K11

58 37 31
                                    

Karmina's POV

Maaga kami pumasok ngayon dahil ito din yung araw ng performance namin sa Rhythmic Dance, may pahabol daw na announcement kaya kailangan naming maaga pumasok.

"Good morning class!" masiglang bati ng P.E teacher namin. Ngiting-ngiti ito sa amin lalo na nung napansin niya ang presensya ng katabi ko ngayon, si Winston.

"Oh first time ulit kita makita, Mr. Buenafuerte" manghang saad nito sa katabi ko.

"So today is the day!. You'll be performing at the theater in bulding three. Vienese Waltz ang magiging theme ng venue at pinayagan na ako ng Theater Club na pahiramin kayo ng magiging costumes ninyo for this event. Individual grade ang magiging basehan kaya be ready, kahit may ka-partner ka pa mag-kaiba pa din ang grades ninyo" masayang paliwanag ni Ma'am na para bang may hindi magandang mangyayari.

"So ibig sabihi—"

 "Yes Mr. Salvador? may sinasabi ka?" putol ni Ma'am sa bulungan ng mga kaklase ko, agad naman silang umiling bilang sagot. Saglit na nanahimik ang lahat.

"Guys?! Napaka-gandang opportunity nito, may costume, magandang venue, at saka magandang platform kayong pag dada-usan ng performance nyo!" exaggerated na saad ni Ma'am, still tahimik pa din kami. Hindi kasi namin ine-expect na may ganung last minute suprise pala si Ma'am, alam mo yung tipong parang sinabi sa inyo biglaan ng Professor ninyo na 'okay class, get one half lengthwise and review for five minutes' -- kind of feeling?. Kabado na nga kami kahit wala pa ang lahat ng yon -- yung plain na performance lang, paano pa kaya yung ganitong prepared na prepared pala si Ma'am? and worst...

"Ma'am, may audience po ba?" isang tanong na siyang iniintay namin na sabihin ni Ma'am kung meron nga ba.

"Aba! Oo syempre!. Oh sya sya sya! mag punta na kayo sa building three para makapag-handa at maka-pamili ng susuotin ninyo sa event. Goodluck!" masayang sagot ni Ma'am na siyang ikina-lumo naming lahat. Pagka-alis na pagka-alis pa lang ni Ma'am sa room ay para bang go signal na yun nang pag reklamo ang mga kaklase ko.

"Nakaka-hiya baka maapakan kita" saad ng isa kong kaklase -- may point sya, baka maapakan ko si Winston sa sobrang kaba ko. Nakaka-hiya naman para sa katulad ni Winston na magaling sumayaw.

"Hala kinakabahan ako" rinig kong saad ng isa ko pang kaklase -- wala sa sariling napa-tango ako sa sinabi niya, siguro naman lahat kami ay kinakabahan at natatakot na mag ka-mali sa performance lalo na't marami pa namang manunuod.

"Bakit naman kailangan ganun pa ka-enggrande 'tong performance?" -- napa-tango ulit ako sa narinig ko, bakit nga ba kailangan pa ng bonggang performance? Hindi ba pwedeng dito nalang sa classroom at simple nalang? Hayss.

"Lalo akong tinamad mag sayaw" -- sumasang-ayon ako sa sinabi nung isa ko pang kaklase. What if mag remedial exam nalang ako? Or mag-take ng tatlong exam para lang sa grades?. Napa-sampal na lamang ako sa noo ko dahil sa mga idea na napasok sa isip ko.

"Yaan nalang natin" -- tumango ako sa sagot nung kaklase ko, tama! hayaan ko nalang. Kung ba-bagsak man ako, edi bagsak at kung hindi edi salamat naman.

"Hey, okay ka lang?" naka-ngiting putol ni Winston sa iniisip ko. Agad ko din siyang ginantihan ng ngiti at saka sumimangot ulit, kinakabahan talaga ako.

"You want to ditch the performance?" tanong nito na siyang ikinagulat ko. Agad ko siyang na tapik sa braso niya dahil sa idea na pumasok sa isip niya.

"We can't do that! Enlighten me kase, napaka-bad influence nito" naiinis na saad ko dito na siyang ikina-tawa nya lamang ng malakas. Lalo tuloy akong namroblema dahil baka pumalpak talaga ako sa performance naming dalawa, kung tu-tuusin eh kahit ata mag-fail yung performance namin, may makukuhang mataas na grade itong ka-partner ko. Napa-buntong hininga na lamang ulit ako, katapusan ko na.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon