Kiss me and I'll be yours 52: The Gold Ones

159 12 3
                                    


DIANNE'S POV
Laking pagtataka ni Ate Bea sa akin. Bakit daw ako galit na galit na bumalik? Bakit ko raw kasunuran si AJ? Hindi ko na lang ito pinansin. Nakatingin lang ako sa kamay ko. Sheet! Nararamdaman ko pa rin yung pakiramdam na iyon. After nun hindi pa rin sya. Lakas ng topak hindi ba? Tawagin ko kaya si Jep ng pansinin nya uli ako, kaso yung nangyare baka... baka mas malala pa gawin nya kaysa kanina.

Pumunta kami sa bahay nila Tita Austing at Tito Lando. Inilabas pa ni Tito Lando ang isang mahabang mesa at ipinuwesto sa bakuran para magsalosalo kami roon. Ang maganda sa bakuran nila may matataas na bakod iyon lagpas tao kaya yung mga kapitbahay na gustong mausyoso at hindi makakasipat ng tingin sa amin maski kadulo dulohang buhok ni AJ hindi matatanaw. Inilagay namin sa mesa yung mga meryenda. Actually sobrang dami ng nakahain paano ba naman, nung malaman ng mga kapitbahay nila Tita Austing na makakaalis na si AJ mamayang hapon dahil naayos na ang kotse nito, nagabot sila ng mga pinagmamalaki nilang pagkain na gustong ipatikim kay AJ. Biruin mo ah, sa buong tatong araw na nandito sya, ngayon lang sya namasyal sa labas tas kung pakisamahan sya ng mga tao kala mo anak nila ito na nalayo lang at muling bumalik, may pawelcome party. Lahat sila ay nasa bakuran, habang kami ni Ate naman ay nasa loob ng bahay ni Tita Austing para kumuha ng mga plato at kutsara.

"Hindi pa rin ba kayo ayos?" tanong ni Ate habang binibilang ang platong dadalhin. Ako naman ang umasikaso sa kutsara at tinidor.

"Napagtanto ko Ate, ako lang ang ayos, sya sirang sira na. Sira ulo!"

"Aba! Ba't parang sa akin ka pa galit?"

"Di naman! Tssk! Tara na nga iabot na natin sakanila to!" inis kong sabi. Nagmadali kaming nagtungo sa bakuran.

"Alam mo kung nasa bahay ang tayo ni Kuya, at elimination night ngayon. Bibigyan kita ng 3points. Kung magalit at magkatapang ka dyan daig mo pa ate!" reklamo ni Ate.

AJ'S POV
Pinaghandaan nila ako ng isang pagsasalo. They are good people. Nakakapanghinayang lang aalis na ako mamayang hapon pero masasabi kong sulit ang pamamasyal ko rito. Ipinakilala sa akin ni Tito Lando yung mga pagkain na nasa mesa. Marami kasing nagbigay sa akin na pagkain.

"Ito oh! Biko nila Percing, hahahha tuwang tuwa sila sayo iho, gusto rin ipatikim sayo iyan. Nilagyan pa nga nila ng maraming latik para lang daw sayo" tuwang tuwa kwento ni Tito Lando iniangat pa nya yung ibang plato na may lamang pagkain. Tumango tango ako rito habang isa isa nyang pinapakilala. Nakaupo na kami sa mesa, ako, si Tita Austing, Tito lando at Lolo. SAkto naman ang paglapit nila Ate Bea at Dianne sa amin para isa isa iabot ang plato at mga kutsara. Galit ba sya sa akin? Nakabusangot siya eh. "Pero syempre, ang pinakamasarap dyan yung dala ng Diding namin"

Napalingon nun si Dianne at ngumiti sa Tito nya. Napasulyap ito ng tingin sa akin sabay iwas. Para kaming tangang nag iiwasan. "Si Tito Lando talaga, kaya sarap pagdalhan ng mga pagkain nyan eh"

"Nakakatuwa talaga, Lolo! Sila Beng at Diding, lumaking maganda tulad ng nanay nila" banggit ni Tita Austing. Napaghahalataan naman na medyo iwas sa topic na iyon sila Ate Bea at Dianne.

"Hahahhaha si Austing talaga. Naalala ko pa rati nagtatalo ang mga magulang nyo kung sino yung kamukha nila sa inyong dalawa" kwento ni Lolo. Inilabas nito ang wallet nya na medyo may kalumaan nya. Binuksan nya iyon at merong isang litrato ang nandoon. Katabi ko lag si Ate Bea kaya nung ipinakita ni Lolo iyon sa kanila at nakita ko rin yung mukha nung tinutukoy nyang magulang ng mga ito. Batang bata pa ang babae ay walang duda na kamukha ni Dianne ang nanay nya. Katabi nito ang isang morenong lalaki na kamukha naman, nireresemble ng mata nito at manipis na labi si Ate Bea, kamukha nya ang tatay nila. May dalawang bata pa hawak ang mga ito. Hawak ng tatay ang isang sanggol habang nasa gilid naman hawak ang kamay ng nanay niya si Ate Bea na mga 4years old ang itsura sa litrato. Mahahalata mo na iningatan ng mabuti, dahil kahit luma na ang litrato di mo makikita na kusot ito o nalukot man lang. "Ngayong malaki na kayo kitang kita na sino ang kamukha nyo mga apo"

Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon