"Anak huling araw niyo na 'to sa school, wag na maging malungkot ha sulitin mo na yon",bilin ni mama sa'kin bago ako umalis ng bahay
"Opo ma, asan nga po pala si papa?",tanong ko
"Bumili lang sa palengke mayamaya nandito na yon",sabi ni mama habang nag-huhugas ng plato
"Ganun po ba, sige na ma una na po ako pakisabi nalang kay papa na umalis na ako ha, Iloveyou ma", masigla kong sinabi kay mama
"Mabuti naman at nagiging masaya na ang anak ko", sambit ni mama bago ko isara ang pinto
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni mama.Huwag kayong mag-aalala mama at papa, hinding hindi na mauulit ang pagka-durog ko ngayon dahil si Portia Bartolome ay hindi na iibig muli.
Habang naglalakad ako papuntang school may nakita akong nagbebenta ng flowers at naisipan kong bigyan si aira dahil friendship day daw ngayon at saktong last day of school namin kaya't reregaluhan ko siya.
Sunflower ang naisipan kong bilhin dahil naalala ko gumawa siya ng story about sunflowers na bumubunga lang tuwing lumalapit ang bida dito.
Malawak ang imagination ni aira at pangarap niyang maging sikat na author balang araw, naalala ko bata palang kami nagsusulat na siya ng mga kwento tungkol kay pagong at kuneho, manghang mangha ako sa tuwing nagbabasa ako ng mga ginagawa niyang istorya.
Naaalala ko noon tinanong ko siya about sa story niya.....
"Beshie bakit pag lumalapit lang siya dun bumubunga ang mga bulaklak?", naaalala kong tinanong sakaniya
"Sinisimbolo ng sunflower sa story ko ang isang babaeng umiibig sa lalaking hindi nakikita ang kagandahan niya.Hindi siya napapansin ng lalaki kahit na ito ang kalakasan niya", sambit ni aira
"Anong meron sa lalaki?", tanong ko
"Taong mahal niya, nako naman beshie loading ba ang utak mo.Mahal na mahal niya ang lalaking ito kahit na mag-hintay siya ng ilang taon maramdaman niya lang na nandiyan na ang lalaki papalapit sakaniya ay bubunga na siya agad,ngunit kahit kailan hindi nito naaappreciate ang gandang meron siya", malungkot na sinabi ni aira
"Bakit?", tanong ko
"Kasi may ibang mahal ang bida,kaya sa huli hindi na siya bumunga pa kahit kailan", nakangiti niyang sinabi
"Grabe naman beshie mga kwento mo,tragic masyado",naiinis kong sinabi
Ngumiti na lamang siya nun.Pero paano kaya niya naiisip ang mga ganung kwento? hindi kaya minsan na ding umibig si aira pero hindi niya nakekwento sa'kin?. Pero imposible naman 'yon, magkaibigan na kami simula pagkabata hindi niya magagawang maglihim sa'kin.
Pumasok na ako ng classroom at nagulat na lamang ako dahil lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa'kin.
"Hi beshie gift ko for you", bati ko sakanya at inabot ang sunflower na binili ko
"B-beshie allergic ako sa sunflower!! ",lumayo bigla si aira sa bulaklak na binigay ko
"Ehhhh??, bakit ka gumawa dati ng istorya about sa sunflower?", nagtataka kong tanong
"Kasi namaga buong mukha ko dahil sa pisteng sunflower na yan na dala ng tita ko sa bahay namin dati,kaya ayun ginawan ko siya ng kwento na hindi siya magiging masaya sa ending. Para man lang makaganti hehe", paliwanag niya
Anak ng tinapa,wala akong kaalam alam about dun,napakasiraulo talaga nitong kaibigan ko.
"Pero beshie,may sasabihin ako sayo, tara", hinatak ako ni aira papalabas sa classroom at napapansin kong sinusundan kami ng tingin ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Ficção AdolescenteNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...