Chapter I- Do you still remember me?

23 2 0
                                    

Hi, kamusta ka na? natatandaan mo pa ba ako? Ako yung naka red mini dress. Yung kulot?😂 Isinayaw mo ako isang gabi ng dumalo ka sa sayawan sa kasal ng tita ko. Alam ko mahiyain ka nung gabi na yun kase kahit ako din hindi sanay sa mga ganung okasyon pero alam mo ba?- iniligtas mo ako nung gabi na yun🙂.

Ilang araw na lang at ikakasal na ang tita ko sa pinakamamahal nyang Fiance for 8 years. At isa iyon sa hindi ko malilimutang pangyayare sa aking buhay dahil umattend din ang buo naming pamilya haha as in buo, parang Reunion pa nga ang naganap. Dun ko ulit nakita yung mga kalaro/pinsan na ngayun eh sexy at gwapo na, kumbaga matured na sila. Ako yung tipo na spoiled-bunso ng pamilya palibhasa nag-iisa lang akong anak nila Mama and Papa.

"Ngayung kompleto na tayo muling nagkabuhay etong malaking bahay."- sabi ng aking tita na ikakasal sabay yakap saking Mama habang sinasalubong kami mula gate ng bahay. Sya kase ang bunso sa magkakapatid nila Mama sa kanya ipinamana ang malaking bahay ng Lolo at Lola bago pumanaw. Tuwing pasko o bagong taon na lang kami dito nakapag babakasyon minsan kapag hindi naman nakakapag christmas vacation pinapayagan naman sila Mama at Papa ng companya nila na mag summer vacation kagaya ngayon.
At sumapit na nga ang gabi, ang sayawan sa kasalan. Kung saan sasayaw ang ikakasal kasama ang mga napili nilang mga binata at dalaga mula sa side ng lalaki at babae.
Milenial narin kase tayo at yung mga ganitong okasyon ay minsan nakakahiya. Pero dahil mahal ko ang tita ko...napa payag nila ako. Dapat talaga kakain na lang ako sa kusina, mahilig din kasi ako magluto taga tikim ganon. Pero hindi, nakita ko na lang sarili ko na naka upo sa mga upuan kasama ang mga pinsan ko na babae. Mas matanda sila kaya kanya kanyang asar sa mga lalaki na nakakatapat namin. "Kilala nyo ba yung nasa dulo na kalbo yung prang nakapustiso? Sabi nila naghahanap daw talaga yun ng mapapangasawa dito sa kasal kaya kahit over-age na pilit parin syang sumali."
Para namang may age limit ang pwede dito sumayaw. Pinilit kong ipakalma ang sarili ko, inisip ko na lang isang gabi lng to. Sa mga susunod wla na hinding hindi na mauulit pa. Pero akoy biglang nagising mula sa pag de-day dream ng may kamay na naka abot saking harapan...Nang tingnan ko kung kaninong kamay yun sa kalbong lalaki nga na tinuturo ng mga pinsan ko. Paktay na.😨
Ngumiti na lang ako sa kanya sabay iwas ng tingin. Pinilit ko makipag usap ng senyasan mga pinsan ko na ayoko sumayaw pero hindi sya umaalis sa harapan ko.
Nag simula na ang tugtog at sayawan. Bigla syang nag salita...
"Ok lang ba isayaw ka?"
Sinabi ko na lang sa sarili ko kalma selp sayaw lang yan oh! Konting hakbang hakbang lng gewang gewang ganun tapos- tapos na uwian na hindi na yan babalik at di ako kakainin. Kaya pumayag nako at pumunta sa gitna... At humawak na sua saking mga bewang "Ack😱" parang may mga tumusok saking likuran. Napatingin aki saking mga pinsan na babae. Aba, pag sa kanila may mga hitsura ang sumasayaw bakit sakin...tsktsk
Pangit bako? Haha charot.

Masaya narin ako ng gabi na yun kasi kitang kita sa mukha ng mga KAMAG-ANAK ko na tuwang tuwa sila sa nangyare sakin lalo na yung mga kuya/pinsan ko pinipicturan pa nga ako ehh ganto talaga buhay. Very accommodating tayo eh.

At natapos na yung unang tugtog. May sinasabi sya sakin pero hindi ko maintindihan kasi sa mga kamag-anak ko ako naka focus.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To the Boy I met last summer,Where stories live. Discover now