Madilim pa ay gising na ako at nakahanda nang umalis. Nagdala lamang ako ng kaunting damit at nagsuot ng maong na shorts at loose na white long sleeves.
Pagpasok ko sa aking sasakyan ay nakaramdam ako ng kaunting kaligayahan. Lalo na noong pinaandar ko na ito. Pakiramdam ko ay malaya ako. Pakiramdam ko ay nakawala ako sa mga problema na nakadagan sa akin.
Ngayon ko lang gagawin ang bagay na ito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako lalayo mag-isa at walang kahit na sinong kasama. Marahil ito ang kailangan ko. Marahil kailangan kong kumawala sa mga bagay na nagpapagulo sa akin. I need to clear my head. I need to breakaway katulad ng kanta ni Kelly Clarkson.
I'll spread my wings and I'll learn how to fly
I'll do what it takes 'til I touch the sky
And I'll make a wish
Take a chance
Make a change
And breakawayOut of the darkness and into the sun
But I won't forget all the ones that I love
I'll take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway...I want to breakaway even for just a little while.
Unti-unti ng lumiliwanag nang makarating ako sa Port. Doon ay kailangan kong mag boat para makarating sa Stoney Isle kung saan naroon ang Bluest Island Resort.
Habang nakaupo sa boat at humahampas sa aking mukha ang masarap na simoy ng hangin kasama na ng mga saboy ng tubig dagat ay unti-unti ring gumagaan ang aking dalahin. Pumikit ako at ninamnam ang bawat sandaling iyon. Ang sarap sa pakiramdam. Kulang na lamang ay itaas ko ang dalawa kong kamay sa hangin na parang lumilipad.
Halos isang oras din ang biyahe sa banka patungo sa isla. Subalit hindi ko ito namalayan sa dami ng mga kamangha-manghang tanawin na nadaanan ng banka tulad na lamang ng mga iba't-ibang rock formations at mga makukulay at kitang-kitang coral reefs.
Pagtapak na pagtapak ko sa buhanginan ay mukha agad ni Kurt ang naalala ko. Dito nito ako dinala at binigyan ng surprise birthday party noon.
I shook it off right away.
Kailangan ko munang tanggalin sa aking isipan si Kurt, si Brad, at si Migs.
I checked-in at dumiretso sa aking room. Inilapag ko lang ang aking mga gamit at saka agad na lumabas rin ng kuwarto. Tanging dala ko at nakalagay sa bulsa ng aking shorts ay ang aking phone na hanggang ngayon ay naka-off.
Bago ko makalimutan ay dumaan muna ako sa front desk at tumawag kay Mommy para sabihin na nakarating na ako sa resort.
Napakaganda talaga ng islang ito. White ang sand dito at totoong napaka-asul ng dagat nito. It does live up to its name - Bluest. Dagdagan pa ng magandang pagkaka-design ng resort kung saan sa halip na beach benches ang nasa beach front nito ay mga masasarap higaan na four-poster beds with white curtains ang naroon.
Kaunti lang ang tao dito dahil pribado ang resort na ito para lamang sa mga guests kaya't tama ang lugar na ito sa mga gustong makapag-isa at makapag-isip.
Tinanggal at binitbit ko ang aking flip-flops at lumakad ako sa pagitan ng dulo ng mga alon at ng mga buhangin kung saan bahagyang nababasa ang aking mga paa.
Dire-diretso lamang akong naglakad kahit hindi ko alam kung saan ako patutungo.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita kong malayo-layo na rin ang aking nalakad. Napansin ko rin ang mga footprints ko sa buhanginan na unti-unti ring binubura ng alon ng dagat. Naiisip ko na sana ay ang mga footprints na iyon na lamang ang aking mga problema na puwede kong iwan at kusa na lang na mawawala sa pag-alon ng tubig. Ngunit hindi ito ganoon kadali.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Fiksi RemajaFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...