Chapter 30

17 2 0
                                    

Chapter 30

"It's super init here!" Inis na sabi ko habang pinapaypayan ang sarili ko.

It's obviously a bad day for me. Well, naglalakad lang naman kami sa ilalim ng matinding sikat ng araw for about... forty minutes na!

Ayokong magka-sunburn nang hindi oras, 'no!

I just wanna stay in the car since gagana naman ang aircon niyon. Pero ang malas lang talaga dahil wala palang gas ang sasakyan!

"God..." Reklamo ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Napakamot ng ulo si Tricia. "Malayo pa 'to sa bahay nila Lola..."

"So... saan nga ang punta natin nito?"

Tricia just shrugged her shoulders. "Try to call somebody kaya?"

"Tingin mo... may signal dito?" Halos mapairap ako.

"Oh, I forgot!"

Umirap ulit ako. Naiirita talaga ako. Ang ayoko sa lahat ay napapagod ako. Like... hell! Disaster!

Yes, I love exploring new things pero... hindi sa ganitong paraan!

"Baka may magdaang sasakyan..." Biglang nagsalita si William. "Magtiis muna kayo."

Napasinghal ako at bahagyang huminto sa paglalakad.

"Magtiis? To hell with that!" I shouted out of frustration.

He looked at me, expressionless. "I know you're already tired—actually, we are all tired here..."

"But I'm not used to this!"

"Get used to it, for a while."

I glared at him. At siya pa ang may ganang pagsalitaan ako nang ganito?

Couple of minutes passed at patuloy pa rin kami sa paglalakad. Tahimik lang ang dalawa habang ako naman ay panay lang ang reklamo. Like... hello! Magdadalawang oras na kaya kaming naglalakad! Ano na lang ang sasabihin ng public kapag nakita nilang naglalakad ako rito sa gitna ng bukiran?

I rolled my eyes. This is so... embarrassing! Sana lang talaga ay walang maka-recognize sa akin dito!

Nabuhayan ako ng loob nang makitang may dumaan na isang kotse.

My god! After so many fucking hours!

Kumaway-kaway si Tricia. "Kuya! Kuya! Sandali lang po!"

Halos mapanganga ako nang lagpasan lang kami nito. I even coughed repeatedly because of the car's smoke.

Ugh! Bwisit!

Another vehicle passed, truck naman iyon. Umaasa kami na hihinto ito at tutulungan kami. Pero katulad ng nauna, nilagpasan lang kami nito.

"How dare them!" Sa inis ko ay pumulot ako ng bato at pahabol na binato ito sa nagdaang truck. Unfortunately, si Tricia ang natamaan ko kaya mabilis siyang napatalikod sa'kin.

I bit my lip at hinawakan siya sa balikat. "Gosh, are you okay?"

Hindi siya sumagot.

Nakita ko namang umigting ang panga ni William.

Umawang nang bahagya ang labi ko.

He's affected?

Ang huling beses na nainis ako because of Tricia ay noong mga panahong kaaway ko pa siya. But now... I'm starting to get pissed—lalo na't nakikita kong apektado pa rin si William sa mga nangyayari sa kaniya.

Duh! They separated a long time ago! Neneng pa siya noong naging sila!

"Ang sakit..." Daing pa nito.

"Let me see..." William checked Tricia's face. Mukhang sa noo ko yata ito natamaan.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now