UNDER THE PAYONG ☔

1 0 0
                                    

One Shot #2: Under The Payong
Freezing🔥Hot❄

--------------------------

"Baby we need to talk."

Hinawakan ni Jessa ang kamay ng kasintahang si Anthony. Hindi naman ito kumibo.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?"

Sabat nito nang walang kaemosyon-emosyon.

"Tungkol sa atin."

Halos maiiyak na si Jessa sa pagtrato ng kasintahan nya sa kanya. Masakit. Yan ang nararamdaman nya ngayon. At pagsisi. Sising sisi sya sa lahat.

Dumiretso sa pag alis ang lalaki pero sinundan nya ito. Kailangan nyang makausap si Anthony para makahingi ulit ng patawad.

Flashback

Madilim na ang kalangitan. Halatang nagagalak na ang binata sa kanyang gagawin mamayang alas sais ng gabi. Balak nyang sorpresahin ang kasintahan dahil dalawang taon na sila sa araw na iyon.

"Baby? Puntahan kita sa inyo?"

"Huh? Bakit? Bawal, magagalit si mama."

"Paanong bawal eh ilang beses na ko nakapunta sa bahay nyo. Hindi naman nagagalit si Tita ah."

"Ah basta wag muna ngayon. --err baby"

*toot toot*

Labis na nagtataka ang binata sa inaasta ng kasintahan nya. Naisip nya na baka may sorpresa rin ito sa kanya kaya sya gumaganun.

Pumunta sya sa bahay ng girlfriend nya, bitbit ang isang cake na may nakasulat na 'Happy 2nd Anniversary Baby' at tatlong balloons na kulay pink dahil paboritong kulay iyon ng kanyang kasintahan.

Pumasok sya sa loob ng bahay ng kanyang girlfriend dahil kilala naman sya at pinapasok agad. Ngunit nadismaya sya sapagkat sabi ng ina ng kasintahan nya ay hindi pa daw ito nakakauwi.

Under The Payong ☔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon