ᜉᜑ̊ᜈ 3
"Welcome"
Salitang bubungad sayo bago ka makapasok ng bahay. Gaya ng maraming bahay, kadalasan mo itong makikitang nakasabit sa pintuan, nakadikit sa pintuan o di kaya, nakalagay na sa doormat.
Nang makarating na ako sa pintuan ng aming bahay, agad kong hinubad ang sapatos ko at binuksan ko ang pinto. Nadatnan kong nasa sala si Note at nanonood ng Loud House.
"Note, nasaan si Mama?"pambungad kong tanong ko. Napalingon naman sakin si Note at ngumiti sakin. Pinakita na naman nya ang nakakagigil nyang ngiti.
Kitang kita ko na naman ang matataba at bilugan nyang pisngi. Dahil sa panggigigil ko, lumapit ako sa kanya at kinurot kurot at pinisil-pisil ang pisngi nyang sobrang lambot.
"O, Ate Cathy, nandyan ka na pala. Maaaaaa.... Nakauwi na si ate." salubong naman sakin ni Art na noo'y kakagaling palang sa banyo. Ang kapatid kong sumunod sa'kin at 15 years old na sya. Ang buo nyang pangalan ay Art Neon Sonata.
Sa aming magkakapatid, sya lang ang may pinakamaisking pangalan. Mahilig syang magdrawing, magpinta at magdesign. Actually, lahat ng paintings at decorations sa buong bahay, sya ang may gawa. Mapa- Manga, mapa 3d art, mapa Landscape, mapa Portrait, mapa sketch at kung ano-ano pa, lahat yun, kaya nya. Mahilig din sya sa photography kaya andaming nagkakagusto sa kanya.
Pero pag nakilala nila tong unggoy na to, baka sabihin nila, "Ang gwapo naman ng unggoy na nagpipintang yun!". Gwapo naman kasi tong kapatid ko, maganda ding pumorma at malinis sa katawan. Matured na din syang mag-isip, syempre mas matured ako.
Narinig ko ang ingay ng mantikang nagsisitalamsikan na nanggagaling sa kusina. Alam ko na kung nasaan sya. Tamang-tama, di pa ko kumakain ng tanghalian at alas-11 na.
Agad kong pinuntahan si Mama sa kusina pero natigilan ako nang mapansing binuksan ng dalawa ang dala kong ecobag. Wait, ecobag?
Gosh!!!!
Di ko nabigay, umuwi pa naman ng probinsya si Med. Saktong pagbaba namin ng tren ay dumiretso na sya sa terminal ng bus. Hinihintay na kasi sya dun ni Tita Swerty at mukhang sa susunod na taon ko pa mabibigay sa kanya. Next year na nga lang.
"Ate, ano to?" tanong ni Art habang hawak-hawak ang libro na binili ni Med para sakin. I mean, nilibre nya sakin. Agad kong inagaw sa kanya ang libro at tinago sa likuran ko.
"Ano yan? Ate ha?" nanghihinalang sabi akin ni Art. Ano bang iniisip nya?
"Ate Cathy, wala kang pagkain?" pacute na tanong ni Note habang tinitingnan ang dala ko. Agad ko syang nilapitan at ginulo ang buhok nya.
"Wala tsaka kakain na ah. Pakiss nga ang ate." sabay nguso sa kanya. Inilapat nya naman ang pisngi nya sa labi ko. Balak ko sanang kagatin ang malalambong nyang pisngi kaso baka umiyak. Magalit na naman si Mama.
Naabutan kong naggigisa si Mama Cise ng sibuyas, bawang, manok at binudburan nya ng paminta. Nilapitan ko sya sabay halik sa pisngi nya.
"Musta ang gala? Anong oras na ah?" sermon is starting right now.
"Hindi po kami naggala, may binili lang po kami."paliwanag ko habang naghahanda ng plato sa mesa.
"Sus, naggala pa din kayo." sabi nya. Ano ba sya, walang tiwala? Pumasok sina Art at Note dito sa kusina. Tinulungan nila akong maghanda ng gamit sa pagkain.
"Ma, gumastos na naman si ate." Sumbong ni Art. Agad akong lumaput sa kanya at tinakpan ang madaldal nyang ngiti. Napalingon samin si Mama at nagtaas ng kilay.
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Narrativa StoricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-