"Nice to meet you, where you've been?
I can show you incredible things
Magic, madness, heaven, sin
Saw you there and I thought 'oh my God look at that face'
You look like my next mistake
Love's a game, wanna play?"Masayang kinakanta ni Alessana ang Blank Space. Ito ay ang pangalawang kanta sa bagong album ni Taylor Swift na 1989. Itong kanta na ito na yata ang favorite niya sa lahat. Bagay kasi sa kanya, since single siya.
"Ano ba yan, Aless! Bumili ka na nga ng album. Maubusan ka pa eh!"
Kasama niya sa bahay ang best friend niyang si Danica. Swiftie din ito kagaya niya pero hindi kasing adik niya.
"Eh kasi naman ang ganda ganda nung meaning ng kanta! Oo na nga, heto oh bibili na ako. Kaya babush muna beshuy! Punta lang ako sa music shop ha."
Natawa lang si Danica sa kaibigan niya. Kahit kelan napaka-Swiftie nito. Pure-blooded nga ito eh. Talagang binibili bawat album, kahit deluxe o platinum edition. Pati mga merch na may kinalaman kay Taylor Swift kaagad nitong binibili.
Palagi din itong napunta sa concerts ni Taylor. Talagang nag-iipon ito mabuti makabili lang ng concert ticket.
***
Malapit-lapit lang ang music shop sa bahay nila Alessana kaya nilakad-takbo na lang niya ito. Suki na siya dito dahil magmula sa self-titled album ni Taylor ay nabili na niya.
Kilala din siya ng may kanya nito kaya kung minsan ay may discounts siya. Natutuwa din ang may kanya sa kanya dahil isa siyang solid fan.
"Ate Lora, may copy pa po kayo ng 1989 album?"
Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang, kaagad na siyang nagtanong. Alam na naman ni Ate Lora na album ito ni Taylor dahil mga ganun lang naman ang binibili niya dito.
"Oo, Alessana! Last copy na yan. Mabenta kasi eh."
Dali-dali siyang nagtatakbo papunta sa aisle ng albums. Hinanap niya ang nag-iisang 1989 album sa buong aisle. Nag-iisa na lang ito kaya medyo mahirap makita.
"Gotcha!"
Nakita na niya ang hinahanap at kukuhanin na niya ito. Kaya lang, may kamay na biglang sumulpot sa harap niya at biglang kinuha ang nag-iisang 1989 album.
Napatingin siya sa may-ari ng kamay na iyon.
Isang lalaki na gwapo, matangkad, maputi, at may chinito brown eyes. Ganitong-ganito ang kanyang prince charming.
Kikiligin na sana siya kaya lang ay inagaw nito ang album niya.
Hinarap niya ito ng buong tapang kahit hanggang dibdib lang siya nito.
"Hoy, kuya! Akin na yang album ko!"
Nakapamewang siya at galit na galit.
"Album... mo? Nauna akong kuhanin ito eh."
Pa-cool na sabi nung lalaki kaya kinilig sa loob-loob si Alessana. Pero dahil ayaw nito ibalik ang album niya, inalis niya ang kilig na nararamdaman.
"Pero nauna ako pumunta dito! Sadyang mang-aagaw ka lang!"
"Ako, mang-aagaw? Baka naman, sadyang mabagal ka lang kumuha at bansot ka kaya hindi mo naabot kaagad?"
Naka-smirk pa ito kaya lalo siyang nainis.
"Waaaa! Ibalik mo ang album ko!"
"No, no, no, no. This is one of my collections now. Alam mo bang pinag-ipunan ko pa ito? Kaya wala kang karapatan na agawin ito sakin. Mauna na ako."
BINABASA MO ANG
The 1989 Album (One-shot)
FanfictionAlessana is a pure-blooded Swiftie. She has every album of Taylor Swift, including every deluxe or platinum edition. Now, on her way to the music shop (she's gonna buy the new 1989 album), a guy grabs the last copy before she gets hold of it. Is thi...