One-shot
I hope you like itt❤
______________________________________
Still adoring you my love
“Jeanna! Anuna! Malalate na tayooo!” sigaw ni Chloe sa malayo habang kinakawayan ako.
Wag kayong mag alala ako lang to na may gusto sa taong hindi naman ako gusto, tanga mang pakingan pero ganto pala no?kapag sya lang, sya lang talaga wala nang iba yung tipong kahit na may mga lalaki pang maghubad sa harap mo sya padin ang nakikita ng mga mata mo, yung tipong may ost na pang kdrama at may mga pa laglag effect na mga dahon at bulaklak.
“hayyy nakoo alam mo ghorll kung dimo sya matiis na hindi makita aba edi isama mo papunta sa next class natin jusko latee natayo patay nanaman tayo nito kay miss.” diko namalayan nakalapit napala si chloe at niyuyugyog ako.
“Oo etoo naaa! Wahhh ang gwapo nya talag no?haysss.”sabi ko habang hinahabol sya ng tingin. Hinatak ako ni chloe, pero laking pasalamat ko din dahil naiwasan ko agad makita ang masakit na parte ng paghanga at pagmamahal ko sakanya.
“diko alam sayo kung bakit nag papaka martyr kapaden dyan kay Yuuki ehhh alam mo nanamang may girlfriend na!” sabi ni chloe, eto nanaman po syaaa sermon is coming lagi nalang ganto hayss. Dibale nang masaktan ako na makita ko syang kasama ng ibang babae basta wala ehhh gusto ko sya di nga ehh mahal ko ehhh.
“Biruin mo jeanna Since grade school?! Whattt grabee ako nga naka ilang crush nanun ehhh pero ikaw sobrang loyal.” sabi nya sakin, tama sya since grade school pa ngayon college naako sya padin. Kung tatanungin ako kung gaano ako ka obbessed sakanya. Lagi ko syang sinusundan kasi ayaw kong malayo sakanya, kaya nga nandito ako same school kami lagi kahit na sobrang mahal dito sa university sinikap ko na pumasok dito para lang masilayan sya. Paano ako nakapasok dito? Buti nalang kasi may inalok nila ako ng scholar kaya diko na sinayang ang pag kakataon, sinikap ko na makapasok.
“Biruin mo sino ba namang mag kakagusto ng ganang katagal ha?nako nako ehh andami namang nanliligaw sayo ehhh kung ako nga nag kataon na lalaki ehh liligawan kita ehhh.” sabi nya sabay tawa. Nako nako lagi nya tong sinasabi ehhh haysss hahahaha.
Pumasok nakami sa class namin at wala namang bago sya padin ang nasa isip ko walang pumapasok sa tinuturo ni miss hayssss. Hirap pala nang ganto. Natapos na ang class namin at oras na ng uwian.
Okayy hahaha last na silay nalang at buo na ang araw koo. Nag lalakad ako ngayon sa hallway ngayon at wala na masyadong tao gantong oras nasa library sya at mag babasa ulit ng libro na paborito nya. Marami akong alam sakanya gaya nalang ng 19 years old na sya 5'10 ang height nya ang pamilya nya ay isa sa kilalang mayayaman sa larangan negosyo marami nadin silang tayo na negosyo sa ibang bansa, lima silang mag kakapatid at sya ang panganay sa lahat apat na lalaki isang babae. Mahilig sya sa basketball at baseball basta bola ang pag uusapan active sya, matalino at active sa lahat ng club at contest sa school in short talented ghorlll HAHAHAH, sana kapa debaa?hahahahah.
Habang nag lalakad ako sa hallaway may narinig ako nag uusap, di naman ako chismosa pero nang makita ko si yuuki gusto kong makinig.
“Babe im sorry okay? I love you okay only you.”sabi ni yuuki sabay halik kay Yvonne.
Nabato ako sa kinatatayuan ko diko namalayan may tumutulo napalang luha sa mata ko at sumisikip ang dibdib ko napahawak ako dito at ngumiti na parang wala lang. Hahaha wala naman akong karapatan para umiyak at mag selos ehh.
Ganto naman talaga dapat ako ehhhh. Parang anino lang nya. Aninong may gusto sakanya at mahal na mahal sya.
Nag lakad nalang ako palayo. Kasi kung mag stay pako dun lalo kolang masasaktan ang sarili ko ehhh.Tumigil muna ako sa isang park. Park na paborito kong puntahan sa araw araw actually hindi araw-araw kasi lagi akong nandito kapag may ganun akong sitwasyon. Pag nag ooverthink ako sa buhay, kung anong gagawin ko para malagpasan lahat ng problema ko. Dito ko lahat sinisigaw. Dito ko nilalabas lahat ng mga diko masabi ba mga salita, mga salita na ako lang nakakaalam at nakakaramdam, karamihan dito mga salita ko sa sarili ko.
Nung una palang sinasabi kona sasarili kona kapag ginusto ko yung isang tao talaga sya lang at wala nang iba, sakanya ko ibubuhos ang pag mamahal ko kase sa araw araw nung simula ko syang magustuhan wala naakong ibang hiniling kundi sya ay mapasaakin, sinasama ko sya sa mga dasal ko na sana magustuhan nya din ako o mapansin nya lang ako kahit ngitian manlang ayos nasakin kasi tingnan ko nga lang sya sa malayo buo na araw ko ehh kung ngitian pakaya? Siguro mahihimatay naako nun hahahaha.
Kayo ba?may gantong tao din ba kayo na gustong gusto nyo pero dikayo gusto? Naka move-on naba kayo?paano?baka naman advice ohh haysss. Pero diko padin alam sa sarili ko kung bakit padin ako nandito sa sitwasyon nato kahit na ilang beses naakong sinampal ni tadhana na hindi talaga ako para sakanya. Sinampal ako sa katotohanan na kahit kelan di nya ako magugustuhan pero wala ehh eto ako nagbubulag-bulagan sa katotohanan na maari nya din akong magustuhan mahalin balang-araw.
Pero siguro hangang dito namuna ako sa isang gilid muna ako. Pero kahit ganun sya padin kahit na anong mangyari kahit na maraming nagsasabi na makakalimutan kondin sya pero dinila alam madaling mag sabi ng ganung bagay pero kapag talaga mahal na mahal mo yung taong yun kahit gaano ka masaktan mahal mo padin sya.
Oo nga't wala akong pag-asa pero kahit na ganun wag naman sana akong pag kaitan na makita syang masaya sa araw araw wag naman sana akong pagkaitan na makita sya sa araw araw kahit na may kasama syang iba na nag papasaya sakanya mahal ko sya, pinili ko syang gustuhin kaya lahat ng sakit titiisin ko.
Siguro nga andaming sana pero sa paghaba ng panahon mananatiling sana padin yun. Gusto ko mang ipagtapat ang nararamdaman ko siguro iiwan ko nalang to ng ganto.
All of my unsaid feelings towards him, i guess it will be still that way, i will be still watching him at far, admiring him and adoring him and also loving him from this distance.
Cause if you truly love the person even if it hurt you so much or even he stab you over and over again there's no change at all cause in the end even if its a already a memory its like a treasure that made you grow and learn how to move forward and to learn to open your eyes and be able to know the truth about reality.
Loving someone who doesn't love you or even know you is painful but still you endure the pain and continue loving him.
______________________________________
Mahalin mo ang taong nandyan lagi sa tabi mo pahalagahan mo at mahalin mo bago pa mawala sayo at ma realize mo na nagkamali ka at magsisi sa huli.
I Lovee youu all thank you for reading this until the end❤
YOU ARE READING
Unsaid Feelings(One-Shot)
Conto𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐚𝐝𝐝𝐞𝐬𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐧 𝐡𝐚𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐚 𝐟𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐭𝐨 𝐨𝐧𝐞 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐢𝐬 𝐚𝐝𝐦𝐢𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐦 𝐬𝐢𝐥𝐞𝐧𝐭𝐥𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐰𝐚𝐭𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐦 𝐟𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐨 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧