Kabanata 14

436 20 0
                                    

Bakasyon na namin ngayon at sa campus namin ay mayroong vacation trip kung saan 10 days kaming magbabakasyon sa isang lugar.

"Sige na beshie sumama ka na", pilit sa'kin ni aira

Kanina niya pa ako kinukulit na sumama sa vacation trip pero hindi ko talaga gustong sumama dahil makikita ko nanaman sila drake.

"Beshie ilang ulit ko pa ba sasabihin?, ayoko nga", humiga na ako sa kama ko para hindi niya ako distorbohin

Naririnig ko nalang na may humihikbi na at nahagulgol

"Hoy anong nangyayare sayo!?", tanong ko

"K-kasi minsan l-lang ako mang aya hindi mo pa ako p-pagbibigyan",humihikbi niyang sinabi

"Beshie alam mo namang nagmumove on ako", sabay hagis ko sakaniya ng unan

"Aray!", hinagis niya din sa akin ang unan

"Aba! Pillow fight!!!!!!!!", sabay tayo ko sa kama at kumuha din siya ng unan para makipaghampasan sa'kin

Habang nginungudngod ko siya sa unan ko ay may kumatok sa pinto kaya agad kaming napaayos ng upo

"Girls dinner na", sabi ni mama at agad na kaming bumaba ni aira

Palaging nasa bahay si aira dahil madalas nasa work ang mama niya kaya dito na siya natutulog minsan.

"You know beshie kung sasama ka bibilhan kita ng swimsuit!!!",tuwang tuwa niyang sinabi

"Hoy aira kahit ano pang sabihin mo hindi ako papayag", sabay taray sakaniya

"Mommy Tita si portia oh ayaw ako pagbigyan", sumbong niya kay mama

"Bakit ano ba yon?", tanong ni mama

"Kasi mommy tita meron kaming gaganapin na vacation trip next week, inaaya ko si portia kasi wala akong kasama and wala naman akong ibang friends kaya panigurado lonely ako dun", nagpapa-awa niyang sinabi kay mama

Dinilaan niya ako at sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa

"Oh anak sumama ka na walang kasama si aira kawawa naman kung mag-isa lang yan",utos ni mama habang nagsasandok ng kanin

"Mama naman, inuuto ka lang niyan ni aira", reklamo ko

"Thank you tita you are the best!", masayang sinabi ni aira

Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa din sumusuko si aira sa pamimilit niyang sumama ako sa vacation trip kaya wala na din akong nagawa kundi pumayag.

"Alam mo beshie bagay sayo tong blue na swimsuit",namimili siya ng mga susuotin namin at siya ang gagastos dahil siya ang nag-pilit sa'kin

"Mas gusto ko tong yellow bagay sa skin color ko", sabi ko habang sinusukat sukat ito

"Bongga! grabe paniguradong tutulo ang mga laway ng mga tao dun lalo na yang si drake!", sabi niya habang nagiimagine na tumutulo talaga laway ng mga tao bukas sa vacation trip

Binayaran na niya lahat ng mga napamili namin at agad na umuwi ng bahay. Sinukat sukat namin ang mga napili namin kanina at impernes bagay samin lahat

Mag-katabi kaming natulog ni aira at sobrang likot niya buti na lamang at nakatulog na din ako agad.

"I'm so excited na beshie", excited na excited na sinabi ni aira habang nag memake up

"Kala mo naman prom pupuntahan, nagmemake up pa", asar ko sakaniya

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon