Lumipas na ang apat na araw at kasalukuyan ako naglalakad sa hallway papunta sa cafeteria nang harangin ako ni Geo. Papunta sana ako sa cafeteria kasi hinihintay na ako ng tatlo dahil sabay daw kaming mag-aalmusal. Pero gusto niyang mag-usap muna kami. Pinagbigyan ko naman siya pero hanggang 5 minuto lang.
"Bakit hindi ka pumunta sa exhibit noong nakaraang araw? Hinintay pa naman kita." Sabi ni Geo at nag pout.
Noong isang araw kasi dumiretso na ako ng Celestine building pag balik ko ng campus. Kasi kailangan ko agad ilagay sa isang vase ang tulips na binigay ni Hide.
"Hindi mo ba tinanong si Rhed at Jaechan?"
"Hindi ko na sila natanong kasi isa kami sa nagfafacilitate ng exhibit kaya busy kami."
"May pinuntahan lang ako kaya hindi na ako nakapunta doon, pasensya ka na." sabi ko.
"Kasama mo si Hide, hindi ba?" tanong nito.
"Hindi." Mabilis kong sabi. Ano naman kung magsisinungaling ako sa kanya?
"Okay." Sabi nito at ngumiti.
"May gusto sana akong ibigay sa'yo." Sabi nito at binunot ang isang bagay sa likod niya.
Nabigla naman ako nang makita ko ito. Kaparehong tulip na binigay ni Hide sa kin. Ang naiiba lang ay hindi ito color orange kundi kulay red.
"Ako ang nagpalaki sa bulaklak na yan. Sana magustuhan mo rin. Di ko na tinangalan ng roots yan dahil gusto kong pangalagaan mo. Sige Luna mauuna na ako may klase pa kasi kami." Ngumiti siya at naglakad na palayo.
"Salamat!" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya at ngumiti, nagwave naman siya at naglakad na palayo.
Bakit sa lahat ng bulaklak tulip pa? Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na papunta sa cafeteria.
Nakita ko naman agad silang tatlo kaya agad rin akong pumunta sa kanila.
"Ohoyyyyy kanino galing yan Luna ha? May nanliligaw ba sa iyo dito? Ayieeee share ka naman jan?" panunukso ni Jaechan.
"Wala no. Galing lang to kay Geo nakasalubong ko kasi siya kanina tapos binigay niya to sakin."
"Niniligawan ka na niya talaga? Nagseselos ako." Sabi ni Rhed at nagpout.
"Hindi no. Binigay lang niya sakin to. Sabi niya siya daw nagpalaki nito at gusto niyang ako naman ang magpalaki."
"Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng bulaklak, Luna?" tanong naman ni Jaechan.
"Hindi. Ano ba?"
"Hindi ko sasabihin blehhh. Tanongin mo si Geo." Sabi ni Jaechan tsaka benelatan ako. Inirapan ko nalang siya.
"Im hungry." Sabat ni Hide.
"Opo kamahalan."
Napatawa naman si Rhed at Jaechan kaya napairap nalang ako. Eh kasi ako nanaman ang bibili ng breakfast niya. Ganito kasi ang nangyari sa deal.
F L A S H B A C K
Magaalas onse na pero hindi ko parin nakikita ang lalaking tumulong sakin.
Kasalukuyan kaming nanonood sa transparent-based wall na katabi lang ng kusina.
Buti nalang may sofa na nakalagay dito kaya mas comfortable kaming makapanood.
Kasama ko nga palang manood si Hide ngayon since deal namin to kailangang makasiguro ako na makikita ko ang lalaki.
Alam naman kasi nila Jaechan na may deal kami ni Hide kaya nauna na silang matulog. Kaya ayon, kaming dalawa nalang ni Hide ang mag-aabang. Pero hindi naman nila alam kung anong deal namin pero alam nila na may deal kami AHAHAHA
BINABASA MO ANG
The Guardians (on going)
FantasiWe are made by the Gods to guard the people of this world. Imperium University, where guardians are trained to guard their division and save their world from hatred and revenge. Pero paano kung ang katotohan na iyong pinagkakatiwalaan ay siyang kas...