Chapter 8

2 0 0
                                    

"Hindi ko na ipapakita sa inyo ang mga rooms. Hindi naman kasi talaga tour ito."

"Andito kayo para kunin ang mga technology na maaari niyong gamitin before ng mission niyo." Sabi ni Geo at nauna ng maglakad.

Sinunod lang namin siya dahil ihahatid niya daw kami sa room ng displayed technologies.

Hindi parin ako makapaniwala na Rank 3 pala siya sa technology department. Kung baga pangatlo sa pinakamatalino sa department nila.

Malaki daw ang population ng technology department dahil halos lahat ng mga tao ngayon ay into technology na.

Kaya nakakamangha talaga. Ang sa science department kasi iba daw ginagawa nila. Nagcocombine daw sila ng elements to create something out of it.

Hindi ko nga alam kung ano specifically ang purpose ng Science department. Di pa kasi ako nakapasok dun hehe.

"Andito na tayo. Pasok kayo pasok." Nakangiting sabi ni Geo.

"WOWWWW!" malakas na sabi ni Jae at inilibot ang paningin.

Nakakamangha nga. Sobrang daming gadgets dito. Weapons, programmed na relo, chips, at ibpa.

"Do you need help, Geo?" tanong ng isang babae.

Tiningnan ko naman ito. Ang ganda niya, ang puti-puti pa parang si snow white. Napakaganda rin ng katawan niya, nakikita talaga ang kurba dahil sa suot nitong fitted na jacket.

"No, im okay." Sabi ni Geo tapos ngumiti.

"If you need help, use the watch." Sabi ng babae tapos ngumiti rin kay Geo.

Tiningnan niya kami at ngumiti pero napako ang tingin niya kay Hide.

Nanlaki ang mata niya nang makita si Hide pero ngumiti naman agad ito. Weird.

"Sino yon Geo?" masiglang sabi ni Jaechan.

"Ahhh si Empress? Rank 2 siya ng department na'to. Ang ganda niya no? Sayang lang hindi siya yung type ko." Sabi ni Geo tapos ngumiti sakin.

"Talaga?! Ang talino niya ata." Manghangmanghang sabi ni Jaechan.

"Magkakilala ba kayo ni Empress?" tanong ni Jaechan kay Hide.

Napalingon naman kaming lahat kay Hide.

"Hindi." Malamig niyang sagot.

Napa "Ahh" naman si Jaechan.

"Anyway, Ito talaga ang purpose ng pagpunta niyo dito. Ipapabigay sa inyo ang programmed na relo na ito. Kaya nitong malocate kung nasaan ang ibang guardians. Spies had tried this sa central and it worked. Hindi din sila na trace."

"Another thing is you may call anyone using this. Just touch the screen at gagawin nito kung anomang nais niyong gawin."

Binigyan niya kami isa isa ng watch na gawa nila at isa isa naming sinuot.

Pinindot ko ang screen at biglang lumabas ang hologram ng map kung nasaan kami.

Hmm paano kaya kung may gusto akong tawagan? Tiningnan ko naman sila at napatingin kay Hide.

Aksidenteng na pindot ko ang screen kaya bigla itong natawagan si Hide.

Nabigla naman si Hide ng may lumabas na hologram sa watch niya.

Nakalagay sa hologram na tinatawagan ko siya kaya pinindot pero hindi ito na end call.

"Just turn the outer cover ng screen. Mag eend call yan." Sabi ni Geo.

The Guardians (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon