Ang Pagtuklas
Madami man ang mga naging dahilan upang tuluyan mabasa ni Toradel ang libro, ay mistulang mayroon pumipigil upang malaman niya ang katotohanan.Napag-isipan din ni Toradel na sa mundo ng mga tao ay hindi siya isang Reyna. Tsaka na lamang siya aasta bilang isang Reyna kapag siya ay nasa Heratalya na.
Sa kaniyang silid ay mag-isa niyang binuklat ay muling binasa ang libro. Nakasulat dito ang mga pangyayari sa kaniyang nakaraan..
Ano na nga ba ang kaniyang matutuklasan?
Ito ba ay kaniyang pag-sisisihan?
Sa ika-pitong Kabanata sa libro ay nakasulat ang tungkol sa kaniya nang kitilin ni Konswelo ang buhay nila Haring Isagani at Reyna Narda.
Hindi mapigil nang bata na si Tora ang kaniyang pag-iyak ngunit hinawakan ni Konswelo ang buhok nito. "Tora. Walang maitutulong ang pag iyak mo. Kaunting tiis na lamang at mawawala nang tuluyan ang lahat ng nararamdaman mo" ito ang mga salitang sinabi ni Konswelo sa bata.Hindi nagtagal ay ginamit ni Konswelo ang kaniyang kapangyarihan at pinatanda si Tora. Naging kulay puti ang buhok nito na umabot hanggang sa alak-alakan. Ngunit nanatiling dalaga ang kaniyang itsura at hindi maitatago ang kaniyang natural na ganda..
Ang bawat emosyon ni Tora ay tinanggal ni Konswelo ay nilagay ito sa loob ng iba't-ibang botelya.
Inutusan naman niya si Tamida na itapon ito sa Dagat ng Arselana ay hayaang lumubog. Ito din ang senyales na magsisimula na ang mga plano ni Konswelo, Ngunit ang isa sa mga botelya ay nakabalot ng maigi gamit ang makapal na tela.Sa loob ng maraming dekada ay namuhay ng mapaya si Tora. Lahat ng sasabihin sa kaniya ni Konswelo ay isinusulat niya sa mga libro. Dahil ang kapangyarihan ni Tora ay ang baguhin ang kapalaran ng bawat isa.. Kaya kung nais man ni Konswelo na bigyan ng masalimuot na katapusan ang sinumang Karo, ay kaniyang magagawa sa tulong ni Tora.
"Anak ko.. Mahal Kita, at ikaw lamang ang aking nag-iisang Prinsesa. Ngunit hindi ko na kayang gampanan ang aking trono at kailangang ipasa ko ito sa iyo. Isa kang Pristes na naging Prinsesa ngunit nakatakda ka na maging Reyna ng Heratalya." ngunit nagtataka naman ni Tora sa kung ano ang ibig sabihin ni Konswelo.
"Paano ako magiging Reyna? Ipapasa mo sa akin ang iyong Trono? Paano?" tanong ni Tora. "Simple lamang.. Kailangan mo ikasal sa isang Prinsipe. At nahanap ko na ang tamang lalaki na iyong magiging kabiyak" tugon ni Konswelo. "Prinsipe ba siya galing sa Kaharian ng Lapasaran?" tanong ni Tora ngunit ang paliwanag ni Konswelo ay huwag na niya ito alamin.
Dahil ang katotohanan ay isang kawal lamang si Ramon, ang batang lalaki na ito at ikinulong sa Palasyo ni Konswelo. Pinabilis din niya ang pagtanda nito at pinag-panggap na isang Prinsipe.
Isang Kawal na naging Prinsipe at nakatakdang maging Hari. Walang iba kundi si Ramon Fabio.
Pinangakuan ni Konswelo si Ramon na kung tatanggapin niya ang kaniyang alok, ay hindi na muling maghihirap ang pamilya ni Ramon.
Ipinakilala ni Konswelo si Ramon kay Tora. At agad naman nabighani ang Prinsipe sa Prinsesa.. At naipaliwanag na ni Konswelo na walang emosyon si Tora, ngunit hindi imposible na siya'y matutunan mahalin ng Prinsesa.
Hindi naging mahirap para kay Ramon ang alok ni Konswelo, dahil masaya siya dito. Lumipas ang mahabang panahon ay napaibig na nga si Ramon kay Tora at tinanong ito upang maging kasintahan niya.
"Sampung taon pa lamang ang lumipas simula nang ako ay iyong tinanong kung mahal din ba kita.. At ngayon ay ikaw nais mo na malaman ang aking kasagutan? Ano ang wari mo sa akin? Nagmamadali? Hindi ako malandi." sagot ni Tora sa tanong ni Ramon kaya napakamot ito sa ulo.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...