Back

6 0 0
                                    

"Palabas na daw sya."

Napatingin silang lahat sakin ng sabihin ni Remington yon.Tinatantya ang reaksyon ko.

"What?"

Sabay sabay din silang napangisi ng sabihin ko iyon. Di ko alam kung tamang desisyon ang pagsama ko sa Airport ngayon e. Pag di naman ako sumama lalo lang nila kong tutustahin. Tropa pa. Kung nasan ang isa nandon ang lahat. Lakas maka-gago.

"Pre, halos five months mo din syang iniyakan." si Zenon'ng gago. Naghagalpakan naman sila kasama ng mga kapatid ni Yelsha na tropa din namin. Tangina netong mga to kahit saan mga walang hiya.

"Kailan kaya iiyak ang tong mga to. Kung hindi pa kayo titigil sa mga kagaguhan nyo malaking karma yan." si Mathev habang tatawa tawa pa. "Alam nyo mga pre dadating din kayo sa puntong lalabas lahat ng insecurities nyo sa katawan. May lalabas dyan ipapamukha sainyo na hindi kayo worth it. Fuck! My heart is bleeding miss na miss ko na ang sugarhoney ko" madramang sabi ni Rudeus. Akmang nasusuka pa sila Kaeya, Clover ,Radius kambal ni Rudeus, at Raven. Napailing nalang kaming apat nina Mathev at ang dalawang pang kuya ni Yelsha na si Roscoe at Remington. Tinamaan na din ni Kupido.

Siyam kaming naghihintay sa pagdating ng Spoiled Brat Princess. Yesha  Monroe Ackerman. She's definitely not that spoiled .Uh. Only when it comes to me back in the day. Hindi ko alam kung san nya nakuha nag lakas ng loob dati. Well, makapal ang mukha ng mga kuya nya guess it comes from the blood.

Remembering how she chase me, telling me how much she loves me, how much she can make me happy, how cute she is when i refuses to her and make-paawa effect on her face. That limited time when she was still in process to grow. Napatawa nalang ako ng mapakla.

Tumigil naman sila sa pag tawa. Napabunting hininga naman ako sa nangyari. Kung dati galit ang nararamdaman ko ngayon hindi na. After hearing what she's been through  di ko din sya masisi. She lost her father, ln front of her dying and she can't do anything.

Nagulat nalang kami ng biglang may lumipad na sapatos sa harap namin.
Bigla akong kinabahan ng mapatingin kung saan galing ang sapatos na iyon at narinig muli mula sa sarili nyang bibig hindi sa phone ang boses na iyon.

"Hey you fucker's! Enough the chit-chats parang di kayo lagi mag kakasama ah! Help me here! OMG! I'm sorry Kuya Remington! Kuya Roscoe!"

Nakita ko ang mga buhok nyang pinaghalong puti at itim, mata nyang galit, Ilong nyang lalong tumangos, Labi nyang naka-pout, Leeg nyang paborito ko noon, Dibdib nyang nagkaroon pa ng pag-asa't malaki laki narin mukhang may bago akong favorite ah wait,what?

Nanlaki ang mata kong napatingin sakanya. Mukhang nahalata nya ang dahilan kung bakit nanlaki ang mata ko. Namula sya at lalong nagalit ang mga mata. Kinuha nya ulit ang isang sapatos handa nang ibato sakin.

"Tangina mo Childe! Sa ganda kong to dibdib pa talaga napansin mo!" Lalo akong nagulat ng hinabol nya ako kaya napatakbo na din ako.Mukha kaming tanga don ng takbo kami ng takbo hindi manlang nya ininda na wala syang sapatos o ano. Napamura nalang ako sa sarili ko. Tangina naman kadadating mo lang napasaya mo agad ako.

Hindi ko namalayan na bigla nalang syang tumalon sa paharap ko sakanya. Kaya ang ending - syempre alam nyo na. Hinawakan ko nalang ang bewang nya at ang ulo nya para hindi sya mahulog sa sahig katulad sakin.

Ikaw na naman dahilan kung bakit nahulog ako. Pa-fall amputa.






Author's Note:This is my first story sana magustuhan nyo.Wala po akong masyadong alam sa pagsusulat pasensya na po kung madaming mali but I will do my best sa story na ito.Thankyou for reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We All Deserve To Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon