K10

67 36 58
                                    

Krystal's POV


May isang oras na ang lumipas pero wala pa ding Clyde na dumarating. Nararamdaman ko na din ang mga nag-babadyang luha na gusto nang kumawala sa mga mata ko na siyang pinipigilan ko na lamang, kailangan ko maging matatag.


"Ginusto mo yan Krystal! Wag kang iiyak, matatag ka diba?. Napaka-layo na nang narating mo, ngayon ka pa ba titigil?. Konting oras pa at darating din yung hinihintay mo" pangu-ngumbinsi ko sa sarili ko. Napa-buntong hininga na lamang ako sa ideyang walang kasiguraduhan kung si Clyde nga ba ang nagha-hanap kay Karmina na siyang tinook advantage ko naman.

"You look so pathetic, Krystal. Kailan mo ba balak tumigil sa pagha-habol jan sa Clyde na yan" na a-awang saad ko sa sarili ko.


*Flashback*

High school ako noon nang makilala ko si Clyde, hindi ko maipagka-kailang napaka-sikat nito sa buong school dahil sa itsura at talino na meron siya. Sobrang sikat din ni Clyde sa mga babae pero kahit na ganon humingi siya sa amin ng respeto na hanggat maaari daw ay wag kaming makiki-alam sa personal life o privacy niya which is siyang ginawa naman namin. Hindi lang siya sa babae sikat, pati din sa mga lalaki pero syempre in a good way naman. Mahilig kase si Clyde sa mga sports and online games at kahit ganon siya, mapapa-isip ka nalang 'san nito nakukuha ang grades nito?'  kase napaka-talino nga din niya. Si Clyde yung tipo ng tao na mas gugustuhing normal lang ang pamumuhay like wag pag-uusapan kapag da-daan, normal mo lang dapat ka-kausapin, wag pagkaka-guluhan kapag makikita -- which is tipikal na gawain ng ibang tao kapag nakaka-kita ng sikat kung baga. In short, lowkey lang dapat and that's why I admire him. Yung iba kasing gifted jan though hindi naman lahat, nagt-take advantage sila dun sa mga tao na let's say mas mababa kaysa sa kanila, mas preffer nila na palaging sila yung hot topic at kung ano-ano pang pwede ninyong maisip na kahambugan.

At dahil nga huma-hanga ako kay Clyde ng sobra, pinilit kong pantayan lahat ng mga ginagawa niya. Nag simula ako sa pag-aaral pa nang mas mabuti, pag-sali sa kahit anong mga contest na ginaganap sa school -- mapa beauty pageant man yan or quiz bee contest. Lumipas ang ilang taon and I gained popularity, naging headline ng school paper, naging suki sa kahit anong patimpalak na meron sa lugar namin -- lahat. Pero yung lahat na meron ako, wala lang para kay Clyde. One time inutusan ko yung lalaking gustong manligaw sakin para lang ipatanong kay Clyde kung may kilala ba siyang Krystal Aligada na sikat sa buong lugar nila. Natuwa ako noong sinabi ng inutusan ko na kilala daw niya ako, akala ko sign na yon na kailangan ko nang kumilos para makilala na niya ako ng buong-buo. Pero nasaktan ako sa sinabi nung inutusan ko na...

"Sinabi din ni Clyde na sa pangalan ka lang daw niya kilala dahil sa mga ka-tropa niyang obsessed sayo, pero ni minsan daw hindi siya naging interesado" saad nung inutusan ko.

"What do you mean by hindi interesado?" tanong ko sa isang obvious na bagay na alam ko na din naman ang sagot.

"Ewan ko din, may i-uutos kapa ba?" tanong nito. I shooed my negative thoughts away at agad naka-isip ng panibagong idea, hindi pwedeng basta-basta na lamang ako mag back-out dahil lang sa sinabi niya. Ang tanging mahalaga lamang ay yung kilala na niya ako at isang puntos agad yon para sakin, may magagawa pa akong paraan para mas makilala pa niya ako ng lubos.

"Paki-tanong kung anong gusto niya sa babae?" masayang saad ko doon sa inutusan ko at hindi naman ito nag dalawang isip na sundin iyon. Nag hintay ako, tanghali hanggang sa naging hapon hanggang sa naging gabi na inabot pa nang kina-umagahan bago ko pa malaman yung sagot sa itinanong ko doon sa inutusan ko.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon