Love Bells

4 0 0
                                    

Tunog ng kampana. Pagbubukas ng malaking pinto ng simbahan. Unang hakbang ng babaeng nakaputing bestida, ngiting kahit sa habang buhay ay nakatatak na sa puso't isipan.

Himig na kaniyang paborito, sumasabay sa bawat hakbang na kaniyang ginawa habang papalapit dito sa altar. Kung saan samsambitin ang pangako ng pang-habang buhay.

Bawat padyak niya'y may kasamang ngiti at luha sa kaniyang mukha na sumisimbolo ng kaniyang sobrang kaligayahan. Ang sarap alalahanin ang mga bakas ng kahapon. Kung saan kami nagsimula at kung paano kami nagmahalan.

At kung paano kami natapos, dahil lahat naman ng kasiyahan may katapusan. Ngayon, naiwan ako. Naiwang puso't sugatan at puno ng kalungkotan.

Ako sana ang groom niya kung hindi lang nangyari ang pinakagagong pangyayari ng buhay ko.

5 years ago.

Paglabas ko ng pintuan ng pinanggalingan kong fast food restaurant nang may nakita akong babae na nakaupo at humihikbi. Hindi naman ako mabait na tao para kamustahin siya o patahanin pero sa oras na iyon may nagtutulak sa akin na kausapin siya.

Umupo ako sa tabi niya at naghintay ng ilang segundo bago ko siya kinalabit. Tumingin naman siya sa akin at nagulat dahil siguro di niya naramdaman na may umupo sa kaniyang tabi kanina.

Nakatitig lang siya sa akin kaya't ngumiti ako sa kaniya, ngumiti din siya pabalik pero tipid at pilit. "Ba't ka umiiyak?" tanong ko at tumingin sa harapan naming simbahan.

"May bagsak akong isang subject." basag na boses niya dahil sa kakaiyak. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng malapad. "Buti nga ikaw isa lang, ako halos lahat ng subject palakol." pabirong sabi ko sa kaniya.

Tumawa siya ng kaunti at ngumiti pagkatapos. Ngiting totoo at hindi pilit. "Halika, magsimba tayo." pag-aaya ko sa kaniya. Nauna akong tumayo at inabot ko ang aking kamay. Nagkaroon pag-aalinlangan ang kaniyang mga mata. "Nahihiya ako kay Lord, ang tagal ko ng hindi nagsisimba." sagot niya sa akin at tumingin sa baba.

"Kami ngang mga lalake may ginagawang kasalanan everyday hindi naman kami nahihiya." sabi ko sa kaniya at tumawa ulit siya. "Siraulo." sambit niya sabay abot ng kamay ko at tumayo na din siya. Pinagbitiw din namin ang dalawa naming kamay, alangan naman na magholding-hands kami.

"Alam mo kung wala kang ginawang kasalanan huwag kang mahihiya." sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok ng simbahan. Habang on going ang misa napapansin kong ilang beses siyang napapalingon sa akin.

Nang kakanta na kami ng Ama Namin nahiya akong hawakan ang kaniyang kamay kaya't pinagdikit ko na lang ang aking dalawang kamay ganoon din ang ginawa niya.

Pagkatapos ng misa, hindi muna kami lumabas at na-upo na lang muna. "Ba't mo ko tinitignan kaninang misa? Hindi ako assuming ah, nahuli talaga kita." sabi ko sa kaniya at natawa siya ng kaunti. "Wala first time kasing may mag-aya sa aking lalake na magsimba." sagot niya sa akin. "Bakit saan ka ba inaaya pag minsan? Motel?" bigla niya kong kinutusan dahil sa tanong ko. "Parang nagbibiro lang eh." reklamo ko sa kaniya.

"I'm Dawn." pagpapakilala niya sa akin at sabay abot ng kaniyang kamay. "Hello, mag-uumaga na. I'm Blake." pagbibiro ko sa kaniya at nang aabutin ko na ang kaniyang kamay iniwas niya sa akin at kinutusan.

Simula non palagi na kaming magkasama, nalaman kasi namin na pareho kami ng university na pinapasukan. Hindi na kami mapaghiwalay minsan pag-lunch breaks at kahit weekends kami ang magkasama. Nagsisimba kami o gumagawa kami ng requirements namin sabay.

Nagbago ang buhay ko nang dumating siya, naging maayos ang dating magulo. Ang dating bagsak lahat ng subjects, naging dean lister. Hanggang isang araw nagising na lang ako na, mahal ko na pala siya. Hindi ko na pala kayang mawala siya. Kaya't naglakas loob ako at umamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love BellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon