Chapter 3

34 4 0
                                    

"After some time you learn the difference, the subtle difference between holding a hand and chaining a soul."-William Shakespeare

~x~
#3: Eros meets Arianne

"Oh Eros anak. Kamusta ang trabaho?"

"Nakakapagod po"

Uminom naman ako ng tubig bago pumunta sa kwarto ko.

Natapos ko na ang lahat ng mga itinakda maliban dun sa panghuli. Hindi ko parin maintindihan kung bakit walang nakasulat na lalaking nakatakda para sa kanya. Sa ilang dekada ko nang pagtatrabaho ngayon lang nangyari ang ganito. Lagi namang may nakasulat na kapares yung isa pa.

Ang malas naman. Malapit na sana eh. Makakapagbakasyon na sana ako. Panira naman tong panghuli oh.

"May problema ba?"

"Ah wala po ma. May malfunction lang siguro na nangyari"

"Malfunction sa alin?"

"Yung huli po kasi sa listahan ko eh walang nakasulat na itinakda para sa kanya"

Pinakita ko naman sa kanya ang notebook ko. Nalagyan ko na ng check yung iba maliban sa pangalan nya.

"Kausapin mo nalang si Haring Zeus bukas. Sa ngayon, magpahinga ka muna"

~

*tok tok*

"Tuloy"

"Magandang umaga po mahal na hari"

"Anong maipaglilingkod ko?"

"Gusto ko lang po sanang itanong kung bakit walang nakasulat na itinakda para dun sa huling taong tutulungan ko"

Ibinaba naman nya ang tsaa nya at hinarap ako.

"Yan ang magiging misyon mo"

"Misyon?"

"Ang hanapin ang lalaking itinakda para sa kanya"

"Pano ko po gagawin yon?"

Hindi nya sinagot ang tanong ko at naglaho sya ng parang bula.

Pambihira naman.

~

Lumabas ako ng kaharian para pumunta sa mundo ng mga tao. Nagbalat kayo akong normal na tao at binaybay ang mahabang kalsada ng EDSA. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing bumababa ako ay dito ako napupunta. Humahaba pa tuloy ang paghahanap ko sa mga taong nasa listahan.

Hindi listahan ng mga taong mamamatay na. Yung listahan ng mga taong itinakda para sa isa't isa.

Kinuha ko naman ang isang bulaklak mula sa sumbrero ng isang ginang at pumitas ng isang petal. Hinagis ko ito sa ere at hinayaang tangayin ng hangin.

"Sana naman epektibo parin to"

Sinundan ko ang bulaklak hanggang sa tumigil ito sa isang bintana. May kataasan ang bintana dahil nasa ikalawang palapag ito ng bahay.

"Pano ko naman to aakyatin? Hays pambihira"

Pinagpatong patong ko naman ang mga baldeng nakita ko. Kahit uuga uga ay natulungan naman ako nitong makaakyat.

"Sino ka?! Magnanakaw ka noh?!"

"Teka hindi! Hindi ako magnan—"

"Magnanakaw! Mama! May magnanakaw!"

Binato naman nya ako ng unan at kung ano ano pang gamit.

"Umalis ka! Wala kang mananakaw dito! Mahirap lang kami!"

"Hindi nga sabi ako magnanakaw!"

"Hindi ako naniniwala sayo!"

Pinagbabato naman nya ako ng mga walang lamang bote.

Arianne's POV

Napalingon naman ako sa bintana ko nang makita ko ang isang lalaking nahihirapan sa pag-akyat.

"Sino ka?! Magnanakaw ka noh?!"

"Teka hindi! Hindi ako magnan—"

"Magnanakaw! Mama! May magnanakaw!"

Binato ko sa kanya ang mga unan ko. Pero mukhang walang epekto.

"Umalis ka! Wala kang mananakaw dito! Mahirap lang kami!"

"Hindi nga sabi ako magnanakaw!"

"Hindi ako naniniwala sayo!"

Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si mama.

"Bakit ka sumisigaw?! Asan ang magnanakaw?!"

Itinuro ko naman ang bintana pero wala na yung lalaki.

"Andito lang sya kanina!"

"Reigh naman! Iniwan ko pa yung niluluto ko para sa wala"

"Andito lang yon!", nilabas ko naman ang ulo ko sa bintana pero wala akong nakitang ni isang tao.

"Hay nako Reighlexis. Guni guni mo lang yan. Kakanood mo yan ng mga action movie eh"

Umalis na sya at isinara ang pinto.

"Pero andit—ahh!"

Nagulat naman ako nang makita ko sya sa likod ng pintuan.

"Wag kanang sumigaw pakiusap"

"Sino ka?!", akmang lalapit sya sakin pero pinigilan ko sya.

"Wag kang lalapit! Di kita kilala!"

"Ibaba mo muna yang hawak mo na patalim"

Ibinaba ko naman ang ballpen ko.

"Ako si Eros"

"Anong kailangan mo sakin?"

"May misyon ako"

"Anong misyon mo? Ang nakawan ang bahay namin? Sinabi ko na sayo, wala kang mananakaw dito. Mahirap lang kami. Madami kaming binabayarang bill at utang."

Mahina naman syang tumawa at huminga ng malalim.

Problema nito?

"Isa akong anghel"

"Pinagsasabi mo?"

"Ayaw mong maniwala?"

"Hindi nakikita ang mga anghel tsaka wala kang pakpak."

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon may pakpak ang mga anghel"

"Malay ko sayo. Wag ka na ngang magsinungaling. Sino kaba talaga? Anong ginagawa mo dito?"

"Isa nga akong anghel"

"Patunayan mo"

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon