Catastrophe ¤UK-I¤

14 0 0
                                    

Third Person°

Malayang nag lalaro sa labas ng bahay si Xaphere. Nilalaro niya ang kanyang laruang bola.

Habang ang kanyang ina naman ay nag luluto sa maliit nilang kusina.
Ang kanyang ama naman ay busy sa trabaho nito. Isang karpintero ang ama ni Xaphere.

Si Xaphere ay isang batang babae na nasa edad na 7.

Pero kahit na babae ay mas nakahiligan niya ang pag lalaro ng mga laruang panlalaki.

Katulad ng bola, baril barilan at iba pa.

Dalawa lang kasi silang anak ng mag asawa at parehas pang babae. Si Xaphere ang pinaka bata kaya naman itinatrato ito ng kanyang ama na parang lalaki.

Ang kapatid ni Xaphere na si Xamhere ay nakatira sa kanilang lola.

Habang nag lalaro si Xaphere ay may babaeng lumapit sa kanya. Isang babae na magara ang damit na suot.

Napatingala ang batang si Xaphere ng mapansin nito ang pag lapit ng babae.

Ngumiti agad ang bata rito, ganun din ang ginawa ng babae.

"Asan ang magulang mo?" - tanong nito sa bata.

Itinuro naman ni Xaphere ang kanyang ina.

"Nasa work po ang papa ko."-sabi pa nito.

Ngumti ang babae sa bibong pagsagot ng bata.

Inabutan nya ito ng pag kain.

"Akin nalang po ba ito?"- pag tatanong ng batang babae.

Hinawakan ng babae ang ulo ng bata at banayad na hinimas ito.

"Yes, baby girl."- pag kasabi noon ay tumalikod na ito. Nag lakad na palayo sa bata.

Kumaway naman ang bata sign ng pag papaalam.

Napansin naman iyon ng ina ni Xaphere kaya lumapit sa anak .

"Sino iyon Xah?"-pag tatanong ng kanyang ina sa anak.

Umiling lamang ang bata, muli namang nilingon ng ina ni Xaphere ang babae pero nakalayo na ito.

Niyaya na nya ang anak na pumasok na sa loob ng bahay upang makakain na nang panang halian.

Kaarawan ngayon ni Xaphere, nag handa ang kanyang mga magulang ng kaunting salo salo. Naroon ang mga kumare ng kanyang ina, kumpadre ng kanyang ama at mga anak nito na dumalo.

Masaya ang lahat, kumakain ng handa ang mga magulang naman ni Xaphere ay busy sa pag aasikaso ng mga bisita.

Sinindihan na ng ama ni Xaphere ang cake. Nagsimula na ang lahat sa pag kanta ng kantang pang kaarawan para nay Xaphere.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan at nagulantang na lamang ang lahat sa sunod sunod na putok ng baril.

Nagtakbuhan ang mga tao ngunit may mga lalaking nakaitim ang humaharang sa mga ito at kinukuha ang mgakabataan. Sa pagkabigla at takot agad na inintindi ng Ama ni Xaphere ang mag ina nya.

Ngunit di paman sila nakakapasok ng kanilang bahay ay napahandusay na sa sahig ang ama ni Xaphere.

Binaril ito sa harap mismo ng bata.

Napaluhod naman ang ina ni Xaphere habang yakap sya nito at umiiyak, nag mamakaawa sa lalaking may hawakna baril.

Nag pabaling baling ang mata ng bata sa kanyang amang nakahandusay at puno ng dugo at at sa kanyang inang umiiyak.

Mababakas ang pagkalito sa kanyang mata.

Napasigaw ang bata ng makarinig ng putok kasabay noon ang pag bagsak ng kanyang ina sa tabi ng kanyang ama.

Maraming dugo ang nasa sahig, marahil naunawaan ng bata na di maganda ang lagay ng kanyang magulang kung kayat napaiyak ito habang ginigising ang kanyang mga magulang.

Lumingon ang musmos sa lalaking pumatay sa kanyang magulang. Nakatitig lamang sya dito. Ang lalaki naman ay lumapitsa bata at agad syang binitbit.

Nag pupumiglas ang bata pero hindi iyon naging hadlang upang mabitawan sya ng lalaki.

Isinakay sya nito sa isang itim na van kasama ang mga iba pang bata na nakuha.

Tinurukan ng pampatulog ang mga batang walang kamuang muang upang di makagawa ng malakas na ingay.

*********

Ipinasok ang mga bata sa isang malawak na kwarto na may mga maliliit na kama. Umiiyak ang mga bata habang siksikan sa isang tabi.

Pumasok ang isang babae na may kulot na buhok, maikli na kulay itim.

"Quiet!" Sigaw ng babae dahilan upang mag si tigil sa pag iyak ang mga batang paslit.

Namumukhaan ito ni Xaphere, ito ang babaeng lumapit sa kanya noon.

"Simula ngayon, ito na ang tirahan nyo. Ako na ang inyong ituturing na ina. Lahat kayo makikinig sasasabihin ko. "- sigaw ulit nito at lumabas na ng silid na iyon.

Naiwan ang mga batang tahimik na umiiyak.

May isang batang babae ang nag salita.

"Wag na kayo matakot, Simula ngayon ako na ang ate nyo."-sabi nito.

Sya ay si Morphea, 9 na taong gulang ang pinaka matanda sa nadakip.

Nag salita din ang isang batang lalaki.

"Wag kayo mag alala di ko kayo pababayaan."-matapang nitong sabi.

"Ako na ang tatayong kuya sa inyo, sundin lang natin sila para di tayo masaktan."-sabi nito.

Siya si Hero, 8 taong gulang.

"Ako si Morphea, ate Mor nalang itawag nyo sakin"- Saad ni Mor.

"Ako naman si Hero, kuya nalang "-sabi ni Hero.

"Kayo ano bang mga pangalan nyo?"-tanong nila sa 5 pang batang kasama nila.

"Ako po si Miret 6 years old po."- pakilala ng batang nakadress na may blonde na buhok.

"I am Jedrian Froche, call me Jed, I am 7 years old."- sabi nang batang lalaki na halatang anak mayaman.

"Naiintindihan mo ba kami?"-tanong ni Mor dito.

"Yes but I can't speak tagalog."- Jed said.

Tumango si Mor at nilingon pa ang sunod na mag papakilala.

"Ako po si Felise, 5 years old po ako"- pakilala ng pinaka batang babae.

"I am Jynx, 7 years old." Cold na sabi ng batang lalaki habang nakatungo.

Sunod naman na binalingan nila ang huling mag papakilala.

"Ako po si Xaphere, 7 years old po."-sabi nito.

Matapos makilala ay iniayos ni Mor ang bawat bata at binigyan ito ng kanya kanyang kama na simula ngayon ay tutulugan.

Alam nya na kahit bata din sya ay responsibilidad nya ang iba pang bata, mabuti nalang at makakatuwang sya si Hero.

Hindi nila batid kung ano ba ang rason bakit sila dinakip ng mga kumuha sa kanila pero alam nila na wala na silang kawala pa sa mga ito.

Dahil sa malaking trahedya na nangyaring ito. Nag simula ang hirap sa buhay ng pitong batang walang kamuang muang.

********

@CreatorPen

Unbeatable KnackWhere stories live. Discover now