Lourdes's POV
Nakaka-pagod ang linggo na ito, yung tipong daig ko pa ang sumalang sa triathlons — nakaka-loka. I talked to Krystal yesterday at room 001, surprised? me too. I followed her whenever I have the time, lagi itong naka-tingin sa kinaroroonan ni Karmina at lagi din nitong ina-abangan ang pag dating ni Clyde. I've been keeping an eye on them.
"You gonna watch our performance?" tanong ni Kyle sa akin habang tahimik tinitignan sa malayo sina Karmina at Winston na mag kasama papunta sa building three. Yup, you heard it right! Ka-kunchaba ko si Kyle all this time. I asked her to look over, Karmina kase hindi kami mag ka-klase nung babae na yon at tanging si Kyle lamang ang pinagka-katiwalaan ko. Big revelation? Kyle and I were friends since elementary — it's a long story though.
"I'll try to convice Clyde pa eh" bored na sagot ko dito nang mawala na sa paningin ko ang dalawa.
"Why are you trying so hard?" maka-hulugang tanong nitong si Kyle sa akin, napa-kibit balikat na lamang ako. Pero ang totoo niyan, I want Clyde to confess something to a friend — na tanging kami lang dalawa ni Clyde ang nakaka-alam. I need him to watch their performance para magka-roon na siya ng realizations kung kailan niya ba dapat sabihin lahat sa kaibigan ko ang kailangan niyang sabihin.
"Well, mauna na ako kung ganun" saad ni Kyle na siyang tinanguan ko na lamang bilang tugon.
'Now, it's time to find Clyde's whereabouts' bulong ko sa sarili ko at agad nang tumayo para mag simulang mag-hanap.
Third Person's POV
Nag simula na ang event at sobrang dami nang nanunuod sa loob ng theater, may ibang naka-tayo nalang dahil wala nang maupuan at may iba din naman na sa placemat nalang ng theater mismo lumupagi para lang maka-panuod. Lahat nang klase sa mga oras na iyon ay suspendido dahil sa request ng mga students na manuod sa ka-dahilanang minsan lang daw mag-karoon ng ganung pakulo ang P.E class ng first year. Ang lahat ng faculty teachers ay na-imbitahan bilang judge ng nasabing event — wala din naman daw klase kaya naki-sali na din sila sa panunuod at nag boluntaryo na din maging judge sa nasabing event. Agad namang nag hiyawan ang mga tao sa loob ng theater ng biglang namatay ang ilaw at biglang nag ka-roon ng spotlight sa gitna ng stage.
"Aba! Talaga namang napaka-rami nga ng manunuod natin sa biglaang event na ito. Hindi ko na patatagalin pa ang lahat at heto na ang pinaka-hihintay nating lahat. Rhythmic dance nang first year students, ngayo'y masasaksihan nyo na. Wala bang palakpakan jan?" ma-lokong saad ng MC na siyang kinantyawan naman ng mga manunuod. Agad din namang napuno ang theater ng malakas na hiyawan at palakpakan.
"For our first contestant, presenting — Ms. Margaux Salvador at Mr. Joseph Zalde" anunsyo ng MC na siyang dahilan para mamatay ulit ang ilaw na siya ring sigawan ng mga manunuod.
Habang tumatagal, paganda nang paganda ang nagiging performance ng bawat kalahok na siyang sanhi ng lalong pag-lakas ng ingay sa buong theater. Sa backstage naman — habang lumalakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao ay siya namang pagiging kabado lalo ni Karmina na siyang inaagapan naman agad ni Winston.
'Napaka-bait ni Winston, kahit sinong babae ay mahuhumaling dito dahil sa ka-baitan nito at ka-gwapuhang taglay nito' sa isip-isip ni Karmina.
"Okay ka na?" tanong ni Winston kay Karmina habang pinapa-kalma pa din ito sa paraang pag-haplos nito sa mga kamay ng dalaga. Wala sa sariling napa-titig nanaman si Karmina sa mga mata ni Winston.
"Bakit ba napaka-gwapo mo?" mahinang bulong ni Karmina sa sarili niya pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Winston kaya inilapit nito ang kaniyang mukha sa tenga ni Karmina.
BINABASA MO ANG
Karma Karmina
Teen Fiction"Karmina Acubera na kilala bilang alyas 'Karma', isang babaeng may hindi pang-karaniwang awra". Ito ang pagka-kakilala sa akin ng mga tao sa paligid ko, dahil lamang sa isang insidente na nangyare noong bata palang ako. Nang dahil sa isang hindi si...