I DIALED A WRONG NUMBER

51 3 2
                                    

BABALA‼️

Kung matatakutin ka,umalis ka!

Read at your own risk.

HANDA KA NA BA?

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

I am currently watching my favorite horror movie in our living area—until I heard a noise.

Saan nagmumula iyon?'Eh tulog na silang lahat.

P-paanong may umiiyak ng ganitong oras?

Pinakinggan kong mabuti ang iyak ng isang babae—Alam ko na! Sa taas ito nagmumula.

Dali-dali akong umakyat sa taas at palakas ng palakas ang iyak ng babae.Nandito ako sa tapat ng room ng mom ko.I opened the door—

It's her,I saw my mom crying.

Siya lang pala,masyado akong nagiging paranoid dahil sa pinapanood kong mga horror movies.

"Mom why are you crying?"I asked her.

Nagtataka lang ako dahil madaling araw na.Ngayon ko lang nakitang umiyak si mom.

"Y-your G-grandma,S-she's D-dead"Umiiyak niyang sabi dahilan kung bakit siya nauutal.

I hugged her tightly.

"B-bukas,U-uwi tayo p-robinsya"Dagdag pa niya.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Kararating lang namin dito sa lumang bahay ni lola.

"Pumasok na kayo sa loob doon siya nakaburol"Sabi ng tita ko.

Dito siya nakaburol.Marami na ring tao—Halos puro kamag-anak namin.

"Andito na pala kayo Amanda,mabuti't nakarating kayo agad"Salubong pa ng isa kong tita kay Mom.

Lumapit ako sa puting parihabang kahon para tignan si lola.Pinagmamasdan ko siya mula sa kaniyang kabaong.May luha siya sa kaniyang mata,Tila hindi siya masaya.

Sabi nila kapag lumuluha ang isang patay ay hindi ito masaya o kaya naman may hinihintay itong tao para dalawin siya.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Huling araw ng lamay ni lola.

Dumating ang isa pang kapatid ni Mom—Ngayon ay kumpleto na ang pamilya.

Tinignan kong muli si lola.Wala na ang mga luha sa kaniyang mata.Marahil ay masaya na siya sapagkat kumpleto na ang aming pamilya.

"Ate dianne,Come with me to Grandma's room pleasee"Akit ni elise.

Dito siya lumaki sa bahay ni lola kaya alam niya ang bawat sulok nito.

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay bumungad sa akin ang mga antigong gamit ni lola.

"A-anong G-gawin natin dito?"Taka kong tanong.

"Wala,dalawin lang natin si lola baka nandito siya"

Kinilabutan ako sa sinabi niya.Wag naman sana.Hindi ko nalang siya pinansin,marahil ay hindi niya pa lubusang batid ang kaniyang sinasabi—Bata pa lamang kase.

Isa-isa ko nalang tinignan ang mga lumang gamit dito ngunit—

Napukaw ang aking atensyon sa isang telepono—Makalumang telepono.

"Gumagana pa ba ito?"Tanong ko kay Elise.

"Ay opo ate,lagi nga pong may katawagan diyan si lola"Sagot niya na ikinamangha ko—pero medyo creepy ha.

Sa matagal na panahong lumipas ay gumagana pa rin ito—Ang cool!

"Akin nalang ha,wag kang maingay Elise"Tumango naman siya.

Lumabas na kami at dala-dala ko ang telepono.Itinago ko agad ito sa bag ko.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Araw ng libing ni lola.

Naririto kami sa sementeryo,maraming naki-simpatya—Maraming nakiramay.

Nakasuot ng puti ang lahat.

Bago tuluyang ipasok ang parihabang kahon ay tinawid muna ang mga batang apo ni lola sa ibabaw nito.Para raw maisama ang mga sakit ng bata sa hukay nito.

Nang matapos ay muli kong sinulyapan si lola.Bumulong ako sa kaniya dahil isa rin itong pamahiin.Humiling ako sa kaniya na sana walang magkasakit sa amin at parating malusog.

Nang tuluyan ng mailibing sa hukay si lola ay umuwi na rin kami ngunit—

"Iha alam kong may kinuha kang bagay na pagmamay-ari ng lola mo.Hindi mo dapat ginawa yun"Isang matandang babae ang pumigil sa akin sa paglalakad.

"W-what are y-you t-talking about?"Pagkukunwari ko.

"Pagsisihan mo.Pagsisihan mo iha!"Kinilabutan ako sa sinabi niya.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ngunit muli kong nilingon ang matanda—Ang sama ng titig nito sa akin.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Nakauwi na kami sa bahay.

Nag-palit kami ng damit at naghugas ng kamay—Naniniwala kase kami sa pamahiin.

Pagkatapos ay umakyat na kami sa kani-kaniyang kwarto.

Natulog na rin silang lahat.

Ako?Ito gising na naman.

Nagugutom ako,Gusto ko ng Jollibee.Ang lakas din ng amats ko—Madaling araw na.

Alam ko na!Subukan ko kayang gamitin yung lumang telepono ni lola?

Kinuha ko ito mula sa bag ko,pinagmasdan ko muna ito.Ang angaz niya talaga.

Sinimulan ko itong pihitin paikot sa numerong #8-7000

Kringg!kring!!

Gumagana nga.

Hindi talaga ako marunong gumamit nito pero subok lang ako ng subok.

Sinagot na ito ng kabilang linya.

"H-hello po,pwede po bang maka-order ng isang spagh—"Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla itong nag-salita

"P-pagsisihan mo.Pagsisihan mo ito iha"Sagot ng nasa kabilang linya.

Malaki ang kaniyang boses.Kinilabutan ako at nagsitaasan ang aking mga balahibo.

"A-anong s-sinasabi m-mo?"Tanong ko.

"Pagsisishan mo ito"Sagot niya.

Sa sobrang takot ay naibaba ko ang telepono.

Baka wrong number lang o kaya nangp-prank. Walang magawa sa buhay.

Ipinihit kong muli ito ng paikot sa numerong #8-7000.

"H-hello po,Can I order one piece of chicken and spagh—"Di ko na naman natapos ang sasabihin ko nang bigla itong sumagot.

"Hindi mo dapat kinuha,pagsisihan mo ito"Siya na naman.Ang laki ng boses niya.

P-pareho s-sila nang sinasabi ng matanda.

"S-sino k-ka?M-magpakilala ka hindi ako natatakot sayo!"Pasigaw kong sagot sa kabilang linya.

"Hindi mo na ba ako nakikilala?Nakalimutan mo na ba ako?"Tanong nang nasa kabilang linya.

Hindi kaya siya yung matandang babae kanina?Pero bakit ang laki ng boses?

"H-Hindi kita kilala"Sagot ko.

Bumuntong hininga siya ng malalim bago sumagot.

"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka"





I DIALED  A WRONG NUMBERWhere stories live. Discover now