Sabrina's POV
"Hey Sab, di ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ng kaibigan kong sa Jason, habang nag-aayos ng mga libro sa tapat ko.
"Mamaya na, may ginagawa pa kasi ako" bahagya syang napasilip sa kung ano mang binanbasa ko at narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Ito ata yung unang beses na tumagal ka nang mahigit tatlumpong minuto sa library"
Di ko nalang siya sinagot at sa halip ay napailing nalang ako at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Napansin niya sigurong wala ako sa mood kaya umalis ito at inayos sa bookshelf ang librong kanina lang, ay binabasa nya.
"Mauna na ako sa'yo Sab, may kelangan pa kasi akong puntahan" pagpa-alam nya sakin, tumango nalang ako, saka sya umalis.
Anong oras na ba? Napatingin ako sa cellphone ko, mag-aalas nuwebe na pala ng gabi. Kanina pa ako ditto pero di ko pa rin nakikita yung hinahanap ko. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko, sa dami ba namang librong binasa ko kanina para lang masagot yung mga katanungan ko.
Ano ba kasing klaseng nialalang ka, Athena? Pinikit ko ang mga mata ko saka minasahe ang leeg ko, medyo nangagalay na rin yung likod ko kaya pati ito ay inunat ko, para namang sasabog ang ulo ko ng makaramdam ako nang nakakapamilipit na sakit sa tagaliran ko. Shit, nakalimutan ko di pa pala gumagaling yung sugat ko. Marahan kong itinaas ang suot kong t-shirt para suriin ang sugat ko. Kinapa-kapa ko ang bendaheng nakabalot sa bewang ko, at dahan-dahang kinapa ang parte kung nasaan ang sugat. Napansin ko ang kaunting pagdurugo nito. Bobo, suway ko sa sarili ko.
Dahan-dahan kong inayos ang sarili ko, at bumalik sa pagbabasa. Ilang minuto na ang nakalipas, ay wala pa rin. Wala pa rin akong mahanap na sagot.
Yumuko ako, at isinandal ang ulo ko sa librong nasa tapat ko ngayon. Naiinip na ako, pakiramdam ko ay nasayang lahat ng oras ko ditto sa library ng headquarters namin kakahanap lang ng impormasyong maaring maging sagot sa pagtataka ko. Bakit ba kasi, napaka masekreto nyang tao? Hanggang ngayon ba ay wala pa rin syang tiwala sa akin? Napaungol nalang ako dahil na iinis na ako sa mga nangyayari sa akin, simula nung nag tagpo ang landas naming dalawa. Naiinis ako dahil ilang beses ko nang napahamak ang sarili ko dahil sa kanya, at kahit ni minsan ay di lang man sya nagpakita ng kaunting sempatya sa akin.
Pero higit sa lahat, mas naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil kahit na ganoon ang trato nya sa akin, at kahit naiirita na ako sa mga asal nya, ay hindi pa rin namumuo ang galit sa puso ko.
Sobra-sobra na 'tong pinanggagawa mo sa akin, Athena. Huminga ako ng malalim at muling ipinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Imortal
RomanceNagbago nang tuluyan ang takbo ng buhay ni Sabrina Belmonte - isang Nemrodrix ng Orion Council, ang organisasyon ng mga hunter na nakikipaglaban sa mga rebeldeng immortal o ang mga Rouge - simula nang makilala nya si Athena Oxtoa at ang mga kasama...