Sa isang madilim na sulok
May isang nakaluklok
Naghihintay nang kakatok
Sa pintuang maaligabokPagod nang maging basahan
Sa pintuang palaging narurumihan
Pagod nang linisan
Ang pintuang hindi manla'ng matingnan.Nag iisip kung hanggang kailan,
Hanggang kailan pakikinggan
Mga salita sa labas nang pintuan
Na nilalait ang taglay nitong karumihan.Walang nag atubiling tingnan,
Kung ano ang nasa kaloob-looban.
Bagkus nilait ang harapan,
At hindi nagustuhan.Tila hindi alam
Na malinis ang nilalaman
Nang isang maruming pintuan
Na kanilang hinuhusgahan.Konkretong hinaharap
Ang kanilang nahahagilap
At tila mahirap
Na ang kalooban ay mahanap.Isipa'y sinarado,
Dahil sa mga bagay na hindi sigurado.
Dahil sa kaisipang kumplikado
Nang mga taong pilipino.