Papasok na ako sa P.A matapos ang 3 araw na di pag pasok dahil sa nag yaya magbakasyon si Dad for 3 days, family bonding. 3 days matapos amg insidenteng kinaladkad nila ako sa hide out nila. Salamat nalang at friday ngayon. Papasok na ako ng may nabangga akong babae, dahil sa pagmamadali.
"Aray!" sabi niya, sabay pulot sa mga libro niya at glasses niya. Well, alam ko naman na fake yun so whatever.
"Sorry." sabi ko pero cold yung tono. Oo, hindi ko na siya tinulungan sa pag pulot at nakatayo nalang ako dun.
Tumingin naman siya sakin na parang sinasabi na tulungan ko siya.
"Di ko naman kasalanan e, paharang-harang ka kasi sa daan." sabi ko sakanya. Agad naman siyang tumayo at hinarap ako.
Di naman siya kagandahan. Medyo nerd ang itsura. Medyo maitim, at pango ang ilong niya. Ang buhok niya naman ay lagpas balikat. Hindi din siya ganon katangkad, may pagkapandak.
"Pero nabangga mo parin ako. Dapat lang na mag sorry ka." sinabi niya ng mahinhin.
"Whatever, nag sorry na ako diba? So no problem. Tss." sabi ko at nagsimula na akong maglakad palayo.
"Tss, baguhan ka palang dito ganyan na ugali mo." pabulong niya na sinabi pero binalewala ko nalang yun at kunwari walang narinig. Tss, napaka insecure nun sakin. Inggit lang kasi maganda ako. Haha okay, feel much.
Pag karating ko sa room ay nakita ko sina Jessica, Cheska at Taylor na mukhang nag aalala at may hinihintay.
"Andito na siya!" sabi ni Taylor.
Agad agad naman silang lumapit sakin at humihingi ng patawad.
"We are so sorry about dun sa nangyari nung isang araw a!" sabi ni Jessica at hinawakan pa ang kamay ko.
"Ahh, it's okay guys." sabay ngiti.
Ang malulungkot at nag aalala nilang mukha ay napalitan ng masaya.
"Bat niyo pala ako dinala sa hide out niyo nung Monday?" nagtatakang tinanong ko, at nag tinginan naman silang tatlo na parang may gustong sabihin.
"About that Nazarhia, may sasabihin kami pero mas magandang sabihin pag andito na ang Magcon Boys para mas maintindihan mo." sabi ni Cheska.
Nag isip-isip naman ako at nagtaka kung ano yun. Ano kaya yun?
"Ha? Ano ba yun?" nakita ko naman na nilabas ni Jessica ang phone niya at tinawagan ang kambal niyang si Jessi.
"It's better if sa hide out nalang natin 'to pag usapan at mas magandang kasama na sina Carter." sabi ni Cheska.
"Guys, tara na daw sa hide out sabi ni Jessi. On the way na daw sila dun." sabi naman ni Jessica na nag hahanda na umalis ganun din si Taylor at Cheska. Habang ako naman ay naka tunganga dun at di alam kung anong nangyayari.
"Lets go!" sabay hila sakin ni Taylor palabas ng campus.
"Wait! Diba may klase pa tayo?" pagpipigil ko sakanila.
"Oh come on Nazarhia, mag cutting muna tayo. Ngayon lang naman e. Tara na!" sabay hila sakin ni Taylor.
Okay lang naman na mag cutting sa P.A kasi wala din lang pakealam ang school sa mga ginagawang kalokohan ng mga students dito.
Naka abot naman na kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni Jessica.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa hide out.
Nakita ko naman ang sasakyan ng Magcon Boys na nakapark sa labas ng hide out agad agad naman kaming pumasok sa hide out at nadatnan na kumakain ng pizza ang Magcon Boys.
"Tss, agang-aga. Yan breakfast niyo?" tanong ko sakanila.
"Yes perv. Gusto mo?" sabay abot sakin yung plate na may pizza.
"No thanks manyak. Baka may patibong yan e." umirap nalang ako.
"Hahaha! Okay perv." sabi niya sabay smirk.
"Whatever, so ano uli yung sasabihin niyo?" tanong ko sabay upo sa sofa.
Nag tinginan sila ng nakaka loko at humalakhak.
"What?" naiirita kong sabi.
"Na uto ka namin. HAHAHA! Wala naman talaga kaming sasabihin e." sabi ni Jessica na mas lalo ko naman ikinairita.
"Then, bat pa natin kelangan mag punta dito?" sabi ko.
"To have fun. School is boring so.. Mag good time naman tayo." sabi niya.
"Ohh, okay." sabi ko ng walang reklamo na ikinagulat nila.
"Ohh whatever, laro tayo ng truth or dare guys!" sabi ni Daniel.
"Tara! Masaya to!" sabay sabay na sabi nila sabay takbo sa sulok kung nasaan yung bote.
"Seriously? Truth or Dare? How cheap guys." sabi ko sabay cross arms.
"Halika ka nalang dito. Kakaibang mga challenges o tanong binibigay namin. It will be fun." sabi ni Taylor.
Umirap nalang ako at umupo sa tabi nila.
At dahil wala akong pakialam sa Truth or Dare game na yan. Nag earphones nalang ako sabay nakikinig sa music.
Kung ano ano di lang naman ginagawa nila. I don't mind them. Hinayaan ko nalang sila at di pinansin at nakinig nalang ako sa kanta ni Cher Lloyd na Love me for me.
Napansin ko naman na tumama ang bote kay Carter. Naging interesado ako sa pipiliin niya kaya nakinig muna ako saglit.
"I pick Dare." Hmm, challenging a. Kung ako kaya mag dare sakanya at gawin ko siyang alipin for 5 months. That would be awesome!
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita 'tong si Bench.
"I dare you to have a relationship with Nazarhia for 2 months, dapat siya lang no other girls. Alam mo na ang mga haharapin mo kung di mo gagawin."
Ikinagulat namin lahat yun at napasigaw pa ako.
"WHAT?! NO! YOU CAN'T!"
"So whats the answer Carter? Will you accept the challenge or not?" sabi ni Jessi.
"Challenge Accepted."
Oh no. What in the world?! This can't be happening.
A/N: Hi guys! Sorry sa mga wrong grammar uli. And sa mga fail chuchu naka mobile e. Hehe, hope you enjoy. Ano kaya mangyayari sakanila ni Carter? Abangan. Okay, lovelots!
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
Teen FictionTruth or Dare? All Rights Reserved, Copyright 2014. Date Started: November 29 2014. Date Finished: On Going. Author: RainbowPotatoKawaii