12th Blinded

17.4K 693 141
                                    

Marriage

Bumalik din naman kami ni Caden sa mobile bar na parang walang nangyari. Our drinks were sold earlier than expected. Ubos lahat ng aming dala. From rums, cocktails, hard drinks, and so on. Tuwang tuwa si Glen na hinayaan na kaming makiparty sa natitirang thirty minutes.

Peter served me another drink, which is the pineapple, so I could enjoy the night more, get a little bit tipsy, and dance with the others.

And of course, I pulled Caden onto the dance floor. Nasa magkabilang baywang ko ang kamay niya, ang nakakahipnotismong ngiti habang nasa dagat kami ng mga tao at nasa akin lamang ang kanyang tingin.

"Damn it!" I cursed when those memories flashed through my mind early in the morning.

Hawak ang namimintig na ulo, hindi ko alam kung saan sumasakit iyon. Sa mga alaala ko ba kay Caden, o dahil mismo sa pineapple rum.

I shut my eyes and groaned when I remembered how we made out intensely while everyone was dancing. It was the alcohol, his addicting smell, and the smile he would always flash that gave me so many feelings.

Kumalabog ang aking dibdib sa bawat pagdagsa ng alaala, at halos sumigaw nang maalala ang memorya sa kanyang kotse.

There's this guilt lingering after you realize that you let the alcohol consume your mind and body, and all you get after being sober is to cringe from all those memories, reminding you how you threw yourself in the leon's den.

I liked what happened, alright! I liked it during that time. Because if that happens again, I might probably do it! Pero ngayong walang alak sa sistema at naalalang sumobra, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

My main plan here is to use him in order to know the information of his friends, which he willingly provides. The lust I craved, which he willingly provides as well. So I don't understand where this guilt is coming from.

Or... this... wasn't guilt at all.

"Ano, hangover?" Ang mapang-uyam na boses ni Glen ang narinig ko kinaumagahan.

Hindi ako kumibo habang nakaupo sa sofa at hawak hawak ang aking ulo.

"Nasan na iyong sinasabi mong hindi nakakalasing ang pineapple, huh?"

Hindi ko pinakinggan si Glen na gumagalaw na patungo sa coffee maker. Tulog pa ang lahat. Ako ang kauna-unahang nagising. Well, hindi ako nakatulog at inumaga na kakaisip sa mga nangyari kagabi.

"Hindi ako lasing," giit ko at bumangon para isandal ang aking likod sa headrest ng sofa.

Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang pasulyap sulyap ni Glen sa akin habang naghahanda na ng kanyang kape. Humalukipkip ako at naipagsalubong ang kilay kahit hindi na maalis sa aking isip ang mga nangyari kagabi.

"Nakikinig ka ba, Kesley?" Ang medyo malakas na boses ni Glen ang nagpabalik sa akin sa katauhan.

Tamad akong bumaling sa kanya.

"Ano?"

"Ang sabi ko nakita ko ang halikan niyo kagabi ni Caden. You two were making out intensely! Girl, parang hihigupin niyo na ang labi ng isa't isa. Vacuum lang?"

Ang nakakalokong ngisi ni Glen ang nagpapula sa akin. Mabilis akong umirap at bumusangot.

"You know that it's part of my plan—"

"Asus! Malakas na ang tama mo kay Caden kamo! Wag ako, Kesley. Wag ako. Ayaw mo lang talagang aminin..." Ngumisi siya lalo.

I rolled my eyes.

B L I N D E D (NGS #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon