Kabanata 16

431 18 0
                                    

Lumapit ako sakaniya at nakita niya ako kaya nag-punas na siya agad ng luha niya.

"Anong nangyare sayo?", tanong ko

Kahit na inis ako kay cassandra dati pa noong junior high kami at nagalit ako sakaniya sa nangyare sa amin ni drake,may malasakit pa din naman ako sa kapwa ko babae.

"Bakit mo tinatanong,para pagtawanan ako?", humihikbi niyang sinabi

"Hindi naman tayo magkapareho ng ugali,panigurado kung ako ang iiyak sa harap mo ganiyan ang gagawin mo pero hindi naman ako ikaw", umupo ako sa tabi niya

"Huwag ka nga lumapit sa'kin", mataray niyang sinabi

Ewan ko ba sa babaeng 'to kahit isang beses hindi ata kayang ibaba ang pride niya

"Pwede ba tigilan mo muna yang galit mo sa'kin,ano bang iniiyak iyak mo?", tanong ko sakaniya

Nabigla siya sa sinabi ko at tumingin sa'kin.

"Hindi mo ako kailangan pakitaan ng kaplastikan portia,alam ko namang may galit ka sa'kin kaya pwede bang lubayan mo ako", seryoso niyang sinabi

"Kagaya nga ng sinabi ko,hindi ako ikaw.Kahit kailan hindi ko nagawang maging peke sa ibang tao,gusto ko lang malaman kung bakit ka naiyak and kung ayaw mo it's fine", tumayo na ako sa kama niya at bigla niya akong hinawakan sa braso

"Portia", tawag niya sa'kin

Lumingon ako sakaniya at nag-taas ng isang kilay

"Drake and I were childhood sweethearts.Nung malaman ko na umuwi na siya dito sa Pilipinas sobrang saya ko dahil uuwi na ang fiancé ko pero nagulat nalang ako kasi nag-iiba na ang trato niya sa'kin hanggang sa mag senior high na kami. Nagulat ako na sabay kayong pumasok", malungkot niyang sinabi

Nakatikom lang ang bibig ko at hinahayaan siyang mag-salita.

"And after that day,naisip kong pabayaan siya dahil alam ko namang sa huli sa'kin pa din ang bagsak niya.Hindi ko akalaing seseryosohin ka niya portia,nalaman ko nalang na nililigawan ka na niya pero dahil hindi ako magpapatalo hinintay ko munang ma-inlove ka kay drake para sa huli masaktan ka tulad ng ginawa niyo sa'kin",bigla siyang umiyak

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ang isang cassandra ay nagpapaliwanag ngayon sa harap ko.

"Naaksidente kayo ni drake at galit na galit sayo ang magulang niya at ang magulang ko.Kinompronta siya ng daddy niya na hindi tamang makipag-landian siya na meron na siyang fiancée at pinapili siya ng mommy niya kung ikaw ba o siya.Dahil ayaw ni drake na mabigo ang mommy niya,mas pinili niyang isuko ka", tumigil siya sa pag-sasalita at tumingin sa'kin

"Portia,mahal na mahal ko si drake.Kaya ako umiiyak kasi ramdam kong hindi na mutual ang feelings namin.Nakita ko kung paano siya mag-alala nung makita niyang may humawak sa braso mo na lalaki susugod na sana siya pero may isang lalaking sumapak kaya napa-tigil siya",umiiyak pa din niyang sinabi

Lumakas ang tibok ng puso ko at kahit ako ay naiiyak na din.

"Portia, ang sakit.Nakalimutan niya... Nakalimutan niya biglang kasama niya ako dahil sayo, ano bang meron sayo!?",hinawakan niya ako sa mag-kabilang braso at pinigilan ko siya

"Cassandra tama na", pigil ko sakaniya

"Portia ako yung nasa tabi niya noong kailangan niya ng taong masasandalan,noong may sakit siya,noong binubully siya, at madami pang iba.Pero dahil sayo, nawala lahat! nawala lahat ng pinagsamahan namin", binitiwan na niya ako at napa-upo siya sa kama niya at humagulgol na ng iyak

Naaawa ako kay cassandra.Grabe ang sakit na naidulot ko sakaniya.Akala ko ako ang pinaka nasaktan.Akala ko ako ang pinaka niloko.Pero siya pala.

Siya pala.

"Cassan--",hindi ko pa natutuloy ang sinabi ko ay agad siyang nag-salita

"Nasa akin siya,pero nasa iyo ang puso niya", malungkot niyang sinabi

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin. Pulang pula na ang mga mata niya at halatang kanina pa siya umiiyak.

"I'm sorry cassandra,hindi ko alam na may namamagitan sainyo ni drake.Una palang tinanong ko na siya kung may tinatago pa siya sa'kin pero never siyang umamin..... Pareho lang tayong biktima,ang kinaibahan lang ikaw hinayaan mo akong masaktan",seryoso kong sinabi sakaniya habang nakatitig sa mga mata niya

Napa-yuko siya bigla at pinunasan ang mga luha niya

"Pwede bang wag ka ng magpakita pa sa amin?, pwede bang tigilan mo na pagpapansin sakaniya?", nababaliw na niyang sinabi

"Hindi ko ginagawa yan cassandra,pwede bang magising ka sa katotohanan?.Cassandra alam mong hindi ka na mahal, pero bakit patuloy ka pa ding nagpapaka tanga?", naiirita kong tinanong sakaniya

"Kasi mahal ko siya!,at kahit na hindi na niya ako mahal nag-titiwala pa din akong babalik ang dati niyang pag-mamahal sa'kin, kaya lubayan mo na kami,nagmamakaawa ako portia",kitang kita sa mukha niya ang labis na sakit na dinadamdam niya

Niyakap ko siya.Kahit na may galit kami sa isa't isa ay naglakas ako ng loob para gawin 'yon.

Babae din si cassandra at alam ko kung gaano kasakit ang mag mukhang kaawa awa.Pagkayakap ko sakaniya ay humagulgol na siya ng iyak.

Hinayaan ko lang siya habang hinahaplos ang likod niya.Kahit na hinayaan niya akong masaktan,andito pa din ako para gantihan siya ng kabutihan.

Kahit na madami siyang kaibigan,kahit na ang dami niyang alipores sa tabi niya sa ganitong panahon wala siyang matatakbuhan.

Bigla nalang may nag-bukas ng pinto at natulak ako ni cassandra dahil sa gulat at pag-tingin namin sa pinto ay pumasok si aira.

"Oh my gosh beshie traydor ka!", susugod na sana si aira ng makita niyang pulang-pula ang mata ni cassandra habang pinupunasan ang luha niya

"Oops nasira ko ba ang moment?", napakamot siya sa ulo niya at sumenyas akong umalis na muna siya dahil ang awkward kaya umalis na din siya agad.

Napa-tingin ako kay cassandra at okay na ang mukha niya pero bakas pa din ang pamumula sa kaniyang ilong at mata.

"Thank you", tipid niyang sinabi at agad na umalis ng kwarto

Gumaan lalo ang pakiramdam ko.Naiisip kong mas okay pala na sumama ako dito sa vacation trip dahil nalinawan na ako sa nga nasabi ni cassandra.

Ang sakit at ang hirap talagang umibig.Lalo na't parehas kami ng minahal.

Nagising na ako sa katotohanang hindi lahat ng taong dumadating sa buhay mo ay tamang tao.Kaya't sana magising na din si cassandra sa katotohanan.

We should just love, not fall in love, because everything that falls gets broken

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon