Prologue
Makailang ulit akong napabiling sa aking kama. Napakaalinsangan ng gabing ito. I am almost naked with my sleeping clothes. I am just wearing a thin sleeveless Sando and cotton shorts that do not even reach half of my legs to cover.
Muli kong dinampot ang pitsel at baso sa nightstand ko. I was surprised that it's already empty. Naubos ko agad ito sa ilang oras pa lamang na lumipas? I must be very thirsty tonight. Napagpasiyahan kong punuin ulit ang pitsel ng malamig na tubig.
Tumatagaktak parin ang pawis ko. Kaya kahit alam ko na mawawala ang antok ko, napilitan akong maligo ng malamig na tubig. Ilang minuto din akong nagbabad sa loob ng banyo bago ko naisipang magbihis. Shower did not make the heat any less irritating. I opened the window to let the air enter my room.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko ang malaki at bilog na bilog na buwan. Tila nagagalit ito sa kulay na inilalabas nito.
I almost forgot that news earlier about the eclipse. Nangangamba na bumalik ako sa aking kama. I want to hide under my blanket, but I feel really hot and it is not a good idea. Kaya mainit man na parang nasa pugon, pinilit ko pa rin na matulog.
Napaupo ako mula sa pagkakahiga nang biglang kumirot ng dibdib ko. Sinaklot ko ang parte sa tapat ng puso ko sa pag asa na maiibsan nito ang sakit.
"God, What's happening to me?"
Hindi ko nakilala ang sarili kong tinig. Tila hindi lamang ako ang nagsalita. Mas lalong umigting ang sakit ng dibdib ko. Impit akong napasigaw. Ayokong maabala ang mga kasama ko sa apartment kaya pinigil kong sumigaw sa sakit.
Tila mas tumaas pa ang temperatura sa silid. Basa na ng pawis ang aking likod at tumatagaktak din ang mga pawis sa aking noo. I grasp for the glass of water beside me. Nauuhaw ako pero tila lalo pa akong na uhaw sa pag inom ko ng tubig sa baso. Binuksan ko ang takip ng pitsel at doon na mismo uminom.
That liter of water did not quench my thirst even just for a bit. Napagtanto ko na hindi ang panahon o ang silid ko ang may mataas na temperatura kung hindi ang aking katawan.
Pumasok ako sa banyo para kuhanin ang thermometer mula sa medicine cabinet. Nanghihina akong kumapit sa sink at agad sinukat ang sarili kong temperatura.
"What? 45 degrees? Is that even possible? Paanong buhay pa ako sa lagay na ito. This might be broken." Ibinato ko sa basurahan ang sirang thermometer. I stopped for a moment when I saw may own reflection in the mirror. My eyes widen in horror seeing my eyes shifted from the normal color of chestnut brown to crimson red. I could not move an inch seeing my teeth slowly grow in length.
"Fangs" Nahihintakutang lumabas ako sa banyo at naghalughog ng mga gamit sa aparador. I found a twister and grab a small mirror. I tried pulling my sharp teeth
"This is a dream so wake up, Kirsten!"
Sinampal sampal ko ang sarili ko. Baka sakaling magising ako. But I did not. This is not a freaking dream!
I'm so thirsty.
Muling bumalik ang atensyon ko sa pagkauhaw kong nararamdaman. Dahil dito. nakaramdam na din ako ng hilo. Makailang ulit rin na pumintig ulo ko. What kind of fever is this? I am even hallucinating. Nasapo ko ang aking ulo sa matinding sakit.
God. Am I dying? Why too soon?
"What is this?" Napaiyak na ako ng tuluyan. May liwanag na biglang lumitaw sa mga palad ko. Lumabas mula dito ang ibat ibang simbolo na tila pamilyar sa akin. Gayunpaman, hindi ko parin maintindihan kung ano ang mga ito.
I glanced outside when I think I heard something moved. Napakalaki na ng buwan at kasing pula parin ito ng dugo. Hindi kaya kagagawan ito ng buwan?
Hindi ko na nakayanan ang labis na pagkauhaw, pagod, panghihina, at sakit ng ulo at dibdib. Isama pa ang takot sa kung ano man na kababalaghang nagaganap sa pagkatao ko. I just found myself succumbing to darkness, but before totally losing my consciousness, I saw a silhouette of a man walking towards me.
"It's time to come home, My Queen."
BINABASA MO ANG
After Eclipse (Moon Trilogy #1)
VampirosBuong buhay niya ay mag isa lang si Kirsten. Sinisikap na maging normal kahit na pinagkaitan siya ng pamilya. Hanggang isang gabi, habang nag dudugo and bilog na bilog na buwan, tila nabaliktad ang bilog niyang mundo. She woke up and she's not a hu...