May narinig akong kalabog ng nabasag na bote Sa loob ng silid ng aking Ina.
Agad akong tumakbo papasok sa kwarto niya, nabungaran ko ang nakakalat na bote ng alak at magulong kama ni Mama.
"Ma, di ba sabi ko sayo huwag ka nang uminom ng alak! Masama to' Sa kalusugan Mo!" Naiiyak Kung wika sa kanya ngunit imbis na pakinggan Hindi niya ako pinansin at linampasan Lang.
"Ma, Bawal Kang kumain ng mamantikang pagkain, Yan ang Sabi Ng Doctor sayo."
Mahinahong Kung wika Sa kanya habang siya'y kumakain Sa hapag.
Tumingin siya sa gawi ko at binitawan ang letsong hawak niya kanina. Mabuti naman at narinig niya rin Ako.
"Ma,uminom ka na ng gamot.bawal ka lipasan nito." Hindi siya nagsalita at malungkot na pinagmasdan ang orasan na waring may hinihintay na oras.
"Ma, bawal ka rin sa mga matatamis na pagkain. Bakit ka ba kasi bumili ng cake ?!" May Galit na Wika ko Sa kanya ngunit hindi niya pinagtuonan ng pansin ang sinabi ko Sa halip masaya niyang binitbit ito pasakay sa dyip.
Nagmamartiya akong sumunod sa kanya.
Nagulat nalang Ako ng huminto ang dyip sa lugar na Hindi ko inaasahan. Bumaba siya Sa dyip at naglakad papasok Sa loob ng lugar.
Hindi ko lubos maihakbang ang aking ang mga paa papasok Sa lugar na iyon. Nanginginig ako sa takot, ayaw ko dito ! Ayaw ko sa lugar na Ito.
Linapag ni Mama ang dala niyang cake Sa ibabaw ng isang Bagay na may Puting pintura.
"H-Happy birthday Anak. Sana masaya kana Kung nasan ka man ngayon,Kasi A--ko Hindi ako oka--y mula nong' iwan mo Si Mama. Ikaw Kasi Hindi mo Ako hinintay sabay nalang Sana Tayong pumunta diyan. Hindi Sana Ngayon nag-iisa ang mama mo." Humihikbi niyang wika habang hinahaplos ang aking lapida.
At doon na bumuhos ang mga luha Sa aking mga Mata..
Ma, gaano ko man ka gusto bumalik sa piling Mo Hindi ko na magagawa pa...
Ma, p--patawad Kung maaga kitang iniwan...
"Nak, miss na miss kana ni Mama,Lalo na ang mga pangaral mo sa kin.Siya nga pala ang orasan na bigay mo sakin Hindi na rin gumagana mukhang iniwan na rin yata Ako katulad ng pag-iwan mo sakin."
©️
__________
Sorry Sa mga Errors 😊