NOTE: Updated 12/10/2014. Magbabalik after 1 week :))
Nanlumo yung mga tuhod ko sa narinig ko. Nanikip ang dibdib at tipong anytime may tutulong luha sa mata ko. Wag, wag dito, please. Nakatigil lang ako doon at hindi nakapagsalita. Naramdaman ko ang kamay ni Migo sa balikat ko na agad kong hinawi. Tumakbo ako papalayo sa kanya.
"Eri" Narinig ko pang tawag nito pero hindi ko ito pinansin. I need to talk to Sir Adrian. Kailangang ayusin 'tong misunderstanding na 'to
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor ng opisina nito. Hindi ako mapakali at kanina ko pa sinusubukang huminga ng malalim. I need to breathe, I need to. Pagtunog ng elevator sa floor nito ay agad akong lumabas at nadatnan ko dun si Jane na may tinatype sa computer.
"Papasok ako Jane ah" Napatingin siya sakin.
"Wait inform ko lang si panot"
" 'Di na ako ng bahala" Kahit naguguluhan ay hindi na ito kumontra. Kumatok muna ako bago ko pinihit ang seradura. Pagkabukas pa lang ay mata ng impokritang anghel na yun ang nakasalubong ko. Her lips forming a devilish grin that I want to smack out of her face. Damn this evil btch.
"Wazzup cheater" Ang bungad nito ng na siguradong nakapasok na talaga ako. I didn't mind her words and walk towards Sir Adrian's desk.
He look at me and motioned to sit on the chair infront of him, so I do. "What is it Ms. Mendez?"
"That was a misunderstanding. Migo is not my boyfriend." Sabi ko ng nakatingin diretso sa mata nito. Angel mumbled something at gusto ko syang suntukin kung wala lang si Sir Adrian dito.
"And?" And what?
"I'm not a cheater."
Pungalumbaba naman ito sa desk nya "I know" Napangiti naman ako ng maaliwalas sa sagot nito. I'm positive hindi siya kaagad naniniwala sa mga ganun "--is what you expected me to answer, right?" Bigla nawala ang saya sa sistema ko.
"W-what?"
"Oh I consider that you don't cheat as you said it but the fact that you are helping that bastard to ruin my relationship with Angel is a no Ms. Mendez. I can make stories and spread it to the whole company anytime of the day and your relationship with Rigz will be at risk"
"Ghad damn it! What the hell are you planning? I'm clearing my name here can't you understand it? Do you want evidence, then I'll prove it!" Halos magusok ang ilong ko pero nanatiling kalmante si Sir Adrian na nakahalumbaba pa rin.
" Relax, I'm just telling you the possibilities kapag kinalaban mo pa kami and keep pursuing Angel. I don't mind if I'll ruin you Ms. Mendez for some fckn lies just for you and that bastard to stay out of our way."
"So what do you want me to do?" Gago pala 'to eh! He knows that I don't cheat pero alam nya din ang propaganda ko kasama si Migo. The heck! Pinapaimbestigahan nya ba kami? O ako? Hell! Ano ba 'tong gulong pinasok ko?