"Diba sa isang linggo pa ang usapan natin?"
Nagagalit na kanina pa si Amora dahil sa pang gugulo ng lalaki.Malinaw ang usapan bakit nangungulit ito ngayon?At tila galit pa?
Sumaglit lang daw muna siya roon at ngayon naraw.
Nauubusan man ng pasensiya'y wala siyang ibang magagawa kundi ang pumunta ngayon doon dahil kapag hindi daw niya ginawa'y ito ang susugod sa bahay niya.Ano pa ang mabuti niyang gawin?E di napilitan na siyang pumunta kahit labag sa kalooban niya,kahit pa hating gabi na!
Mabuti na lang at nagsabi itong ipapasundo siya.
Dahil sa tulad niyang dalagang pilipina'y hindi na dapat pang lumabas ng ganoong oras.Hindi pa siya gaanong nakaka prepara'y may humimpil ng sasakyan sa labas kaya hindi narin siya nag abalang ayusin ang sarili.
Sa pagmamadali niya'y hindi niya na nakuha pang magsuklay.Di bale na,sa sasakyan na lang niya iyon gagawin.
Paglabas niya ng kanyang bakuran ay nakahimpil ang pulang kotse.Hindi muna siya sumakay hanggat di niya alam kung ito na nga iyon."Miss Amora?Sumakay napo kayo at ako po iyong pinadala nina Sir Alech at Graham."
Napakunot siya saglit sa sinabi nito pero ng marinig ang pangalan raw ng nagpapasundo sa kanya'y hindi na niya inabala pa ang matandang pagbuksan pa siya ng pinto at siya na mismo ang nagbukas nito at sumakay na.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kotse'y hinanap na niya ang kanyang suklay,na sa nakakatakot na pangyayari'y naiwan niya ito at sa kasamaang palad pati na ang kanyang panali.
Shit!Shit!Shit!
Na lang talaga ang tanging masasabi niya habang nag pipipiksi sa loob.Napatingin naman ang driver sa kanya kaya nahihiya siyang umayos ng upo.Paano ba naman,sa kaiisip niya ng mga dadalhin!Nagdala na kasi siya ng pamalit dahil siguradong doon na siya aabutin ng umaga,bakit hindi'y alas dose pasado na!At bakit naroon di si Alech?Paano nalang kapag nalaman nito?
Napapadyak si Amora sa inis."AHHHHHHHHH@*#%¥?!!!"
"HAAAAAAAAAHHHHHH!!!"
Kapwa sigaw ni Graham at Amora sa tapat ng pinto nito.
"Ano ba't ang ing-"
"Huh!!!"
"Bakit ganyan ang ayos mo?"
Tanong ni Alech sa kanya.Magulo ang hanggang baywang na buhok ni Amora na hindi nasuklay at nakatabon itong lahat sa buo niyang mukha dahil balak niyang kunin man lang ang maliit na salamin na nabitbit niya upang ayusin muna kahit sandali ang sarili na eksaktong pagbukas naman ni Graham ng pinto nito.
"Ang buong akala ko'y multo."
Sabi ni Graham na tila sa nakainom ang tono."Halika na nga kayo ritong dalawa at nakakahiya sa mga kapit unit niyo rito at baka ireklamo pa tayo pareparehas."
"Hindi pa naman ako nag do doorbell ah?!"
Nagtatakang tanong niya sa mga ito.""Ang balak kasi niyang si Graham ay abangan kana sa elevator."
Nagpalipat lipat ang tingin ni Amora sa dalawang lalaki.
"Ay pasensiya kana nakainom kami ng konti.Nakalamang nga lang iyang isa."
Sabing paumanhin ni Alech sa kanya.Hindi nalang kumibo si Amora para walang gulo.
Hinawi niya sa tainga ang buhok.
At napatingin ng sabay sa kanya ang dalawang lalaki."Pasensiya narin kung hindi ako nakasuklay."
Nakita ni Amorang tuloy tuloy na pumunta sa sala si Graham at naupo ngunit ramdam niyang hindi siya nilulubayan nito ng tingin.
"Kumain kana?"
Tanong ni Alech sa kanya.Maige pa ito!
Isip isip ni Amora.Tumango naman agad siya sa tanong nito.
"Kung gayo'y halika na rito.Samahan mo kami."
Kung maaari lang na sumimangot ay ginawa na ni Amora.Kung mag aasta ang lalaki'y tila pagmamay ari siya nito.
Nginitian naman siya ni Alech at sinuklian niya rin iyon ng mabining ngiti.
Tumalima na si Amora at naupo sa harap ni Graham.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Biglang nagtaka si Amora ng sabihin iyon ni Graham na ang pinatutungkulan ng puna ay tiyak niyang siya dahil sa kanya lang ito nakatingin.
"Dito nalang siya,hayaan mo kung saan niya gusto."
Puna naman ni Alech."Dito kana!"
Parang walang narinig na sabi pa ni Graham sa kanya at tinapik tapik pa nito ang katabing pwestong bakante.Dahan dahan siyang tumayo at tinapunan si Alech ng tinging nagsasabing ok lang sa kanya ang pagbigyan ang lalaki sa katapat na upuan.
Habang iiling iling naman ito.Nang makalapit na si Amora'y dinaklot na ni Graham kaagad ang kanyang braso upang mapalapit dito ng upo.
Nagtimpi parin ang dalaga sa kabila ng ginawa nito."Bago ang lahat uminom ka muna."
Pagkatapos ay sabi ng lalaki sa kanya."H-Hindi ako umiinom."
"Bakit hindi nalang muna tayo magkwentuhan?
Dalo ni Alech."Tama!Sige magkwentuhan muna tayo."
Napapayag na boses ni Graham."Napag usapan namin ni Graham yung tungkol sa magiging trabaho mo sa kanya.Uhmmm,,,sa umpisa lang mahirap."
Sandaling natigilan si Amora sa sinabi ng lalaki.
Diyata't nalaman nito?"Ako kasi ang-"
Naudlot ang sasabihin nito ng biglang sumingit si Graham."Siya ang Manager ko."
Pagkasabi nito'y inakbayan siyang bigla ni Graham.Napa siklot ng bahagya si Amora sa ginawa nitong pag akbay at pagkabig sa kanya upang lalo silang magkalapit.Wala pa kasing gumagawa ng ganoon sa kanya.Lalo na ito na walang pahintulot sa kanya.
Amoy na amoy niya tuloy ang alak sa bibig nito kahit hindi siya nakatingin
Kumalma parin siya.Napuna na niya kasi kanina pa,na dalawa ang uri ng alak mayroon sa ibabaw ng mesa,kalahati ay puro bote ng beer at ang isang bote ng hard.Mukhang alam niya narin kung sino ang umiinom ng hard at kung sino sa beer."Pagpasensiyahan mo na iyang kaibigan ko Amora.Makulit lang talaga iyan kapag nakakainom."
Pag bibigay paumanhin nito para sa kaibigan.Tumango tango naman siya.
"Hindi pa ako lasing."
Mahina at mariing boses nitong malapit sa tainga ni Amora.Nanatili siyang tuwid ang pagkakaupong hindi parin sinusubukang sulyapan si Graham.Nakita niyang tumayo na si Alech at hinawakan na siya sa braso nito.
"Tara na,doon muna paupuin si Amora."
Sabi nitong ang higit na pinatutungkulan ay si Graham.
Inihawak na ni Amora ang kamay sa braso ni Alech pero kapwa sila natigilan nito,dahil ayaw siyang pakawalan ni Graham,ang kaninang braso nitong naka akbay sa kanya'y naikapit na pala nito sa kanyang baywang na ikinagulat na naman ng dalaga.
Napilitan ng lingunin ni Amora ang lalaki ng may pagtatanong ang mga mata.Para silang saglit na nasa pelikula at cliff hanger iyon, iyon bang naka freez kapag tapos na ang isang kabanata dahil walang gumagalaw sa kanilang tatlo sa loob ng limang segundo.Ang pamagat ng pelikula'y,"I saw the Devil"
At si Graham iyon,dahil ito ang tingin rito ni Amora ngayon.
Saglit silang nanatili sa ganoong posisyon at kusang bumitaw ang kamay ni Amorang nakakapit kay Alech."Akala ko ba'y mag uusap tayo?Ano nga pala ang pag uusapan natin?"
Kambyo ni Amora sa tensiyon at patungkol ang kanyang tanong kay Alech.Agad namang nakuha ni Alech ang kanyang nais iparating kaya bumalik uli ang lalaki sa kinauupuan nito kanina at sinagot agad ang tanong niya kanina.
"Ang paghuhubad ni Graham sa harap ng kamera.
Nasamid si Graham sa nilalagok na alak...
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...