"Beshie bakit hindi ka pa naka-swimsuit?", tanong sa'kin ni aira
"Suot ko na sa panloob mamaya tatanggalin ko din 'tong dress ko", sabi ko sakaniya
"Pero impernes ang hot mo diyan sa damit mo", pambobola niya
"Nako po may kailangan nanaman to", sabay taray sakaniya
"Edi hindi na!", tumaray din siya at tinignan ko sa salamin ang suot ko.
Nag-mana ako kay mama sa skin color ko, maputi ako at balbon.Pero hindi naman ito pangit tignan at madami pa ngang nagsasabi na iyon daw ang pinakamaganda sa'kin.
Pinalabas na kami ng adviser namin dahil pwede na daw kami mag-enjoy sa beach.
Lumabas na kami ni aira at lahat ng mga estudyante ay nagpipicture kung saan saan at naiinggit si aira kaya ako ang ginawa niyang photographer niya.
"Wow ah sosyal ka girl?", tanong ko sakaniya kasi may pa taas taas pa siya ng kamay at nagpopose pa ng candid
"Napakaganda pala talaga dito sa boracay beshie", sabi ni aira
Nag-latag kami ni aira ng kumot para dun kami hihiga mamaya at dito din namin nilagay ang mga gamit namin
"Tara na beshie", aya niya sa'kin
Nakita ko si drake at cassandra na mag-kasama at papunta na din para mag-swimming. Naka one piece swimsuit siya at naka-topless naman si drake.
Ang saya nilang tignan.
"Hoy! ", pagkasigaw ni aira ay natauhan ako bigla at tumawa nalang.
Tinanggal ko na ang dress ko at lumaki ang mata ni aira.
"Oh my gulay! napakaganda mo beshie!!!", sigaw ni aira kaya ang ibang mga estudyante ay napa-tingin din sa'kin.
Nahiya ako bigla dahil lahat sila nakatingin sa'kin at nakita ko ding nakatingin sa'kin sila drake pero hinayaan ko nalang.
"Ang ganda mo portia"
"Wow ang sexy"
"Ang puti mo grabe"
Ang dami kong naririnig sa paligid ko kaya mas lalo akong nahiya.Pero dahil andito na ako confident akong nag-lakad ganun na din si aira.
Inisip ko nalang na wala kaming ibang kasama.Naka two piece swimsuit ako kaya kitang kita yung shape ng katawan ko.
Palagi din kasi akong nasali sa pageant noon kaya alagang alaga ang katawan ko.At dahil nga mana ako sa mama ko maputi talaga ako.
Nag-swimming na kami ni aira at napapansin ko pa ding pinagtitinginan kami, tinignan ko ang swimsuit ko at bumababa na pala ang bra ko kaya inangat ko ito agad.
"Beshie ingat ah dami palang manyak na estudyante sa campus natin", paalala ni aira
Tumango nalang ako at nag-aya ang iba naming kaklase na mag-volleyball daw kaya sumali kami ni aira.
Naunang umahon si aira at aahon na din sana ako nang biglang humarang si drake.
"Portia naka ganiyan ka, wag kang sumali", utos niya sa'kin
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at natawa sa sinabi niya
"Ano naman sayo yon drake?",tanong ko
"Kaibigan din kita portia at bilang lalaki nag-aalala ako sayo dahil pinagtitinginan ka ng ibang mga lalaki", sambit niya
"Grabe dapat na ba kitang bigyan ng reward niyan?", sarcastic kong sinabi
"Ayoko lang na nababastos ka,minsan ko ding pinangakuan ang magulang mong aalagaan kita", seryoso niyang sinabi
"Wala ng namamagitan sa atin drake kaya wag kang umastang meron pa", umalis na ako sa harap niya
Naluluha pa din ako habang iniisip ang sinabi niya, bakit kailangan niya pang ipaalala iyon.
Nag-paalam muna ako kay aira na hindi ako sasali at pupunta muna ako sa kubo at mag-oorder ng inumin.
Nag-punas muna ako ng katawan at sinuot ulit ang dress ko.
Dumiretso na ako sa kubo at malayo palang natatanaw ko na si estevan at tatakbo na sana ako pero nakita kong katabi niya yung babaeng kasabay niyang pumasok ng bus kaya nag-lakad nalang ako ng normal.
Hindi ko siya pinansin kasi nahihiya ako baka girlfriend niya ang katabi niya. Nag-order nalang ako at umupo na muna sa bakanteng area.
Habang nakatingin ako sa ulap ay biglang may lumapit sa akin
"Hi", bati sa'kin ng lalaking hindi pamilyar ang mukha.Hindi siya mukhang estudyante dahil mukha na siyang matanda
Nginitian ko nalang siya at tumayo dahil ayokong makipag-usap sakaniya.
Bigla siyang tumakbo sa harap ko
"Sungit mo naman,tara langoy tayo", aya niya sa'kin
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Sorry ah pero hindi ako sumasama sa kahit na sinong hindi ko kilala", mataray kong sinabi
Hinawakan niya ako sa braso at bigla ko siyang natapunan sa tshirt niya
"Tignan mo ginawa mo!", sigaw niya sa'kin
Ang kapal din pala ng mukha nito para sigawan ako, siya naman ang may kasalanan kung bakit siya natapunan ng iniinom ko.
"Ano? wala kang gagawin!? punasan mo to!", utos niya sa'kin
Nangangatog na ako sa inis at isa pang sigaw niya ay masasampal ko na siya.
Hahatakin niya sana ako sa braso nang biglang may sumapak sa lalaking kaharap ko. Nagulat ako bigla at pagkalingon ko ay nandito na si estevan
"Gago ka ah!",sigaw ng lalaki habang iniinda ang pagkasapak sa pisnge niya
"Umalis ka na dito kung ayaw mong maka-tikim pa ng isa sa kabila mong pisnge", seryosong sinabi ni estevan
Aamba pa sana ng sapak ang lalaki pero nakita niya ang isa sa mga teacher ko na papalapit sa amin kaya agad siyang tumakbo.
"Bartolome anong nangyayare dito?", tanong niya
"Binastos po si portia ng lalaking iyon", sambit ni estevan
"Aba tarantado yun ha,wag kayo mag-alala hahanapin namin yan mamaya.Pag may lumapit uli sayo bartolome tumakbo ka na or wag ka na makikipag usap ha", utos ni sir
"Opo", sagot ko
Umalis na agad ang teacher ko at kaming dalawa nalang ni estevan ang natira
"Salamat", matipid kong sinabi dahil nakita ko ang babaeng kasama niya na papalapit sa amin
Hindi pa siya nakakapagsalita ay umalis na din ako agad dahil ayokong makaistorbo ako. Nakakahiya nasira ko pa ata ang moment nila.
Nakita ko si aira na nag-eenjoy mag volleyball kaya bumalik nalang ako sa kwarto namin.
Pagka pasok ko ay tumambad sa'kin si cassandra na umiiyak.
Anong nangyare sakaniya? at bakit siya nag-iisa dito samantalang nakita ko sila ni drake kanina na magkasama?
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...