"To climb steep hills requires slow pace at first."-William Shakespeare
~x~
#7: ONLINE DATE
(Finding Soulmate pt. 3)"Grabe nakakapagod"
Nakauwi na kami sa bahay.
"May online class pa ako", sabi ko.
"Online class?"
Umakyat na ako sa kwarto ko at tinulungan ko naman syang makaakyat sa bintana. Ganun na yung set up namin simula nung nandito sya. Aakyat muna ako tapos tutulungan ko sya sa bintana. Hanggang ngayon di parin alam ni mama yung tungkol sa kanya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba o hindi.
Binuksan ko na ang laptop ko at naglog-in sa Zoom account ko.
"Hi Yoona! Did you practice your English?"
"Yes teacher!"
"Very good. How was your day?"
"It was good! We had a picnic with my toys"
Umupo naman si Eros sa tabi ko at tinignan si Yoona.
"Nagtuturo ka ng bata?"
"Wag kang magulo—"
"Who is that teacher?"
"Oh He's my friend. Say hi."
"Hi"
Kumaway naman pabalik si Eros kay Yoona.
"He's handsome teacher"
"Buti pa yung bata marunong magsabi ng totoo", siniko ko naman sya ng palihim.
"Aray! Totoo naman kasi. Tss"
"I like him teacher. Can he be my friend too?", tinignan ko naman si Eros at sinenyasan na kausapin yung bata.
"Of course. I can be your friend too", natawa naman ako nang mag-english sya. Ang weird naman pakinggan.
"Why are you laughing teacher?"
"Nothing. Can you tell me what happened to your picnic?"
~
Isinara ko na ang laptop ko nang matapos na ang klase ko kay Yoona.
"Binabayaran ka para makipag-usap sa bata?"
"duh. Sinasanay ko sila magsalita ng ingles kaya ko sila kinakausap"
"Diba madaming lalaki sa internet?"
"San mo naman narinig yan? May internet ba don sa tinitirhan mo?"
"Sira! Wala noh! Pero sa tagal ko nang nagtatrabaho, madami na akong natutunan sa mga tao. May natulungan na ako dahil sa internet"
"Eh? Wala namang nagtatagal sa mga relasyon sa internet noh. Para mo lang jinojowa ang isang bagay"
"Subukan mo yung mga dating sites"
"Ayoko nga noh! Hindi ba nasagi sa maliit mong utak na madaming peke sa internet? Ni hindi mo nga alam kung tao ba talaga yung kinakausap mo. Madaming pwedeng mapeke sa Internet Kupido"
"Subukan mo parin. Malay mo"
~
Nasa banyo ako ngayon nagbibihis. Pinagbihis ako ni Eros ng damit. Like duh, kailangan paba yon?
"Ayos na yan. Dali maghanap na tayo ng dating sites"
"Kailangan paba yung damit?"
"Syempre para kapag humarap ka camera, magmukha kang tao"
Hinampas ko naman sya sa braso.
"Di ka nakakatulong"
*tok* *tok*
"Reigh anak. May dala akong pagkain"
"Si mama! Bilis magtago ka!"
Tinulak ko naman sya papunta sa aparador ko saka binuksan ang pinto.
"Ang tagal mong binuksan ah?", ngumiti naman ako ng mapakla at kinuha ang tray na dala dala nya.
"Oh, bat nakabihis ka. May lakad kaba?"
"Ah wala po. Sinukat ko lang po to hehe"
Umalis naman sya.
"Lumabas kana"
"Hoo! Ang init sa aparador mo"
Pinaypayan nya ang sarili nya gamit ang kamay. Pinunasan naman nya ang noo at braso nya. Habang sinusundan ko bawat galaw ng kamay nya ay para namang nags-slowmotion ang paligid at ang pawisan nya lang katawan ang nakikita ko.
Napailing naman ako sa mga naiisip ko.
Pinagpapantasyahan ko ba ang kupidong to?
"A-ahm. Magl-log in na ako"
Nang makahanap ako ng site ay nag-log in na ako at nagsimulang makipag-usap sa kung sino. Chat lang ang usapan at tinutulungan ako ni Eros sa mga sasabihin.
Ang awkward pala pag may kasama kang lalaki habang nakikipag-usap ka sa iba pang lalaki.
"I-type mo 'video call tayo'"
Nagvideo call naman kami nung lalaki at simple lang ang naging usapan namin. Ewan ko, wala akong interes sa kahit sinong lalaking nakakausap ko. Parang wala naman akong nararamdamang kakaiba.
"So ano?"
"Ano?"
"Wala ka bang naging gusto man lang sa kanila?"
Umiling ako at isinara na ang laptop. He's right, hindi nga madali ang maghanap ng lalaking karapat-dapat itadhana para sayo.
"Hays. Don't worry malaki naman ang mundo. Hindi ka naman mauubusan *chuckles*"
Alas dyis na ng gabi at tulog na si mama at Arjun. Dinala ko si Eros sa bubong namin para panoorin ang buwan.
"Wow"
"Maka'wow' ka dyan, ngayon kalang ba nakakita ng buwan?"
Tumango naman sya at hindi inalis ang tingin sa maliwanag na buwan.
"Sa kaharian namin, hindi tanaw ang buwan. Puro ulap lang ang makikita mo"
"Talaga? Ano bang itsura ng kaharian nyo?"
"Malaki at puno ng mga nakakamanghang gamit"
Napangiti naman ako. Siguro hindi naman sya ganun kalala gaya ng inaasahan ko.
"Marami din bang dyosa sa kaharian nyo?"
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano tungkol sa kaharian na meron sila at saga dyos at dyosa na nakakasalamuha nya araw-araw.
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Подростковая литератураHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...