PICKY 47: I Missed You

126 3 0
                                    

KAITEY

     NAPAPATINGIN na samin ang mga tao habang nasa gilid kami ng kalsada at naghihintay ng taxi. Nagtataka siguro sila kung bakit buhat-buhat ako ni Kev. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango na masarap sa ilong. Pinigilan ko ang sariling singhutin siya. Napakapit lalo ako sa kanyang leeg ng maglakad na siya dahil may pumara na namang taxi.

"Buksan mo yung pinto"
Utos niya sakin. Mabilis ko namang nilingon ang taxi at nahihirapang binuksan ang pinto sa backseat. Dahan-dahang pumasok naman si Kev at pinunta pa ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog. Napangiti naman ako ng lihim. Sinarado niya na ang pinto at nagulat ako nung sinabi niya ang address ng tinutuluyan niyang condo. Gusto ko na sanang umalis sa pagkaka-kandung sa kanya kasi nakaupo na naman kami pero mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Kaya nahapit lalo ako papalapit sa kanya. Omg! Ramdam kona ang hininga niya sa may bandang tainga ko kaya nilingon ko na siya.

Omg! Sana pala hindi nalang ako lumingon. Ilang inch nalang kasi ang pagitan ng mga labi namin. Holy cow. Deritsong nakatingin sakin ang nakalalasing niyang mga mata.
I gulped. Patuloy parin ang pagwawala ng puso ko. Mabilis na napaiwas ako ng tingin ng bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Omg!
Bakit ba ganito?! Bakit parang ang bagal naman ata ng usad ng taxi na 'to? at parang kanina pa kami nakasakay.

"Tsk"
Rinig kong singhal niya. Waaah! Kaitey wag kanang lumingon.

Nanigas ako ng maramdaman ang pagpatong niya ng kanyang mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Na nagpapatindig ng balahibo ko. Omg! What's happening? Bakit parang mas lumala ata ang epekto niya sakin kahit nagkahiwalay kami ng ilang buwan?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Malalim ang boses na bulong niya sa tainga ko. Kaya napalingon na ako sa kanya. Sumalubong sakin ang matatalim niyang mata. Omg! Why is he like this?! Pakeramdam ko parang may nag-iba talaga kay Kevin.

"Ha?"
Yun nalang ang nasabi ko.

"Binabaliw mo ako"
Napatunganga naman ako sa kanya.

"A-ano?"
Binabaliw? I don't understand what he is saying.

Sakto naman ang pagtigil ng taxi at ang pag announce ng driver na nandito na kami. Nagbayad na si Kev. Napahawak uli ako sa kanyang leeg ng lumabas na kami ng taxi. Buhat-buhat niya parin ako at mahigpit ang pagkakahawak niya sakin na parang babasagin akong bagay na dapat ingatan.

Deritso lang ang tingin niya sa dinadaanan. Hindi na nagpa log in ang guard at mukhang kilala na siya nito. Nagtataka pang sinundan kami nito ng tingin sabay iling. Napayuko nalang ako habang namumula ang pisngi.
Napatitig naman ako kay Kev. Omg that visual. Tumigil ako sa kakatitig sa kanya ng makasakay na kami ng lift.

"Ah, p-pwede na naman muna akong bumaba"

"Wag na, parang wala naman akong binubuhat eh" sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi naman siya umimik at napatitig na naman sakin. Aaaack! Enebe! Napaiwas nalang ako ng tingin. Bumukas na ang lift at deri-deritso na siyang naglakad papunta sa unit niya. Mabilis na napindot na niya ang passcode at sinipa ang pinto para mabuksan.

Mukhang bagong linis itong condo niya. Dahan-dahang inilapag naman niya ako paupo sa sofa. Napakagat nalang ako ng labi.

"Dito kalang, magbibihis lang ako"
Sabi niya at nagtungo na sa kanyang kwartu.
Napatakip ako ng aking mukha at impit na napatili. Omg! Kailangan ko talagang itreat si Almira. Malaki talagang tulong ang ginawa niya. Pinagsisisihan ko talaga na pinag-isipan ko siya ng masama. Magpinsan lang pala sila.
Tinignan ko pa ang mukha ko saking phone.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon