3

24 13 24
                                    


Pagdating ko sa club room namin ay ramdam ko agad ang tensyon. I'm sure they are just waiting for me to start this meeting. I'll be doomed if Hani is here.

Well Hani Sy is the chinitang reyna reynahan sa club namin. I can't blame the members if they will obey here, after all anak sya ng isa sa may pinaka malaking share dito sa university. Huh talking about perks.

Pagkapasok ko pa lamang ay nanlilisik na mata ni Hani ang bumungad sakin. I still don't get it, bakit ba ang init ng dugo ng babaeng ito sa akin? Madalas plastic at santa santita at minsan naman halatang halata na galit sa akin. Like ayos ka lang girl?

"Oh nandito na pala ang VVIP natin eh, so let us start this meeting?" halatang inis sya habang sinasabi yan pero tinatago nya gamit ang mga ngiti nya. Ugh I hate plastics.

Napayuko lang ako habang napunta sa bakanteng upuan na nakapalibot sa may kahabaan na lamesa. "Sorry" nasabi ko na lang nakita ko namang nginitian ako ni Iñigo at nang iba pang medyo ka close ko.

Tumayo si Iñigo para simulan ang meeting. You will never know how nervous I am right now. "I know alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag ngayon dito, it is because we will now talk about the making and publishing of this month's newspaper".

Nagtanguan naman kami. "And as you know nasimulan na natin ang kalahati ng newspaper ang kailangan na lang nating gawin ay ireview and publish." Sabi nito.

"And kaya tayo nandito ay para pagdesisyunan ang mangyayaring twist
of this month's newspaper" sabi ni Hani.

"Bakit hindi na lang ulit si Tere ang gumawa, tutal kaunti lang naman ang naitutulong nya sa club"

"Oo nga sayang sa oras ang pagpunta ko dito"

"Sanay nanaman syang gumawa nun kaya siya na lang"

Si Teresita or si Tere ang laging nab-bully ng gropu nina Hani. Dalawang beses na siyang napagutusan na gawin ang task na ito.

Hani sighed "Relax girls, naisip ko kasi na unfair sa part ni Tere. Kaya naman naisip ko na gumawa ng bunutan para maging fair" at naglabas siya ng kahon at nishake yun.

Habang pinapabunot nya si Iñigo ay nginitian nya ako. I hate her smiles. Nang makabunot na si Iñigo ay dahan dahan nya itong binuksan.

'Sa labing dalawang miyembro ng club sigurado naman na hindi ako yun diba?"

"Alice" banggit na sabay nina Iñigo at Hani.

WHAT???!

Nagtingin sila sa akin. Yeah siguro ayos na din ito para hindi na ako mahirapan sa sunod.

"Mukhang ikaw ang swerte na gagawa ng task natin Alice" Hani said then smirked.

"So ano nga ba ang task this month?"

"Wala namang masyadong nangyari kaya baka madali lang"

"I don't think so"

Sana nga madali lang. Pero dahil alam kong may galit sa akin itong si Hani ay dapat hindi na ako umasa.

Iñigo looked at me and smiled. "Ano nga ba ang task?" Tanong nya kay Hani.

Hani is incharge with this twist monthly dahil Iñigo is very busy as the president. And that is a very bad idea atleast for me.

"Well, well, well dahil first time ito ni Alice ay dadalian ko lamang ang task." Napahinga ako sa sinabi nya.

"She just need to gather informations about Felix Forester's daily life, likes and dislikes and anything that this university's students doesn't know" and she smirked.

Is she asking me for the impossible? How can I even start a conversation with that snow prince? Arghh.

Napatingin naman si Iñigo kay Hani maging ang ibang members. Everyone is shocked. And I? I'm doomed.

"Are you in your right mind? It's imposible. Felix's life is a mystery and also he will not talk about it." Frustrated na sabi ni Iñigo kay Hani.

Naningkit ang mga mata ni Hani kay Iñigo as if she discover something unbelievable.

"FYI president kung pagbabasehan ang mga nagdaan na task, task ni Alice ang pinaka madali sa lahat." Bored na sabi niya.

I hate to admit it but she's right. Mine is the easiest. But it's imposible?

"But-" pinutol ni Alice ang sasabihin ni Inigo, "But what president?" Tinaasan nya ito ng kilay at nginitian ng nakakaloko.

Walang nagawa si Iñigo kundi manahimik. Saka ako tiningnan ni Hani.

"Can you do it? Alice?" Nanghahamon na sabi sa akin ni Hani.

Saying no is the other way of saying you want to be a suspended member. "Ofcourse" confident kong sinabi.

"Yun naman pala, so it's settled then?, we'll wait until next wednesday" at nginitian nya ako ng matamis.

Oh please I hate this task and also Hani. Pero gagawin ko pa din ang best ko. I'm Alice and I hate losing.

Tumingin si Hani kay Iñigo "Pede na ba umalis? President? Is the meeting done?" napatango na lang din si Iñigo at nagligpit ng gamit.

Nag-alisan na ang mga member ng club kaya naman umalis na din ako para mapag isipan kung paano ko mapapag-salita ang prinsepe ng nyebe.

3rd person's pov

Napatingin sya at napatigil sa pagaayos ng gamit nang makitang may tao pa sa club room.

"Do you like her?" Tanong nito sa kanya habang nanliliit ang mata.

Napadabog sya dahil sa tanong nito. "Can you just shut up?" naiinis sya sa mga taong masyadong matanong.

"Oh my is the angel angry? Takot ka ba na baka mapalapit sya kay Felix?"

Kung makakapatay ang tingin nakahandusay na ang babaeng ito sa sahig.

"But the real question is bakit nga ba galit ka pa din kay Felix? Its been four years? or five I think?" Sabi nito habang nagtitingin ng notes.

"You know, uso ngayon ang move on try mo din" tumingin ito sa kanya at ngumiti. It's a plastic smile though.

"Its none of your business, just finish your work" at naglakad na sya paalis.

Wala sya sa mood kaya naman kahit na may mga nabati sa kanya na estudyante  habang naglalakad ay hindi niya ito pinapansin.

Words can't describe how much he hate that person. And thinking mapapalapit sya kay- arghhh he's frustrated.

Snow PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon