Ikatlong Patak

157 73 13
                                    

Dalawang linggo mula ng isama ako ni Mam Alisa sa kanila. Tulala akong nakabulagta sa bago kong kama at nakatitig sa kulay cream and black lining na kisame.

May naririnig akong mumunting tunog ng gitara mula sa terrace. It's a familiar sound of a slow sad song. Humihinto paminsan-minsan. Wari ay bago pa lamang kinakabisa ang pyesa.

I know it's Kuya Alonzo. Madalas siyang tumambay sa terrace. Another little thing I learned from him is that, he likes playing guitar. He likes strumming old songs.

And this morning is no exception.

In two weeks, I'm starting to appreciate the little things he's doing for me. He's still the silent, grumpy and snob that I knew, but he is kind.

He respects my silence. Maayos ang trato niya sa akin at hindi  siya malupit.

Hindi man kami madalas na nagkakaroon ng interaction sa bahay nila pero masasabi kong hindi na ako gaanong naiilang sa kanya unlike two weeks ago.

Our interactions have improved in time.

As for me, hindi parin umaayos ang pakiramdam ko. Sa paglipas ng mga araw, ang pakiramdam ko, mas lalo akong nahuhulog at nakukulong sa labis na pangungulila at kalungkutan.

Wala paring oras na hindi ako umiiyak, lalo na kapag gabi at umuulan sa labas.

Iba ang lungkot na nadarama ko kapag naulan. Si lola kase ang lagi kong natatandaan. Yung mga kwento niya, pag aalaga niya, at yung bahay namin.

Sabi nga ni Mam Alisa, kapag binibisita niya ako sa kwartong binigay niya sa akin bago matulog sa gabi o kapag nagkukulong ako. Ayos lang daw na umiyak at malungkot. Wag daw akong matakot na maglabas ng sama ng loob. Part daw yun ng paghihilom. I need to mourn in order to be fine.

Madalas niya ding sabihin, na magiging ayos daw ulit ako. Kailangan ko lang maging matiyaga sa proseso.

She's always been attentive to me. She always checked me out at night. Apat na beses sa loob ng ilang linggo na pag stay ko sa puder niya, lagi niya akong niyayakap habang natutulog.

Nabaliw na siguro ako kung wala siya sa tabi ko para umalalay.

I may have lost a grandmother but I gained a mother and a brother. Sadyang may sariling paraan ang Panginoon kung paano tayo tutulungang tumayo at bumagon.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni muni ng bumukas ang pinto at dumungaw si Samantha.

"You're awake. Bumaba kana daw sabi ni Tita. Kakain na daw tayo, tsk!" Maarte niya akong dinungaw at palihim na inirapan.

Napatingin ako sa kanya. Unang tapak ko pa lang sa pamamahay nila. Ramdam ko na ayaw niya sa presensya ko. Hindi ko malilimutan ang parehong irap na iginawad niya sa akin ngayon at noong una kaming magkita.

Sam or Samantha Claire Macaoilli, is my ninang's step-daughter. Anak sa una nang ikalawa niyang asawa. She's my schoolmate, ahead nga lang nang dalawang taon sa akin. I know her as someone you don't want to be friends with. Lagi nitong nilalait si Belat na negra, kami palang dalawa. Mas madalas nga lang sa besfriend ko na saksakan nang kaputian. Ngayon, ako naman ang pasimple niyang binabanatan.

Tumango ako sa kanya. "Susunod na ako." Sinabayan ko na din ng pagtayo para patunayan ang sinabi ko.

"Aba! Dapat lang! 'Pag ako nautusan na naman ni tita na akyatin ka ulit sa lungga mo, sinasabi ko sa 'yo!" mahina ngunit mariin niya sa aking banta bago sinara ang pintuan at nagdadabog na bumaba.

I sighed and looked around the four corners of my new room. Comfortable single bed, cream with black lining walls, light brown floor-length curtains, a tall plastic cabinet, and study table.

A Rain In My Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon