Arkiya Janaya Anvil
Bawat pagdilat ng aking mata sa umaga diba dapat masaya?
Kase panibagong umaga nanaman ang ibinigay sa akin ng panginoon. Panibagong araw para gawin ang mga bagay na aking nakasanayan. Panibagong araw para lumaban sa malakas na agos ng buhay.
Ngunit bawat pag dilat ng aking mata sa araw araw ay ang pagkabigo ng aking kagustuhan na sana di na ito dumilat kailanman.
Pagod na ako. Ayoko na. Walang araw na hindi ako umiyak sa umaga sa kalungkutan. Kung sa iba biyaya ang bawat araw na binibigay para mabuhay sa akin ay panibagong araw ng paghihirap nanaman. Kung sila nagigising para lumaban sa malakas na agos ng buhay, pero ako nahihirapan na kaya gusto ko nalang magpatangay.
"Bakit?!" Tanong ko sakanya habang umiiyak. Umaasa na sasagutin niya ako.
"Bakit mo pa ako ginising?! Tangina naman gustong gusto mo talaga akong nahihirapan no!" Hindi ba niya nakikita na hindi ko na kaya? Akala ko ba nakikita niya ang lahat mula kinaroroonan niya?
Hindi ko na alam kung gaano katagal akong umiyak. Natigil lang ako dahil sa isang katok sa pintuan. It must be ate. Ate Mustard Veronica Anvil-Bayer.
Agad agad kong pinunasan lahat ng luha ko at dumeretso na sa banyo. I don't want her to see me in this state. Mag aalala lang siya and I don't want to happen. Ayoko nang bigyan ng problema lahat ng tao na nasa paligid ko. Sapat na yung ako lang.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko na nangangahulugan na pumasok na si ate.
"Kiya?" I heard her calling from the outside of my restroom.
"Yes ate?! Nasa CR ako!" Masigla kong sagot habang tinitignan ang sarili ko sa salamin na nandito sa banyo.
I need to sound cheerful. In that way hindi na mag iisip si ate ng kung ano na umiiyak nanaman ako.
Ghad Kiya, umiiyak ka naman talaga. Sinong niloko mo? I said to myself.
Maybe me? I'm fooling myself trying to be ok but the truth is I'm not. But who am I to admit that I'm not ok. Still nobody cares.
"Kiya! You ok there?" Ate ask from the outside.
" Of course ate! I'm fine! Mag aayos lang ako. Just wait me downstairs" sagot ko as i wipe my tears in my eyes na di ko namalayang tumutulo na pala.
Stupid kiya! Umiiyak ka nanaman!
"Sige! Bilisan mo jan, someone is waiting for you downstairs. Sumabay kana din sa amin mag-almusal" ate said.
Siguro nandyan na siya at sinusundo na ako. Anong oras na nga ba? Maaga ako nagising but I'm not aware kung gaano ba ako katagal umiyak simula pag gising ko.
Tumango nalang ako, but I realized na di niya nga pala ako makikita kase nasa loob ako ng cr. "Okay" tanging nasabi ko.
Pagkatapos kong hubarin lahat ng damit ko ay pumwesto na ako sa shower. I close my eyes let myself feel the dripping coldness of the water in my body. Kasabay ng pagbuhos ng tubig ay ang mga luha ko sa araw na ito.
Matapos maligo ay nagbihis na ako. Isang white longsleeve top, beige jogger pants at white rubber shoes ang napili kong isuot sa araw na ito. Pinasadahan ko lang ng kamay ang Natural na light brown kong buhok na may pag ka wavy na umabot hanggang sa kalahati ng aking pang upo. Naglagay ako ng konting make up and I'm ready to go.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I smiled. A fake one. Kung titignan mo, isa lang akong normal na studyante. A typical teenager. But people don't understand what's inside of my head.
BINABASA MO ANG
Death Bed
RandomSerenade Series #1 Arkiya Janaya Anvil drown to the waves of her own life. Soon as she learns how to surf that's when the time that a sudden tsunami hits her hard and the people around her. Will she be able to swim across the endless waves or will s...