Chapter 1: Odd Night

20 1 9
                                    

KIRSTEN

"Halimaw!" Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa pagsulpot ng matandang pulubi na humatak sa kamay ko. Madumi at gusgusin ang matandang babae. Halata na tinakasan na ito ng sariling katinuan.

"Ikaw ay mapapasakamay ng mga halimaw! Malapit na! Malapit na!. Wag kang sasama. Wag kang padadala. Kamatayan!" Wala sa sariling saad ng matanda.

"Subalit ang nakatakda ay nakatakda. Gabayan ka ni Bathala, Binibining Kirsten." Nanindig ang mga balahibo ko matapos marinig banggitin ng matanda ang pangalan ko. Ilang araw pa lamang ako sa bago kong apartment para may makakilala agad sa akin at isang matandang pulubi na nalipasan na ng gutom pa.

"L-lola. Paanong- Lola! Lola teka lang po!" Hindi ko na natanong pa ang matanda dahil tuloy- tuloy itong lumakad paalis na parang walang naririnig at muli nanamang lumikha ng kakaibang tunog na sinuman ay hindi maiintindihan.

Nagtaka at natakot ako sa mga sinabi niya ngunit ano ba ang matinong aasahan mo sa taong nalipasan na ng gutom at tuluyan nang tinakasan ng katinuan ng pag iisip. Gayunpaman ay hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi ko alam pero tumatak ang mga ito sa akin na para bang may nagsasabi sa akin na kailangan ko itong paniwalaan at katakutan.

"O,nandyan ka na pala, Sten. Kanina ka pa?" Bumaba mula sa hagdanan ang halos kaedaran ko lang na babae. Kayumanggi ang balat niya at kita sa unang tingin pa lang ang gandang Filipina. Katamtaman ang tankad at tangos ng ilong ng dalaga at may bilugang mga kulay tsokolateng mata. Siya si Alena, tubong katagalugan. Matagal ko na siyang kaibigan.

"Kakadating ko lang rin 10 minutes ago." Sagot ko sa kanya nang maupo siya sa tabihan ko.

"So you mean, you've been idling since 10 minutes ago?" Nagtatakang nilingon ko sya dahil sa sinabi niya.

"Haler, Kirsten, tulala ka po kaya. I was like watching you for about twenty seconds bago kita ibinalik sa katawang tao mo?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko sinimulan na mag kwento sa kakaibang nangyari kanina.

"Ibig sabihin nagkakaganyan ka dahil sa baliw na matanda?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alena matapos ko makuwento ang tungkol sa matanda.

"Hindi kasi maalis sa isip ko, pano niya nalaman ang pangalan ko? Tapos pagkatapos niya sabihin yung nakakatakot niyang hula, nawala na sya na parang bula."

Tinawanan ako ni Alena at marahang tinapik ang balikat ko.

"Sa ganda mong iyan tingin mo ba ay di mac-curious ang mga tao sa pangalan mo? Malamang narinig yun ng Lola na sinasabi mo kaya niya nalaman. At ikaw na din ang nagsabi na mukhang nalipasan na ng gutom kaya naalpasan na din ng bait. Hay nako Kirsten Rei, magpahinga ka na. Alam kong ngarag ka sa work mo today dahil sa aksidente sa may Rotonda malapit sa mall."

Tinanguan ko si Alena. Tama naman siya hindi ko na dapat pag aksayahan ng oras at pag aalala ang baliw na lola na iyon. Sapat na ang pagod ko sa araw na ito para idagdag pa ang kabaliwang ideya na iyon.

I am a nurse in a public hospital kaya medyo may kabigatan sa schedule. Masuwerte pa ako ngayon dahil nasa day-shift ako. Next week ay mag sisimula na ako sa graveyard schedule ko na 10 pm-6am.

Matapos na maghapunan ay nag asikaso na ako ng sarili upang makapagpahinga. After a warm halfbath, nag bihis na ako ng pantulog. Inihanda ko saglit ang mga gamit ko para bukas bago nahiga. Unti-unti ay hinila na ako ng antok.

***

"Mama?"

Hindi ko makita ng lubusan ang itsura niya pero dama ko at alam ko na Mama ko ang babaeng nasa harap ko.

"Rei.."

"Mama, I miss you"

"Palagi mo akong kasama Rei. But baby, I'm sorry kung hanggang dito nalang ang kakayanin ng proteksyon ko sa iyo. I tried to pull you out from your destiny but I was only able to do it for a few years."

"A-anong ibig mo sabihin, Mama?"

"Soon, you will know everything soon."

Tumalikod na si Mama at bag simulang maglakad palayo.

"Mama, Don't go!" Sinubuka ko siyang habulin pero parnag hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko habang siya ay unti unting lumalayo.

"Rei, listen to what your heart tells you... I love you anak." Her voice echoed as the sound of my alarm filled my ears.

Nagmulat ako ng mata na tigmak ng luha.

"Mama"

That dream bothered me from home to work. Maybe I just long for a mother. Baka dahil doon, inilabas siya ng unconscious mind ko through my dreams.

Mabuti na lamang at nagawa ko pang magfocus sa mga pasyenteng inaalagaan ko. After some rounds in the ward and some vitals to check, pinayagan na akong mag out ng head nurse. Bukas ay day-off ko kaya naisipan ko na dumaan sa night market mamaya para mamili ng pwedeng iluto. Day off din ni Alena as a call center agent. She has a fixed day shift and day off dahil may katagalan na din siya sa pinapasukan niyang BPO Company.

Napatingin ako sa isang lalaki na tila nabuwal sa kanyang kinatatayuan. Di pa kalayuan sa hospital na pinag tatrabahuan ko ang kinaroroonan namin kaya naisipan ko na tulungan ang lalaki.

"Sir, ayos lang kayo?"

Nilingon ako ng lalaki na palagay ko ay kasing edaran ko lang din. Tila umikot ang paligid nang magtagpo ang mga mata namin. Tumatak sa isipan ko ang maamo nitong mukha. His facial features are shouting with the word 'handsome' or even that word is an understatement.

"I'm fine now that I get to see you."

Wika nito na nanatiling nakatitig lamang din sa akin. He caressed my face with his cold hands. Nakakagulat ngunit hinayaan ko siyang gawin iyon na tila napasailalim ako sa isang mahika simula nang titigan ko ang mga mata niya.

"I hate that I have to erase me from your memory again but it's not yet our time, Sweet Kirsten. Hurry back to me, my Queen and wake me up in my eternal sleep." Pagkasabi noon ay ipinitik nito ang kanyang mga daliri. Napakurap ako at napatili nang may humawak sa balikat ko.

"Nurse Sten, ayos ka lang po?" Si Mang Rico lang pala, ang security guard namin sa exit ng ospital.

"A, opo. Naalala ko lang po na dadaan pa pala ako sa night market."

"Sige po Nurse Sten, ingat po kayo."

Nagsimula akong maglakad palabas ng ospital. Hindi ko maintindihan pero parang may dapat akong alalahanin. May nakalimutan ba akong gawin?

After Eclipse (Moon Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon