Town of Beginnings "Bloody desert"
Okay? That was one weird town.
Kakaiba ang nasa isip ko sa town na to na parang hindi naman talaga town.
Habang nililibot ko ang paningin ko ay napagtanto kong underdeveloped ang town na to, ang una kong napansin ay gawa lamang sa bunggalo o malaking tent house na merchant shop ata at iilang mga sementadong bahay ang ilan sa mga bahay pero masasabi mong komportable tirhan.
Sinimulan kong maglakad at libutin ang town at napansin kong karamihan sa mga tao rito ay payak lamang ang pamumuhay pero di masasabing mahirap dahil malulusog at malinis tignan ang mga mamamayan dito.
Naisip ko pano ang security ng town na to sa mga monster o invasion dahil parang kulang sa saguridad, tanging ilang rumorondang gwardya lamang ang nakikita ko na nasa level 100.
Siguro sapat na level na yon kung susumahin sa mga mobs(Monster) na nagtatangkan pumasok sa town.Teka nga, makahanap nga muna merchant o armory shop at wala pa ko kahit basic equipment, masyado nanaman akong nalilibang eh.
Matapos ang ilang minutong paghahanap.Merlo Blacksmith shop
I guess meron naman siguro ditong mabibili na basic equipment. Wala pa naman akong desire class.
Speaking of.. May mga character class kaya sa LLO? Well, soon enough masasagot rin yon lalo pa't kakaumpisa lang ng laro.
Pumasok na ko sa shop, isa ito sa building dahil narin sa pagiging blacksmith shop at sakto namang may matandang nag-aayos ng gamit o paninda sa naturang shop, tingin ko'y nasa 30+ ang edad ng naturang npc.
Agad akong lumapit upang makausap ang npc.
"Magandang araw ginoo." agad naman akong hinarap nito.
"Adventurer, anong maipaglilingkod ko?" tugon nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Nakakailang dahil tanging boxer short lamang ang suot ko.
Pero kailangan kong maging magalang at umakto ng nararapat para sa pagbibuild ng affinity sa npc."Nais ko po sanang bumili ng basic equipment kay ginoong Merlo."
"Ah ganon ba, Ako si Merlo ang blacksmith at may-ari ng shop na ito.
Ano ba iyong hanap?" kasabay ng pagpapakilala nya ay syang paglabas ng virtual text ng pangalan nya na nakalutang sa itaas ng ulo nya.
"Nais ko pong bumili ng armor at weapon." Tugon ko rito.
"Okay, got it! Basic equipment ba kamo, maari kang tumingin sa mga blade at katana dyan sa open barrel, meron ring daggers sa ilan sa mga baul dyan, marami ring basic bow na naka-hang sa pader, at sa greatswords naman ay may special circumstances dahil sa bigat at laki na syang pwede lang magamit ng level 3-5. At sa armor naman ay meron ditong Armor set at Battle set" mahabang litanya ni Blacksmith Merlo at kasabay nito ang paglabas ng virtual screen na nagpapakita ng dalawang klase ng armor.
"Salamat Blacksmith Merlo."
Agad kong tinuon ang pansin sa vs.
Dahil ayoko ng masyadong mabigat na suot sa ngayon dahil narin sa basic stats ko as level 1 user at mahalaga sakin ang utility at movements.
Di ko na pinansin ang Armor set kaya chineck ko ang options ng Battle set.
Battle armor set
*Required level 1
+10 Basic attack
+20 Deffense-A set armor that blacksmith Merlo mass produce.
Pwede pwede, ayos na muna to para sa pangunahing equipment.
BINABASA MO ANG
Lifeline Online: New World Order
Science FictionIsang makabagong mundo sa loob ng isang laro. Birtwal na mundo na syang magbabago sa reyalidad mo. New era, New life start, New journey. . . New world And... a NEW WORLD ORDER.