Oh… sigurado ka na gang babasahin mu tong ginawa ko?
Me choice ka pa, pwede ka pang mag-back out!
I’ll give you time to decide…
Ok na ba ang two weeks? Baka nakukulangan ka pa, gawin mu ng two months, two years? Oh kaya naman eh two centuries!
Pihadong wala ng wattpad nun! Hahaha..
Tumawa ka din? Yung tumawa, CUTE!
Yung hindi naman…… never mind.. hahaha
Oh… wag ng pilitin kung hindi ka naman napatawa… ipipilit pang cute sya eh! Hahaha
Siguro nagtataka ka kung bakit ako tawa ng tawa. Ako din! Parehas lang tayo.. hahaha
Ang sarap kayang tumawa. Nakakagaan ng pakiramdam. Sabi nga, “laughter is the best medicine”.
Bagong bago yung saying na yun anu? Hahaha
Sige nga kung medicine yun, subukan mu ngang bumili nun sa mercury drug.
Syempre wala nun dun! Yung totoo naman eh nasa carlos super drug yun!
ang corny… ang corny corny corny
ang corny… ang corny corny mu tonight!
Hahaha….
Pag hindi ka nakarelate dun, aba eh isa lang ang ibig sabihin nyan… hindi ka nanunuod ng Goin’ Bulilit! hahaha
Yan, tumatawa na naman ako.. ewan, hindi ko mapigilan eh. Mas mabuti nang tumatawa, kesa naman umiiyak!
Teka, sigurado ka na ga talaga na itutuloy mu ang pagbabasa nito? Naku binalaan na kita from the very start. Walang sisihan ha. Hahaha
Paensya na ha. Wala talaga akong maisip na isulat dito sa wattpad eh.
Nabobored lang ako kaya ako nagsusulat nito..
Kakatapos ko lang kasing maligo. Anu daw?? Wala lang, naishare ko lang naman. bakit masama !?
Sa totoo lang eh kanina pa kasi akong nag-iisip kung tungkol san ang isusulat ko.
Ayoko na mang mag SCIENCE FICTION kasi hindi ko naman hilig yung mga tungkol sa scientists, monsters, robots, androids, humanoids, paranoids, colloids…
Uyy… hindi alam ang meaning ng colloids…. Hahaha. Lakas makatanong kala mu naman eh alam ko eh.. hehehe
Basta napag-aralan namin yun sa chemistry eh. Kung hindi ako nagkakamali eh…..
COLLOIDS are homogeneous, non-crystalline substances consisting of large molecules or ultramicroscopic particles of one substance dispersed through a second substance. Colloids include gels, sols, and emulsions; the particles do not settle and cannot be separated out by ordinary filtering or centrifuging like those in a suspension.
Ansabehhhh???.... Exaheradahhh!!….. hahaha.. oh hindi si Vice Ganda ang ginagaya ko nyan ha. Yung isa pang sikat na nagsabi nyan..me hint na ba kayo?
Tama! Si Mario Maurer! Hahaha.. napanood nyu ga rin yun. Me mga bagay naman na nagkakapareho lang kami ni Mario.
Ang hangin naman nito, Anu?, tanung nung katabi kong epal na ayaw pumayag.
Eh di dandruff! For sure kahit isang dandruff eh meron sya.
Diga’y ang dandruff naman eh small pieces of dead skin in our hair. As if naman na walang skin yung anit nya. Hahaha
Ayoko din namang mag POETRY, medyo nabobored ako pag ganun sinusulat ko. Hindi kasi ako poetic, photogenic lang… hahaha. baka naman tingnan mu pa yung profile pic ko.. uunahan na kita, binabawi ko na. joke lang yun. Hahaha
Pag HORROR naman ang gagawin ko, palagay ko hindi magiging effective yung pananakot ko. Siguro pag mukha ko yung lead character, may pag-asa pang matakot kayo. hahaha
Uy hindi naman, me itsura ka naman ah!, sabi ulit nung epal kong katabi.
Alam ko naman yun, nagpapaka-humble lang ako.. hahaha
Ayoko din naman gumawa ng MYSTERY kasi hindi naman ako marunong magrosaryo… (blasphemy ata yun. Pasensya po, hehehe)
Ayoko din na mang mag ROMANCE kasi wala naman akong masyadong paghuhugutan kasi hindi naman ako inspired. Hahaha.. joke lang, basta wala ako sa mood magpakaromantic ngayon.
Oh, may violent reaction ka kung bakit sa ROMANCE ko ‘to nilagay? Walang pakialaman, kanya kanyang trip yan! Hahaha
Anu? Nagsisisi ka na ba kung bakit mu ‘to binasa? I told you so! Hahaha
Eh anu pa ngang magagawa mu nakarating ka na hanggang sa part na ‘to eh. di ipagpatuloy mu na nga naman. hahaha. NO CHOICE ka na anu? Hahaha
Ok lang yun, yaan mu patapos na kayo ‘to.
Kung naapreciate mu ‘to aba eh inihahandog ko sayo ang taos pusong pasasalamat at ipagbubunyi kita sapagkat batid kong tatapusin mu ‘to hanggang sa kahuli-hulihang mga titik.
Lalim nun ah! hahaha
Kung ikaw naman eh nakataas ang kilay at naaalibadbaran sa akin, aba eh ginusto mu yan! Hahaha.. It’s not by CHANCE , it’s all your CHOICE!
MagCOMMENT ka na lang at dun mu ilabas ang lahat ng yong nginungoy-ngoy. Hahaha
Kung gusto mu naman eh i-VOTE mu na lang para mas masaya.
Pwede ring iclick yung BECOME A FAN para naman hindi ako lugi. ang kapal anu? Hahaha
HA HA HA HA HA HA HA HA :D