As usual, i was like a zombie inside the campus. Para akong buhay na walang buhay. I can’t eat, walk, talk and even smile. Pakiramdam ko patay na ako na binuhay lang. He is my life pero bigla na lang nawala sa isang iglap.

Naglalakad na ako pauwi nang maramdaman ko na parang may tumutulo. Tumingala ako at doon ko lang napansin na umuulan na pala. Tumakbo ako hanggang sa sakayan ng jeep pero useless lang din kasi basang basa na ako. Bakit ba palagi ko nalang nakakalimutang magdala ng payong?

Pagdating ko sa sakayan, nakita ko na naman yung lalaki, nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin. Doon ko lang napansin na maganda pala siya ngumiti. Wala akong nagawa kundi ngumiti din sa kanya.

Dumating ako sa bahay na basang basa. Sabi ni mama, sa susunod daw magdala ako ng payong. Kaya kinabukasan, nagdala na ako pero, wala namang ulan. Palaging ganun ang nangyayari, sa tuwing may dala akong payong walang ulan pero kapag nakakalimutan ko, doon naman umuulan. At ang nakapagtataka pa, bakit palagi kong nakikita yung lalaki sa ilalim ng ulan pero kapag maaraw hindi ko siya nakikita?

Isang araw, as usual, nakalimutan ko na naman magdala ng payong kasi akala ko hindi uulan. Ang ganda kasi ng sikat ng araw kaninang umaga eh tapos biglang buhos ang ulan pagkauwi ko. ang malas ko pa kasi ang tagal dumating ng jeep. Nakakainis. Wala na akong nagawa kundi ang sumilong sa pwedeng masilungan.

“Nagpaulan ka na naman , ayan yuloy basa ka na naman,baka magkasakit ka na niyan .” Narinig kong may nagsalita sa tabi ko at nagulat ako nung nakita ko na naman siya. He is smiling at me so i smiled back. Pinayungan na rin niya ako kaya medyo hindi na ako nababasa. Bigla namang dumating ang jeep at nabigla ako kasi sinabayan niya ako sa paglakad.

love under the rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon