"Vine, may isusuot ka na ba para sa birthday ni Ahma?" Kausap ni Divine ang kaibigang si Cindy sa telepono sa oras na iyon. Kasalukuyan siyang nag o-audit sa lahat nang gastos niya habang kausap ang babae.
"Wala pa nga eh, ang hirap naman kasi nang motif na napili niyo." Red and Gold kasi ang motif nang birthday party, sa kasamaang palad meron nga siyang red and gold ngunit hindi naman pormal at pang party.
Tumawa lang ang kaibigan sa kabilang linya. "Si Ahia kasi, sabay nalang tayo mamili. Punta tayong mall at gala na rin," Sabi nito. Mukhang gusto lang yata nitong gumala kasama siya. Hindi naman siya nag-rereklamo dahil matagal-tagal na rin silang hindi nag gi-girl time.
"Ge ba. Mabuti nga iyon dahil gusto ko ring may kasama at may dapat akong bilhin para sa shop." Saka niya sinabi rito yung mga artificial plants and flowers at iba't-ibang abubot na kakailanganin niya.
Napag-usapan nilang magkita sa mall nang alas dos nang hapon. Tatawagan sana niya ang nobyo ngunit hindi ito sumasagot. Nagkibit balikat siya baka busy ito. Pagkatapos siya nitong ihatid sa bahay ay matagal bago siya nakatulog. Napailing nalang siya sa kabalastugan nilang mag-nobyo.
Suklay at polbo lang ang ginawa niya saka kinuha ang susi nang sasakyan. Ala una y media palang ngunit ganoon naman talaga siya para iwas traffic na rin. Naghahanap na siya nang parking space nang tumunog ang kanyang telepono. Ni-loud speaker niya, si Adam ang tumatawag.
"Sorry, Love I was in the field. Naiwan ko ang cellphone sa office. What's up?" Maingay ang background nito. Hirap pa siyang intindihin 'to
"It's fine. I just called to tell you na magkikita kami ni Cindy ngayon. Well, nandito na ako sa mall I just have to buy some stuff. Are you still in the office?" tanong niya rito kasi maingay talaga ang background.
"Yup, I am but medyo crowded lang sa office kasi nandito ngayon yung ibang taga site. What time will you be home?" may nakita siyang space hindi kalayuan, dali-dali niyang inikot ang manibela at inapakan ang silinyador.
"Okay, I dont know yet and I'm still driving Love. I'll call you back." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at dali-daling pinihit ang kotse. Busy pa naman ngayon baka kako maunahan siya.
Pagkalabas niya sa kotse saka niya tinawagan ulit ang nobyo. "Hello, Love sorry." Tinawanan niya ito.
"Nagkita na ba kayo ni Cindy? Kasama ba si Greg?"
"Hindi, Love. Actually, bibili lang kami nang susuotin para sa party ni Ahma."
"Okay, marami ka pa naman damit ah. Gusto mo lang yata bumili na naman." Tukso nito sa kanya. Nai-imagine niyang tumataas ang sulok nang bibig nito. Tawa lang ang sagot niya. "How's your day naman?" saka niya sinabi rito ang ginawa niya sa bahay at planong nyang bilhin na mga gamit para sa shop.
Kausap niya pa ang nobyo sa telepono nang mapansin na pasado alas dos na. Nagpaalam siya kay Adam para tawagan ang kaibigan. Medyo nagmamadali siyang hanapin ang pangalan ni Cindy sa contact list niya. Baka kanina pa ito nag-aantay sa kanya.
"Where are you?" agad niyang tanong rito nang sagutin nito ang tawag.
"Near na. Medyo na traffic lang," Pagkatapos nitong sabihin iyon ay iniwasan niyang mainis rito. Ganito ito noon pa. Parating late sa mga lakad, mabagal din kumilos kahit alam na nito na aabutin ito nang traffic.
"Alam mo'ng traffic eh, maghahanap nalang muna ako nang makakain. Bilisan mo dahil nangangawit na ako." Wala siyang nagawa at naghanap nalang nang kainan sa loob nang mall. Kumakain siya nang Halo-halo nang tumawag ito.
BINABASA MO ANG
Take me in your arms, Love
RomanceWhat happened now, where did it go? We used to be so perfect together, we used to be the happiest couple alive but what happened? After 5 years, Adam and Divine met again. Adam is feeling mixed of emotion while Divine's face are void and dull. Doe...