" ang crush parang UNLI, May 1 day, 2 days, 5 days at 1 month. Pero pag sumobra ka dito. MATAKOT KA NA. Overbilling na yun. MAHAL NA YAN" - B.F.
Totoo kaya? e halos 1 month na nung inamin ko sa kanya na crush ko sya kahit di ko pa nacoconfirm sa sarili ko. Mahal na yun?
Pero siguro since yung quote ay tungkol sa load, baka ung mahal na word ay tumutukoy sa value. (Mahal at mura) ang gulo gulo naman. Tulong!
Isa pa, magwa one month na at hindi pa din kami nakakapagusap ni grace. Ang dami kasing ginawa last week tapos di ko man lang sya nakikita sa school. Okay lang kaya sya? Nahihiya naman kasi akong magtext dahil baka hindi lang sya magreply.
Gusto ko na syang makita, ang hirap pala ng ganito, may hindi ka maipaliwanag na feelings tapos di mo maitanong sa kanya dahil nakakahiya. Panu na?
Tawagan ko kaya? Sasagutin kaya nya? May mangyayari kaya? Masasagot nya kaya ang mga tanong ko?
Nababaliw na ko! Grabe! Magchrichristmas vacation na at hindi ko pa din sya nakikita.
Toot toot!
Waaahh! Alas siete na ng umaga malalate na ako. Hindi ko man lang napansin na magiisang oras na pla akong nakatitig sa bintana na parang tanga.
"Ma! Hindi na po ako kakain malalate na po ako,"
" nagtooth brush ka na ba kuya? Kumain ka na muna! Baka sumakit ang tiyan mo at mabaliw ka " biro ni mama habang pinaghahanda nya ng makakain ang mga kapatid ko.
" okay na po ma, sa school na lang po ako kakain. BABAY."
Patakbo na akong umalis sa bahay matapos kong magmano kay mama at magkiss sa mga kapatid ko.
Siguro mga 2 minuto din akong tumatakbo hanggang makarating sa sakayan ng jeep. Yung sinabi ni mama? Ung baka daw ako mabaliw? E baliw na nga e sa pagaaral at sa isang feelings na hindi ko maipaliwanag kung ano.
Hala! Mag seseven thirty na. 5 minutes na lang. Aabot pa kaya ako sa first subject?
" manong, pwede pong pakibilisan? Malalate na po ako e"ang lakas ng pagkasabi ko at idagdag pa natin na dalawa kaming magkasabay na nagmamadali at sabay naming nabanggit ang mga salita na yon.
Grabe! tumingin sa akin yung mga nkaupo sa motor dahil doon ako nakasakay. Nakakahiya. Siguro ganun din yung feeling nung kasabay kong nagsalita sa loob. Tapos medyo may katandaan na pala yung katabi nya.
Patay! Kurot sa singit ang abot nun.
Siguro umabot din ng mga 8 minutes yung byahe.
" 8 minutes! Late na ako! " hindi ko na naantay pa yung sukli ko sa driver ng tricylce. Deretso na sa building.
Nakakahiya sa mga taong nakakasalubong ko pero kailangan kong tumakbo dahil may quiz kami ngayon sa isang terror na teacher na hindi nagbibigay ng special quiz at ayaw sa late. Wooosshhh!
Parang kabayo kong inayak yung building namin.
"Third floor. Third floor. Third floor"
Hinihingal na ako ng marating ko yung room. Feeling ko napagpag lahat ng nireview ko dahil sa pagtakbo.
" DA, tara! Wala daw si sir. May sakit. walang quiz" - magkakasama na sina gie, nel at yung iba kong kaklase.
" ANO! Totoo? Nalimutan ko yung sukli ko, wala akong breakfast, muntik na akong bugbugin ng mga kasabay ko sa tricycle, at hingal na hingal ako tapos wala si sir!
Aarrgghh!"

BINABASA MO ANG
When Numbers Fall Inlove
Teen FictionHe is a math addict. So is she. He haven't felt how it is to be inlove. His mind is in total chaos. And his heart follows. 143. All he knew is that it is a number. A hundred and forty three. Until he met her. And she showed him what 143 means. The f...